“Sandali nalang to.” Hindi sa kanya nakatuon ang aking mga mata kundi sa babaeng parang butiti dahil sa pagbulwak ng mga mata sakin.

“ Siya nga pala babe, si maritess, taga dyan sa kabilang bahay.’ Tinuro nito ang katapat na bahay.

“ Maritess si Jocel asawa ko.” Naumid ako sa kanyang pagpapakilala sakin.

“Ayos kalang.” Hindi mawari ang pag-aalala nito.

Asawa agad. Diba pwedeng jowa lang muna. Well sabagay, nagpropose na nga siya sakin, so ibig sabihin malapit na kami don.

“Kala ko ba wala ka pang asawa?” halata ang pagkabigo sa boses ni maritess nang sabihin yun.

“ Kala mo lang yun.” Bulong ko pa sa sarili ko. Bakit ba halos lahat nalang ng kababaihan hindi ako tanggap kay Rafael. Maganda naman ako, Seksi, pak na pak ang laki ng boobs ko. Ano bang mali sakin at hindi ako pwede kay Rafael.

“ Matagal na kaming mag-asawa marites.” Sabi pa ni Rafael na nakatuon sa pagbabaliktad ng isada.

Hindi na sumagot si marites at bigong tumalikod samin.

Ngiting “Ako ang nagwagi” ang aking ginawa sa kanya. Akala niya naman kagandahan siya. Eh mukha siyang lamang dagat na malaki ang tyan.

Hinintay ko na matapos si Rafael sa kanyang ginagawa. Mahirap pang-iwanan ang boyfriend ko, baka malingat lang ako ng ilang saglit ay may naglalandi na naman dito. Para pa naman itong ewan, entertain ng entertain ng mga babae.

“Si Fiance ang partner ko.” Nagtatakbong umakap si kurt sakin legs. Mabuti nalang at nakapants ako dahil kinikiskis ni kurt ang kanyang mukha don.

“Kami ang partner ni Jocel, don ka kay betty.” Tinuro nito ang batang babaeng kulot ang buhok at may braces. Napanguso ang pamangkin nito at tiningala ako.

“Please, can I be your partner just for today.” Nagpout ito na parang nagmamakaawa. Aww. Ang cute talaga ng batang ito kapag ginagawa yun.

Nagsquat ako sa kanyang harapan. “Sure. Tayo muna magpartner. Wag mo nalang pansinin ang Tito mong pangit.” Napangiti ito sabay belat kay Rafael na hindi naman na maipinta ang pagmumukha.

Siya ang nagpartner kay Betty na introvert sa lahat ng mga taong nandon. Pero nung nagsimula ang Palo sebo ay nawala ng kaunti ang hiyang nararamdaman nito.

Kami ang magpartner sa lahat ng laro ni kurt, hindi naman pwede ang mama niya dahil sa kalagayan nito. Minsan pumapalit sakin si kuya danny pero ilang laro lang yun. Si Rafael naman ay nag-enjoy na rin lalo pa’t palagi sila ang nanalo ni betty.

Hindi na naming namalayan ang oras, maghahapon na nang makiupo si Rafael sa kainuman ni kuya danny. Mga kasamahan nila ang kainuman ng mga ito sa pangingisda.

Niyaya ako ng ibang mga kumare ni Ramona na makipag-inuman rin pero hinindian ko na lalo pa’t dinidilatan ako ni Rafael. Minsan talaga ang mga lalaki unfair din eh no, sila okay lang sa kanila uminom tapos kapag nalasing tayong mga babae ang mamomroblema. Makita lang nila tayong umiinom ayy naku, akala na nila malaking kasalanan ang nagawa mo, daig mo pa ang nangaliwa at kumabit.

At hayun nga, lumipas ang ilang oras. Sila nalang ni kuya danny ang nag-iinuman at nagyayabangan na. Si kuya danny ay panay ang pagstrum ng gitara at si Rafael naman ay naninira ng ear drum.

Mabuti nalang at gwapo ang isang to, kung hindi malamang ay pinaliguan na’to ng ihi sa nakakarinding boses.

“Ayy..” napatili ako ng daganan ako ni Rafael at hiniga sa kama.

“ Wag ka maingay babe, baka magising sila ate.” Nasa kabilang kwarto lang ito. Tumatawa ako dahil nakikiliti ako sa matatalas niyang balahibo sa pisngi.

The One that got away.....Donde viven las historias. Descúbrelo ahora