Tumingin ako kay Raj at umiling sabay balik ng mata ko kay Mr. Simon at tumango.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko agad ng makarating kami sa office.
Medyo kinakabahan pa nga ako. All my life ngaun lang ako napasok sa office for unknown reason.
"Wala na ang scholarship mo,"umpisa niya.
"Po?" sagot ko agad dahil sa gulat. Bakit ba ako nagulat? Dapat alam ko na may posibilidad na mawala iyon dahil sa issues namin ni Bree.
"Yes. Dahil regular student kana. Someone paid your full tuition fee and requested na alisin ka sa scholarship ni Mr. Vera Cruz." seryoso ulit siya.
Napauwang ang labi ko sa gulat. Sino naman ang magbabayad ng tuition ko? Sobrang laki kaya ng tuition fee dito.
"Sino daw po?" tanong ko.
"Brent Ibañez. And he requested to investigate about what happened to Betina's night. Nakita namin ang maling action ni Betina which is not tolerable in this school. The board decided to kick her out of the school."
Si Brent? Bakit naman babayadan ni Brent yun tuition ko? At paano niya nalaman yung gabi一 Si kuya Anton!
"And about your issue with Bree," huminga siya ng malalim at nanatiling nakatitig sa akin.
"Just tell me if she did something to you.. I'm sorry if she's acting like a brat.. Kahit kaibigan ko ang daddy niya, I'll do legal actions." ngumiti siya sa akin. Buti nalang hindi niya naabutan yung scene kanina!
Parang ang bait bait ni Mr. Simon. Ang swerte swerte siguro ng anak at asawa niya. Mukhang napaka-loving person niya.
At mabuti nalang naayos ko ang sarili ko habang naglalakd papunta dito. Baka mamaya kung ano pa isipin niya.
"Wala naman pong ginagawa si Bree, pero salamat po." sagot ko.
Lumabas ako ng office ni Mr. Silverio na lutang. I don't have any string with the Dela Fuente's anymore. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. May parte kasi sa akin ang nalulungkot. Mamimiss ko si tita Sasha, tito Luther, Kaio at lolo John. Syempre si Bree kahit hindi kami okay ngaun.
Pero paano talaga nabayadan ni kuya yung full tuition fee ko? Until now yan ang malaking tanong sa utak ko. At paano niya napatalsik si Betina sa school? Ang alam ko ay mayaman si Betina at madaming koneksyon. Paano iyon nagawa ni kuya Anton?
Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok ako o hindi. Pati ang pag-aaral ko ay naapektuhan ng personal issues ko.
Hindi ko din alam kung aalis ako o mananatili sa school. Handling everyone is one thing, and facing Raj now is another thing.
"Astrid," Napauwang ng bahagya ang labi ko ng makita si lolo John na nakangiting lumalapit sa akin. Kung tama lang ang situation ay baka mayakap ko si lolo. Namiss ko din naman kasi siya.
Kaso, bakit ngaun ka naman nagpunta sa school lolo? Hay!
Naiilang ako ng lumapit sa akin si lolo John. Nakatingin kasi halos lahat ng studyante sa amin.
"Bakit po lolo?" tanong ko agad.
Nakakunot ang noo niya ng mapansin siguro ang pagkailang ko. "I know what happened that's why I'm here." biglang sabi niya kaya lalo akong nailang.
"We both know that is not true. Bakit papaapekto ka sa kanila? Fight, Astrid. To be at your best, you should know how to handle your worst. Let people judge you, let them think whatever they want to think. Basta alam mo na tama ka at wala kang ginagawang masama, go on. Make them the reason to strive hard and carry on. Para kapag matagumpay kana, ipapakain mo sa kanila lahat ng masasamang bagay na ginawa nila."
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing siyam
Start from the beginning
