"Are you happy?" tanong ni Brent kaya tumango ako. Oo naman! Ito kaya ang pinakabonggang birthday ko.

"Si kuya Anton?" tanong ko. Kinagat ko pa ang pang ibabang labi ko sa hiya.

"Second floor, library." ngumiti siya ng tipid at tumayo.

Nandito lang si kuya? Bakit hindi manlang siya bumaba?

Nilakasan ko ang loob ko na puntahan si kuya. Hindi ko man maintindihan ang nagyayari pero magpapasalamat ako. And besides, sa lahat ng nangyayari.. Gusto ko siyang makita kahit feeling ko ay mahihimatay ako.

Napakamot ako ng ulo ng makarating ako sa second floor. Library ang sabi ni Brent pero nasaan ang library dito?

"Ma'am? Ano po kailangan niyo?" ngumiti yung isang kasambahay na sumalubong sa amin sa gate.

"San po ang library?" I asked politely. Mabilis na tinuro ng babae yung pinto sa kanan at bandang dulo kaya nagpasalamat ako at mabilis na pumunta doon.

Ngaung nandito na ako, bakit parang nawala ang lakas ng loob ko? Hindi ko pa alam ung kakatok ako o ano. Siguro naman hindi makikita na hubad si kuya dito diba? Hindi naman ito cr...

"I want to一" hindi na natuloy ni kuya Anton ang sasabihin niya ng makita niya ako. May hawak pa nga siyang kupita na may brown na likidong laman. Napauwang pa nga ng bahagya ang bibig niya ng makita ako.

"A-astrid.." medyo nauutal pa nga siya.

Ano Astrid? Bakit hindi ka magsalita? Leche kasi! Sa ilang araw na hindi ko siya nakita ay parang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya.

"Bakit hindi ka sumali sa baba?" tanong ko habang nanatiling nakatayo. Umiwas agad ng tingin si kuya at nag igting ang panga. Umusad siya ng bahagya na tila ba sinasabi na maupo ako sa tabi niya.

Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad papunta sa kanya. Napapikit pa ako ng mariin ng humalimuyak ang pabango niya. 

Tumingala si kuya Anton at napapikit ng mariin ng makatabi ako sa tabi niya. I was freaking nervous ng lumapat ang pwetan ko sa couch na inuupuan niya.

Tanging tunog ng aircon ang ingay sa buong library. Tapos medyo kumalma ang sistema ko ng makita ko ang isang kwarto ng mga libro.

"Seyo lahat ng ito?" tanong ko agad.

"Yes." sagot niya pero hindi pa din ako tinitignan. Ang awkward ng feeling pero I found peace in here. Pakiramdam ko ang tahimik lang at walang gulo sa loob ng kwarto na ito... At syempre... Kasama si kuya Anton.

Hinawakan ko ang librong nakapatong sa coffee table sa gilid. Kumunot ang noo ko ng makita ito. It's a book about making planes. A book for Mechanical Engineering student.

"Kuya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumikhim siya. Napatingin pa nga ako sa kanya ng nakatingin siya sa libro na hawak ko. Tila ba nilipad ng hangin ang gusto kong itanong sa kanya.

Mabilis ko itong binalik sa coffee table at napaayos ng upo.

"Galit kaba?" tanong ko ng hindi makatingin sa kanya.

"Can I ask you something first?" balik tanong niya kaya hindi ko na mapagilan na hindi mapatingin sa kanya.

"Okay.. Ano yun?" sagot ko.

"Pwede bang Anton nalang? Can you drop the kuya? Kahit kapag ako lang ang kaharap mo." seryosong sabi niya.

"Pero," nakasanayan ko na kasi ang kuya. Well, sa utak ko lang yata siya kayang tawagin na Anton.

"Bakit naman?" tanong ko. It breaks my heart to see his eyes full of sadness and pain. Para bang madaming iniisip at madaming bumabagabag.

"Alam ko naman na hindi pwede na maging tayo. And I don't want to force you to love me back. I don't want that baby.. I don't want safety. I want you to love me the way I love you. Pero kapag tinatawag mo akong kuya, lalo akong sinasampal ng katotohanan na hindi talaga pwedeng maging tayo."

Humataw sa bilis ang tibok ng puso ko. Nakakaiyak kasi na kahit malakas si kuya ay parang hindi ko iyon makita sa kanya ngaun. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. I want to tell him I love him the way he loves me but it scares me more.

"Galit kaba kasi," nanginig ang boses ko. Bahagyang napasinghap si kuya ng makita na naiiyak na ako.

Marahan siyang nagmura at mabilis na lumapit sa akin para alisin ang tumulong luha ko.

"Nasasaktan ba kita?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Umiling ako pero hindi ko pa din mapigilan na hindi maiyak. Nalulungkot lang ako sa katotohonan na kahit mahal ko siya, hindi ko pa din pwede sabihin sa kanya.

At kahit mahal ko siya, hindi pa din pwede na maging kaming dalawa.

Huminga siya ng malalim at marahan hinaplos ang pisngi ko. "That's what I thought so though, simula ng aminin ko yung feelings ko seyo palagi ka nalang umiiyak."

Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin."Sinabi ko yung feelings ko  coz' I can't keep it anymore. Hindi para pahirapan ka. I keep my distance to you coz'  I don't want you to forcefully choose me because I look pathetic to you. "

Kumalma ako sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko alam na may side na ganito si kuya. He may look cold on the outside, but he's definitely warm on the inside.

"Pero hindi ka galit?" tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Kahit kailan, hindi ako magagalit seyo.. "

"Bakit umiiwas ka?"

Para kang sirang plaka Astrid!

"Ayaw mo ba akong umiwas?" balik tanong niya. Tinikom ko agad ang bibig ko. Ayan kasi Astrid! Tanong pa more ha?

"Bakit ako? Sa nakikita ko matagumpay ka  at may narating na sa buhay. Si Anton Isaac Dela Cruz ka, nakilala kita na lahat ng gusto mo, ginagawa mo ang lahat para makuha mo." hindi ko na mapigilan magsalita. Pakiramdam ko kasi at ease ako dahil sa kalmado lang siya.

"Bakit hindi ikaw? Right baby, si Anton Isaac Dela Cruz ako, pero kahit anong gawin ko, bakit hindi ka pa din akin?" umiwas siya ng tingin sabay igting ng panga.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko na nakayanan na magsalita. Hinawakan ulit ni kuya yung kupita at tumitig doon.

"You're the love that came to my life without a fucking warning. Ang unfair diba? Kahit hindi mo na ako mahalin pabalik, Astrid. Basta anjan ka lang, ayos lang ako."

His sad eyes, his lonely soul, his broken heart made my world fall apart. Bakit ang lupit ng mundo?

Tumayo siya with his bloodshot eyes. "So stop feeling sorry for me.." tumalikod siya at naglakad palabas sa veranda.

Hindi ko alam kung bakit napatakbo akong lumapit sa kanya at yumakap ng mahigpit. Damang dama ko ang paninigas niya sa yakap ko.

"Nandito lang ako, Anton." sagot ko.

Inalis ni kuya ang yakap ko sa kanya at bahagyang napauwang ang labi  na tumitig sa akin. Tipid siyang ngumiti, umabante siya ng bahagya at hinalikan ako sa noo.

"Happy Birthday, baby." salita niya sabay tingin sa kalangitan na nagliwanag bigla sa dami ng ibat ibang ilaw.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now