ika- dalawampu't dalawa

Start from the beginning
                                        

"Nothing. May kamukha ka lang kasi," kunot noong salita niya.

Tipid akong ngumiti. "Si tito Luther po?" sagot ko agad kaya bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

"You know him?" tanong niya.

"Opo. Siya po yung daddy ni Bree diba? Tsaka madami na din po nagsabi sa akin niyan. Kahit nga po si Mr. Simon, e. Ang weird po no?" nakangiting sagot ko.

"Uh, medyo." ngumiti siya pabalik sa akin.

Napatingin kami sa prof ko na biglang pumasok sa office ng council kasama sila Bree at Claire with their parents.

Ang kalangitan ay tuluyan ng nagdilim na para bang ano man oras ay malapit ng umiyak.

Tita Sasha look at me with apologetic eyes together with tito Luther. I smiled at them to assure that it's okay. Kung gaano ka apologetic ang mga mata ni tita Sasha at tito Luther ay kabaligtaran ng parents ni Claire. Nakakatakot.

Si Bree naman ay nagpupuyos ang galit at tila nagpipigil. Si Claire naman ay parang any moment ay maiiyak na.

"Glen, we're sorry for this." bungad ni tito Luther kay Mr. Glen.

Mr. Glen nodded and guided everyone to the conference room. Isang parihabang lamesa na madaming upuan ang bumungad sa amin at lamig ng aircon.

"Mr. Silverio! I am dissapointed that you're accusing my daughter for something like what? Cheating? Naniniwala ka sa maduming bata na iyan kaysa kay Claire na pioneer na ng school niyo?" bungad ng mommy ni Claire. Ni hindi pa nga kami nakakaupo lahat ay higblood na siya agad.

Tuluyan ng umiyak si Claire kaya muntik ng malaglag ang panga ko. Bakit siya umiiyak?

"It's true Mr. Silverio, cheater naman 'yang basahan na Astrid na yan! Hindi niyo po ba nakikita na nagkakagulo sa school dahil sa kanya? Betina doesn't deserve to be kick out and we don't deserve to be here."

Malamig ang mga mata ni Mr.Glen na tila ba iritang irita sa mga sinasabi ni Claire at mommy niya.

"We are here to talk about what you did to Astrid. Hindi para makinig sa mga sentiments niyo na hindi naman related sa case kung bakit tayo nandito." sagot na malumanay ni Mr. Glen pero dama pa din ang iritasyon sa kanya.

"What case? Hindi paba sapat na nahuli siya ng prof namin na nagchi-cheat? Why are we even here?" si Claire.

Hay nako! Tanga lang? Hindi ba siya na-inform kung bakit nandito kami?

Mr. Glen clenched his jaw. Tahimik naman si tito Luther na nakatingin lang sa akin kaya napayuko ako. Si tita Sasha naman ay may kung anong sinasabi kay Bree na mukhang hindi naman nakikinig sa kanya.

"Before you speak, look at yourself first, Claire. Baka nakakalimutan mo na madaming CCTV ang university na ito? Gusto mo paba na iharap ko yung video sa inyo para matauhan ka sa maling ginawa at sinasabi mo." diretsong sagot ni Mr. Glen.

Nanlaki bigla ang mata ni Claire at bahagyang napauwang ang labi ng mommy niya. Nang makabawi sa gulat ang mommy niya ay masama akong tinignan sabay balik kay Mr. Glen.

"Well, mas asset si Claire at Bree ng university mo kaysa sa hampaslupa na iyan!" salita ng mommy niya. Grabe naman! Hanggang kailan ba ako makakatanggap ng ganyan mga salita? Bakit ba ganyan sila? Dahil lang sa mahirap ako? Nasaan ang hustisya para sa akin? Pumikit ako ng mariin para sa pagpipigil ng luha.

"That's enough madam, pwede naman tayo magsalita without foul words. Tao din po ang kausap niyo," salita ni tita Sasha ng seryoso na nagpakalabog ng puso ko. Ang bait bait niya talaga. Bakit hindi nalang naging kagaya niya lahat ng mayaman?

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now