"May I?" tanong ni Brent ng nakalapit sa akin. Hindi ko maprocess sa utak ko kung ano ba ang nagyayari. Kaninong bahay ba ito? Nakakahiya!
Inabot ko ang kamay ko sa kanya kaya dinala niya ako sa gitna at sinayaw. Hindi pa man kami nagsisimula ay natawa na ako ng napamura si Brent ng maapakan ko ang paa niya.
"Sorry, hindi kasi ako sanay." kinagat ko ang pangibabang labi ko. Ngumiti si Brent, " It's okay, paa ko lang naman ang nasaktan. Kapag hindi ako nanalo sa volleyball league bukas, ikaw nalang ang sisihin ko." natatawang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Inaya ko tuloy umupo muna si Brent kasi nagugulantang talaga ako sa nangyayari. "Happy birthday, Astrid!" masayang bati ni Rosie. Binati din ako ni West at kuya Jigs.
Ang dami kong tanong, sa dami nito ay hindi ko alam kung sino o ano ang unang itatanong ko.
"Kain na tayo anak," anyaya ni nanay kaya natauhan ako at tumango. Sumunod ako sa kanya sa isang napalaking round table kung saan may isang napalaking cake sa gitna.
"Paano?" tanong ko agad sa kanila. Nilibot ko pa ang mga mata ko sa paligid pero bigo ako ng hindi ko makita ang tao na gustong gusto ko makita ngaun.
"Si Anton," umpisa ni nanay at umiwas ng tingin. Now my curiousity is eating me kung saan talaga kumukuha ng pera si kuya.
"Dito na tayo titira." pahabol ni nanay. Tumikhim si Brent ng bahagya kaya naagaaw niya ang atensyon ko.
Pati si Rosie ay takang taka na nakatingin kay nanay.
"Wow! Bahay niyo ito nay Ester? Ano ba trabaho ni Anton?" puno ng kuryosidad na tanong ni Rosie. Tikom ang bibig ni nanay kaya si kuya Jigs ang sumagot.
"COO," nagkibit balikat siya kaya sabay kaming napainom ng tubig ni Rosie.
"Chief operating officer?" tanong ko.
Pigil na pigil ang tawa ni kuya Jigs habang literal na natawa si Brent at West.
"Child of the owner." tawang tawa na salita ni Brent kaya lalong napakunot ang noo ko.
"Child of the owner? May ganoon bang trabaho?" hindi pa din nawala ang pagtataka sa mukha ni Rosie kaya natawa na din ako.
"Tanga mo talaga, Rosie!" umirap si kuya Jigs habang napuno ng tawanan ang lamesa. Napansin ko din si kuya Jigs na medyo balisa at tingin ng tingin sa cellphone niya.
"Bakit kaya hindi nagrereply ang gaga?" salita niya kaya natigilan si Rosie. Si nanay ay lumabas at may kinuha habang si Brent at West naman ay nakatingin lang sa paligid.
"Sino?" tanong ni Rosie.
"Pake mo?" masungit na sagot ni kuya Jigs.
"Gwapo mo eh, noh?" sarcatic na sagot ni Rosie kaya napangiti ako. Tapos hinawi niya ang buhok niya na wala yatang laso na nakakabit ngaun.
"Baka kaya hindi nagreply kasi patay na."
Nanlaki ang mga mata ko at ganoon din si kuya Jigs.
"Anong sabi mo?" nag igting ang panga ni kuya Jigs.
"Duh! patay... Patay na patay na sa iba," umiling siya at bumuntong hininga. "Hay nako, sumalangit nawa ang malanding kaluluwa niya.."
Halos sumabog ang mukha ni Kuya Jigs sa inis habang literal kaming humagalpak ng tawa nila Brent.
"Nice, babe." kinindatan ni Brent si Rosie na bahagya pang namula.
Lumabas si kuya Jigs ng bahay habang si Rosie ay sayaw ng sayaw. Naiwan kami ni Brent dahil si West ay may katawagan.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- dalawampu
Start from the beginning
