Tumingin siya sa akin at napabutong huninga na bumaling kay Bree. "Why did you do that? Ano ba ang problema mo kay Astrid? She's your bestfriend remember?" tanong ni tita Sasha kay Bree. Kumuyom ang kamao nito at bahagyang namula ang mata.
"That, mom. Kampi kana kay Astrid! Inaagaw niya kayo sa akin! Si Raj, si lolo pati ikaw? And she's not my 'bff' anymore." matalim na sagot ni Bree.
"Bree, watch your word. It's your mom." sagot ni tito Luther.
Umiling si Bree na bahagyang pinalis ang luha. "Pati ikaw dad?" sagot niya.
Hinilot agad ni tito Luther ang sentido niyo na parang hirap na hirap sa situation. Nakakahiya talaga na umabot pa kami sa ganito.
"See? Siya ang may dala ng gulo!" sagot ni Claire.
Napabuntong hininga si Mr. Glen sa sinabi ni Claire.
"Sir, okay lang po sa akin na napatunayan na wala tlga akong kasalanan. Pwede naman po ba natin palagpasin ito." pagsingit ko sa kanila. Umiling si Mr. Glen at kumuyom ang panga.
"Hindi ko alam na ganyan ka kabait na bata. I don't know the reason why these girls are so mad at you.. They need to say sorry, at least." salita niya kay Bree at Claire.
"No way!" sabay na sagot ng dalawa.
"Bakit magsosorry ang anak ko sa kanya?" sagot ng mommy ni Claire.
Pumikit ng mariin si Mr. Glen na tila ba nalagot ang pasensya.
"You were born rich and she's not. But look at her, mas ugaling mayaman pa siya kaysa sa inyo. No offense madam." nalaglag ang panga ng mommy ni Claire.
"Well then, the university doesn't tolerate their actions. Suspended kayo for the whole week." Mabilis na tumalikod si Mr. Glen sa amin.
"Sorry, Astrid." salita ni tito Luther at tita Sasha.
Nag walk out si Bree at Claire kasama ang magulang niya.
"Okay lang po. Sorry po sa gulo." sagot ko.
"I still want you to be friends with Bree, Astrid. But now is not the right time I guess. Mas lalo lang kitang hinangaan sa pagpapakababa mo." ngumiti ng malungkot si tita Sasha.
Naiiyak ako sa hindi ko alam na dahilan. Basta si tita Sasha ang nagsalita, may kung anong kumukurot sa puso ko.
Hindi ko din nagustuhan yung parusa kila Bree dahil alam kong gaganti at gaganti na naman sila. Nakakapagod na, e.
"Nanghihinayang ako sa inyo ni Bree." nagulat ako ng yakapin ako ni tita Sasha while tito Luther patted my head. I don't know why I feel this way to them. Sobrang gaan at sa simpleng gesture nila ay may kung ano akong nararamdaman na tali na nakadugtong sa amin.
Natapos ko ang exams ko sa ibang klase. Ang kalangitan ay mas lalong dumilim at may pag iyak ng marahan.
Sumakay ako sa taxi kahit hindi ko alam kung sapat pa yung pera na dala ko. Gusto ko na nga sana itext si lolo John na bukas nalang kami magkita dahil mukhang masama ang panahon. Kaso, nung magtetext ako ay expired na pala ang unli ko.
Medyo natraffic pa kami nung taxi dahil sa mahinang ulan. Nakakainis pa at malapit na din malowbat ang cellphone ko. Kung hindi lang talaga mahalaga sa akin si lolo John ay hindi na ako tutuloy.
Ano ba mapapala ko diba? We don't have any strings. Pero may parte sa sarili ko parang may tali na nakakonekta sa pamilya ni Bree.
"Manong, dito nalang po." salita ko ng makarating sa tapat ng Bistro. Kumalam nga agad ang tyan ko sa amo'y ng barbeque sa gilid.
Mabuti nalang at may sapat pa ako na pera para makauwi sa bahay.
Isang kulog ang dumagundong kasabay ng pagsinghap ko sa isang sampal na dumapo sa mukha ko. Pumikit ako ng mariin sa nanuot na sakit sa pisngi ko.
"Happy now? Nasisira mo ang buhay namin tatlo?" galit na bungad ni Betina kasama si Claire at Bree.
Bahagyang napauwang ang labi ko sa gulat sa presensya nilang tatlo at sa sampal na natamo ko.
Napaatras pa ako ng bahagya ng akmang sasampalin naman ako ni Claire.
"Wala naman akong ginagawa sa inyo." sagot ko.
"Anong wala? Papansin ka din, e! Tignan mo nga kami ngaun, nakick out ako sa school. Bree and Claire got suspended and it's all because of you!" isang sampal ulit ni Betina ang nagpatulo sa luha ko.
"Malandi kana, mangagamit kapa!" sigaw ni Claire sabay buhos sa akin ng juice na na dala niya.
Pinunasan ko ang mukha ko na punong puno ng juice. Ang mga tao sa paligid ay natitigilan na sa eksena na ginagawa nila.
"Wala naman ako kasalanan sa inyo. Tigilan niyo na kasi ako para hindi mag back fire sa inyo yung mga ginagawa niyo." sagot ko.
Mali pa yata na nagsalita ako kasi si Bree ang mabilis na lumapit sa akin at isang sampal ulit ang natamo ko.
"Ang kapal ng mukha mo!"galit na galit na salita niya. Kung masakit ang sampal ni Betina ay doble ang kay Bree. Masakit kasi si Bree yun eh. Hindi lang ako makapaniwala na yung minsan na tumulong sa akin bumangon ay siyang nagpapabagsak sa akin ngaun.
Tumingin siya sa lugar at ngumisi. "Bistro? Ano gagawin mo dito? Sino naman ang bagong naloko mo? Ang hilig mo talaga sa mundo ng mayayaman noh?" galit na galit siya.
Malakas na kidlat ang dumagundong galing sa kalangitan. Tila ba nagagalit sa nangyayari. Ang pag iyak ng langit ay unti unti ng lumalakas.
Nagulat ako ng hinila ni Bree ang buhok ko. Kinaladkad niya ako sa gilid ng kalsada at halos isusubsob sa kaonting tubig na naipon sa daan.
"Jan ka bagay! Sa putik! Sa baha! Sa maduming tubig! Basura ka!" isang tulak ang ginawa ni Bree kaya nalaglag ako sa gutter ng kalsada. Isang malakas na busina ang nagpapikit sa akin ng mariin.
"Lolo!"
Isang sigaw ni Bree kasabay ng pagtulak sa akin pabalik sa gilid ng kalsada. Madaming tao ang nagsigawan at madaming busina ng sasakyan. Ang langit ay tuluyan ng umiyak sa lakas ng bagsak ng ulan.
"Sir!" napatingin ako sa dalawang body guards ni Lolo John nagkukumahog na pumunta sa kalsada.
Nanginig ang kalamnan ko ng makita si lolo na nakahandusay sa gitna ng kalsada na madaming dugo.
Humahagulgol ng iyak si Bree at tulala si Betina at Claire. Kahit nanghihina ako at nanginginig ay pinilit kong tumayo para lumapit kay lolo John.
"Ambulansya dali!" natatarantang sigaw ng mga tao.
Nanghihina akong napaupo kung saan nakahiga si lolo. Tuluyan nawasak ang puso ko ng makita ko ang itsura niya. Niligtas niya ako? Bakit? Bakit kailangan niya ako iligtas at ipahamak ang sarili niya?
"B-bree..." halos ibulong nalang ni lolo. Kasabay ng malakas na pag iyak ng langit ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mapahamak siya lalo kapag niyakap ko siya.
"Lolo.." iyak ako ng iyak. Hindi din ako makapagsalita, sa gulat, sa sakit, at sa itsura ni lolo John.
Pilit na inaangat ni lolo ang kamay niya pero hindi na niya talaga kaya.
"Lolo.. Kapit lang... Dadating na po yung ambulansya." nanginginig na salita ko. Lalo akong napaiyak ng umubo si lolo kasabay ng dugo na lumabas sa bibig niya.
No! Hindi pwede. Hindi ko kaya!
"Ma...hal... Ki..ta... Bree..." nahihirapan na salita ni lolo na hindi ko naintindihan hanggang tuluyan ng pumikit ang mga mata niya.
"Lolo!!!!!" malakas na sigaw ko kasabay ng galit na galit na buhos nang ulan.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- dalawampu't dalawa
Start from the beginning
