ika- labing siyam

Start from the beginning
                                        

"Ano ba problema mo?" salita ko.

"Problema? Na-kick out si Betina sa school. Like seriously? Ikaw dapat ang nawala dito! You don't deserve this school! You don't deserve the people around you! Cunt!"galit na galit na sigaw niya.

Paanong na-kick out si Betina? At bakit ako ang sinisi niya?

"Say it again一" singit ni Raj. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng lumabas si Bree sa dagat ng mga studyante.

"And what are you going to do, Raj?" malamig na salita niya sabay tingin sa akin na puno ng galit ang mga mata.

Bumalik ang tingin niya kay Raj na galit din ang mga mata. "This is so not you, Raj. The Mayor of the student council who suppose to be the diciplinarian is making trouble now?" titig na titig siya kay Raj na medyo nahimasmasan yata.

"What did she do to you? Is she even worth it? Okay naman tayo diba? Bakit?" naiiyak na salita niya. Natigilan ulit si Raj.

I want to exit my self but I don't know how. Bukod sa scandalo ay hindi ko na alam kung saan ako dadaan.

"Stop it, Bree, huminto kana hangga't may respeto pa akong natitira seyo." malamig na salita ni Raj. Napauwang ang labi ni Bree at halatang gulat na gulat.

"And by the way, about your question about if she's worth it? She is. I love her and it won't change. Even you can't change it. Bigyan mo naman ng respeto ang sarili mo." salita ni Raj na nagpatulo na ng luha ni Bree.

That was harsh! Nagmahal lang naman si Bree. Kung hindi niya gusto si Bree dapat ay hindi siya pumayag sa set up nila noon.

Mabilis na pinunasan ni Bree ang luha niya. Umiwas siya ng tingin kay Raj at diretso na lumapit sa akin. Isang sampal ang natamo ko kaya napasinghap ang iba at ang iba ay nagtawanan.

"Pinagsisihan ko na pinapasok kita sa buhay ko! Ginamit mo ako! Inaagaw mo ang mga taong mahal ko! You will regret this, Astrid! I swear to God you'll regret this!" sigaw niya tsaka tuluyan nagmartsya palayo.

Nakatulala ako habang pinapahidan ang pa-isa isang luha na bumabagsak sa mga mata ko. Hindi ko din kasi maintindihan kung paano ko siya ginamit.

"I'm sorry.." napa-angat ako ng tingin kay Raj. I felt numb. Parang kailangan lang ay tahimik ang buhay ko.

Isa akong babae na gustong mag-aral para maka-ahon sa hirap. Akala ko ng makapasok ako sa university na ito ay magiging maayos na ako. Pero mali ako, hindi ko inakala na impyerno ang matatagpuan ko dito.

"Para saan?" tanong ko at nagsimulang maglakad. Ramdam ko ang pagsunod ni Raj kahit pinagtitinginan na siya.

"Baby.."

Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. As much as I don't want to blame him, may parte sa akin ang sinisisi siya kung bakit kami nagkasira ni Bree.

"Raj, please.. Stop saying sorry dahil hindi naman ako galit. And please stop bothering me kasi wala kang mapapala sa akin. Hindi ko isusubo sa bibig ko yung mga salita ni Bree na inagaw kita. Okay naman kayo diba? Bumalik ka nalang sa kanya." salita ko habang naiiyak na naman.

Though, Raj is nice. Hindi ko naman siya masisi na nahamak ako sa birhday ni Betina kasi mommy niya ang babanggain niya. Siguro kung ako din naman ang nasa lugar niya ay susunod ako sa nanay ko.

Pero hindi talaga kami pwede.. And besides... May mahal na akong iba..

"Astrid naman." he begged. Parang nawawasak ang puso ko sa mga mata niya na halos umiyak na sa harap ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay may tumawag sa akin.

"Ms. Dela Cruz, can you come to my office?" napatingin ako kay Mr. Simon na seryoso ang mukha.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now