Hiniwalay ko si nanay sa akin at marahan ko siyang pinunasan ng luha. Gusto ko pa ngang matawa kasi para siyang bata.
"Nay, bakit naman kita iiwan? At ano naman ang malalaman ko?" natawa pa ako ng bahagya kasi parang nag uulyanin na siya. "Kahit anong mangyari, nay, ikaw lang ang nanay ko. Hindi kita iiwan at mahal na mahal din kita."
Tumango si nanay at ngumiti tsaka mabilis akong tinalikuran. I smiled sadly, this is one of the reason kung bakit hindi kami pwede ni Anton, ayokong saktan si nanay kapag nalaman niya na nagmamahalan ang dalawang anak niya.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas agad ako ng kwarto. Hindi na din nagulat si nanay na isang magandang dress ang suot ko. Kasama din kasi ito sa mga ibinigay ni kuya Anton sa akin nung nasa Batangas pa kami.
"Ganda talaga ng anak ko." niyakap ulit ako ni nanay. Tumawa pa nga ako kasi ngaun lang ako sinabihan ng maganda ni nanay.
"Bakit parang hindi na tayo babalik dito?" tanong ko ng ikandado ng mabuti ni nanay yung pinto. Tuwing umaalis kasi kami ay simpleng kabig lang o di kaya ay nilalagyan niya ng pako ang lock.
"Shhh! Dami mong napapansin bata ka! Tara na nga." masungit na naman si nanay kaya napanguso ako at sumunod nalang sa kanya.
"Sa Paradise po," sagot agad niya sa driver ng makasakay kami ng taxi. Gulat na gulat nga ako kasi nagtaxi kami, ang kuripot pa naman ni nanay sa ganito.
"Ano gagawin natin sa Paradise?" tanong ko. Isang exclusibong subdivision kasi iyon. Sino naman ang pupuntahan ni nanay doon?
"Manahimik ka nalang nga Astrid, natataranta ako sa dami ng tanong mo." umirap siya kaya pigil na pigil ang tawa ko. Mukha kasing okay si nanay ngaun, ganyan kasi siya kapag okay siya. Masungit!
Nang makarating kami sa Paradise ay lalong dumami ang tanong sa utak ko. Una, bakit kami nandito? Pangalawa, pinapasok kami ng guard ng walang dalawang sabi, yung tipong kilala o alam nila na dadating kami.
Lumibot agad ang mga mata ko sa paligid. Malalaki at layo layo ang bahay dito. Parang nakakalungkot naman tumira dito, para kasing wala kang makakausap na kapitbahay hindi tulad sa lugar namin, na magulo pero masaya.
Nagtataka pa ako ng huminto sa isang malaking gate yung taxi. Hindi naman nag instruct si nanay ng lugar pero alam nung driver kung saan siya hihinto.
"Nay, wala pang bayad!" natarantang sabi ko sabay labas ng limang daan piso na naipon ko sa mga ibinibigay ni kuya sa akin noon.
"Bayad na yan! Tara na." hila niya sa akin kaya wala akong nagawa. Kung sino man ang pupuntahan namin ay mayaman na mayaman. Bumukas ang gate, sumalubong sa amin ang dalawang guard at apat na kasambahay na nakapila sa dadaanan namin.
Seryosong tumango si nanay sa kanila habang ako ang ngumingiti. Grabe si nanay! Feeling niya ba ay siya ang may ari ng bahay?
Medyo mahaba ang nilakaran namin pero tanaw na ang napalaki at napakagandang bahay. Sa may unahan parte ng bahay ay may tatlong magagarang sasakyan. Sa dinadaanan naman namin ay puro halaman at bulaklak. Ang ganda! Parang ganito kasi sa bahay nila Bree. Kaya lang, mas malaki lang talaga ang mansion nila.
"Nay! hindi kaba kakatok?" tanong ko ng pihitin niya yung knob ng double door na wooden na pinto.
"Bakit ako kakatok sa bahay ko?" sagot niya na ikinalaglag ng panga ko. Bahay niya?
Hindi pa ako nakakarecover ng bumukas ang pinto kasabay ng pagputok ng mga party poppers. Napanganga pa ako ng makita si kuya Jigs, Rosie, West at Brent.
Tapos may maliit na catering sa gilid at may malaking mukha ko na nakalagay na happy birthday. May sound sistem din sa gilid kung saan nagpapatugtog ng sayaw na pang cotillion.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- dalawampu
Start from the beginning
