Pinunasan ko ang luhang tuluyan ng pumatak sa mga mata ko. This is the exact words I want to hear now. Sa dami kasi ng pinagdaanan ko parang nauubos na ako nito.
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni lolo John. Wala na din akong pakialam kung ano pa ang sabihin nila. Tama naman si lolo, wala naman kaming ginagawang masama. Sadyang madumi ang utak nila at mapanghusga.
"Come, huwag tayo dito." aya niya sa akin. Tahimik kaming naglakad hanggang makarating kami sa parking. Dalawang bodyguard ang sumalubong sa amin.
"Lolo, kelan po lalabas yung DNA result?" tanong ko ng makasakay kami sa sasakyan. Feeling ko kasi ang tagal tagal na namin iyon ginawa sa dami ng nangyari.
Ngumiti si lolo na para bang nabuhayan siya sa tanong ko. "Next week," maikling sagot niya.
Tahimik kami buong byahe. Ni hindi nga ako makapagtanong kung saan o ano ang gagawin naming dalawa.
"Tara na, Astrid.." salita ni lolo ng maiparada ang sasakyan sa isang French na restaurant. Sobrang cozy nung place at mukhang mamahalin. Kaya ko lang din nalaman na french restaurant ito kasi, French cuisine and pangalan nung resto.
Nang pumasok kami ay lalo akong namangha. Napapalibutan ng mga wine ang buong paligid. Sabi nila kapag mas matagal yung wine ay mas mahal at mas masarap. Parang ang tagal na ng iba dito at mukhang mamahalin. Tsaka hindi lang siya basta resto, it's fine dinning!
"What is she doing here?" nagulat ako ng nandito din pala si Bree at tita Sasha. Hindi ko alam at hindi ako prepared!
"To make things clear for all of us. Drop your attitude, Bree." malamig na salita ni lolo John kay Bree. Si Bree naman ay natahimik but her mad face is the evidence that she's not happy with my presence.
"Upo kana, Astrid.." salita ni tita Sasha pero seryoso naman siya. Nakakatakot tuloy na nandito ako. Bakit naman kaso dinala ako dito ni lolo.
May lumapit sa amin waiter at nagbigay ng tig iisang menu sa amin. Nagsimula kaming tumingin sa menu, medyo nahihirapan pa akong mamili dahil hindi ko alam basahin kung ano ang nakasulat sa menu.
Nagbigay na sila ng order kaya ako nama ang hinihintay nila. Nahihiya pako dahil hindi ko alam paano ipronounce yung salita!
"What's taking you so long? Umorder kana kaya!" iritang salita ni Bree.
"Beef borginon," sagot kong nahihiya. Yung lang kasi ang pinakamadaling basahin sa menu. Isang halakhak ni Bree ang nagpa angat ng tingin ko.
"It's beef bourguignon. Stupid!" panunuya niya.
"Bree," salita ni tita Sasha. Si lolo John naman ay nakatitig sa kanya na parang ikinahihiya niya ang inasal nito.
"Sorry, Astrid." salita ni tita Sasha.. Mukha din na nahihiya siya sa akin kaya ngumiti nalang ako para ipakita na ayos lang. Nakakahiya naman kasi totoo naman ang sinabi ni Bree.
"Duh! Why saying sorry to her, mom? Siya na nga lang ang nakikisawsaw sa lunch natin ikaw pa naga soso-sorry? Tanga naman talaga siya!" marahas na salita ni Bree.
Grabe naman siya! Ano magagawa ko kung hindi ako lumaki sa mga ganitong bagay?
"Are you going to stop or I will stop you?" salita ni lolo John. Bahagyang napauwang ang bibig ni Bree habang si tita Sasha naman ay hinilot ang sintindo at pumikit ng mariin.
"Why is she with us, lolo?" tanong ni Bree kay Lolo John.
"Apologize to her." malamig na sagot ni lolo John. Nakakakuha na din kami ng atensyon sa ibang table.
Nanlaki ang mata ni Bree. "What? No way!" halos umalingangaw ang boses ni Bree sa buong lugar.
"You heard me, Bree."
"No way lolo! Magalit kana but I won't apologize. Siya nga ang may kasalanan sa akin! Kapal nga ng mukha niya para sumama dito!" galit na salita ni Bree. Ako na ang nahihiya para sa amin lahat. I shouldn't be here.
Bakit kahit anong layo ko ay napapalapit sila? At tuwing napapalapit naman sila mas lalo lang nagugulo?
"Bree, that's too much! Lolo mo ang kausap mo. And please stop talking that way. Wala naman ginagawa si Astrid seyo." pagsingit ni tita Sasha.
"Aalis nalang po ako." singit ko din. Marahan hinawakan ni lolo John braso ko kaya hindi ako makatayo.
"Dito ka lang." sagot niyang mariin.
"Pati ba naman ikaw mommy? Si Astrid na din?" lalong nagalit ang itsura ni Bree.
"Stop it!" tumaas ang boses ni lolo John nakakatakot. Tas nag aalala pa ako baka mapano siya, may katandaan na din kasi si lolo John.
"If you want me to stop, make her leave.." sigaw ni Bree.
"Eh kung ikaw nalang ang umalis? Sagot ni lolo." nanlaki ang mga naming tatlo.
"Pa," sagot ni tita Sasha.
Pumikit ako ng mariin. Napatingin ako kay tita Sasha na mukhang problema na. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. Tumango ako, I get what she wants to say.
"Lolo tsaka nalang po tayo magkita. Aalis na po ako." ngumiti ako to convince lolo that I'm okay. Totoo naman na ako ang sampid dito at makapal ang mukha ko. Ayoko lang na magkagulo sila dahil sa akin.
"But," walang makapang salita si lolo.
"Go! Ano pa tinatanga mo jan?" sigaw ulit ni Bree kaya dali dali akong umalis na hindi sila nililingon.
Paglabas ko ng resto ay mabilis kong pinalis ang luhang tumulo sa mata ko. Huminga ako ng malalim at patakbong lumayo sa lugar. One day, babangon din ako at hindi na maaapi pa.
Damn this day!
-------------------
Note..
Hi! I made a page, please palike naman. Makikita don kung kailan ang update at upcoming stories. At magpapagame ako sa March para makasali kayo..(Syempre pag may games may price diba?) Like niyo na for the updates. Haha! And besides plano ko magself pub ng book this year, not sure pa pero plano ko. Yung link nasa profile ko. Thanks!
Sa ilan na naglike ang nagmessage sa akin sa akin sa page, thanks! Na-appreciate ko kayo kahit di ko kayo kilala dito sa wattpad! Kita ko naman real fb account niyo. :) lovelots!
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing siyam
Start from the beginning
