"I'm serious. No one's allowed to hurt her." sagot niya ulit. Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya kahit nakatalikod siya.

"Shut up! I'll hang up." mabilis na humarap si kuya kaya hindi na ako nakakilos. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Kanina kapa?" he sound bit nervous. Inayos niya ang nagulo niyang buhok at may susi na kinuha.

I want to ask questions. Pero sa dami ng tanong sa utak ko ay hindi ko na malaman kung ano ang uunahin ko. Besides, hindi pa siguro ito ang time para tanungin ko siya.

"Uh, hindi naman. Hindi ko kasi alam kung san ka pupuntahan. Narinig kita so--" kinagat ko ulit ang pang ibabang labi ko. Nagsimula na naman kasi maghurumentado ang puso ko.

"Susunduin sana kita, may kinausap lang ako. Tara na." he licked his lower lip sabay lakad patungo sa akin. Literal na huminto ang oras sa akin habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin.

"Are you okay?" tanong niya.

Marahan akong tumango. Nakatingin kasi siya sa damit na suot ko. "Pangit ba? Hindi kasi ako sanay一"hindi na natuloy ang sasabihin ko ng ilagay niya ang daliri niya sa bibig ko.

"Wag mong maliitin ang sarili mo. Maganda ka sa lahat ng anggulo, Astrid. And from now on, sanayin mo na ang sarili mo sa buhay na pinagkait seyo."

"Pero--" paano ko naman sasanayin?

"Hush, baby. All you have to do is to learn and get use of it. I'll provide everything for you. Remember what I've told you? Yung mundo nila? Ibibigay ko seyo."

Tumango nalang ako kay kuya. Hindi ko kasi siya maintindihan. Tapos sumasabay pa na naghuhurumentado ako. Sa bawat pagbuka ng bibig niya? Pakiramdam ko nahulog ako sa isang malalim na bangin at hindi na makaahon.

Gusto ko sana maniwala kay kuya kaso mas nanaig pa din sa akin ang madaming tanong. We grew up together, I've seen his life.. Well, medyo maarte nga siya sa gamit pero hindi ko akalain na may pera siya para sa mga ganito. Nanalo ba siya sa lotto?

Pero isang bagay ang sigurado kong ugali niya. He's true to his words. Kapag sinabi niya? Ginagawa niya talaga. But this one? Nakakalito lang talaga siya.

"Dito tayo kakain?" mangha akong nakatingin sa loob ng silid na pinasukan namin. Ngaun lang kasi ako nakapasok sa isang kwaro na literal na pagkain lang ang laman.

Natakam agad ako sa iba't ibang klase ng desserts at tinapay. Tapos sa isang side mayroon  naman naggigrill ng kung ano ano. Sa isang side naman ay bar kung saan iba't ibang klase ng salad ang nakalagay.

"Yes, baby." sagot niya. Kumaway si kuya sa isang waiter na nasa gilid.

"Reservation for Anton Dela Cruz." pormal na salita ni kuya. Akala ko, nakakagulat na yung mga gamit ni kuya sa bahay at pagtulong niya sa amin.

Ngaun ko masasabi na hindi ko talaga siya kilala. Paano nangyari na kaya niyang gumastos ng ganito?

"Kuya diba mahal dito?" sagot ko ng makaupo kami. Umupo si kuya Anton sa upuan na nakaharap sa akin sabay taas ng isang kilay.

"You're worrying too much. Dinala kita dito para mag-enjoy. Stop ovethinking, Astrid. I got this. Okay?" sagot niya kaya napanguso ako. Ang sungit!

Pagkatapos namin kumain ay halos hindi na ako nakalakad. Dahil bago sa akin ang mga pagkain ay talagang inenjoy ko sila. Si kuya kasi busy sa cellphone niya kaya ginawa ko ang lahat para makain sila.

Tama nga sila. Kapag depress ka, ikain mo lang ang mababawasan ang sakit. Sa dami ng nakain ko naman ay tyan ko naman yata ang sumakit.

"Lets walk," nakatitig sa akin si kuya  habang may multong ngiti sa mukha niya. Mukhang natutuwa siya sa itsura ko at dami ng nakain. Ang hinhin naman kasi niya kumain. Parang mas lalaki pa ako sa kanya.

Bumuhaghag ang laylayan ng dress ko sa isang hampas ng hangin. Asul na dagat ang sumalubong sa amin ni kuya ng lumabas kami sa hotel. Tapos nakakataka pa kasi wala masyadong tao sa lugar. Makikita mo lang na may isa o dalawang tao na nasa gilid pa at nagbibilad sa araw.

Tahimik kami ni kuya habang naglalakad palapit sa shore. Hindi nga ako makapagreklamo sa kanya. Trip niya talagang maglakad sa tirik ng araw?

"Masakit paba?" biglang salita ni kuya habang nakatingin sa dagat. Napatingin ako sa kanya.

His eyes are in pain. Na parang bang mas nasaktan pa siya sa nangyari sa akin kaysa sa akin.

Tumitig ako sa dagat at pinagmasdan yung isang lalaki na nagsusurf. Ang galing niya. Kahit tirik na tirik ang araw ay parang balewala sa kanya.

"Medyo," pag amin ko. Nakakalimutan ko yung sakit pero nandito pa din. Buong buhay ko kasi ngaun ko lang naranasan mapahiya at apihin ng ganoon.

"Uhuh." sagot niya sabay igting ng panga.

Tumahimik kaming dalawa. Sabay pa namin pinanuod yung nagsusurf na palaging nalalaglag pero patuloy pa din na bumabangon.

Surfing was like methapor of life itself. We wait for the wave, we catch it, we stand, we ride, we fall, and then we surface and try it again. And everytime we rise to the surface, it means new chance to go through everything all over again.

I heaved a sigh. May parte din naman sa akin ang dapat sisihin sa nangyari. Kung nilugar ko lang sana ang sarili ko, I wouldn't happened to me.

But being a damsel in distress, nagpapasalamat ako kay kuya Anton for saving me. For believing in me and help me to stand again. Kasi, pakiramdam ko, hindi ko kakayanin kung mag isa lang ako.

"Kuya, A-ano.. Salamat ha." nahihiyang salita ko. Napatingin sa akin si kuya Anton ng seryoso. Kasabay noon ay umihip ang malakas na hangin at lumakas ang paghampas ng alon.

"For what?" tanong niya.

Hinawi ko ang buhok ko at kinagat ang pang ibabang labi. Humalukipkip si kuya Anton sa harap ko kaya nawala na naman ako sa katinuan.

"A-Ano, for helping me. For saving me. And for this."

"This?" kumunot ang noo niya.

"Oo, hindi kasi ako sanay sa atensyon mo. Hindi mo nga ako pinapansin. Pero eto ka, nandito para sa akin. Trying to make me happy."

Napapikit ng mariin si kuya Anton. " Masaya kaba ngaun?" seryosong tanong niya na nagpakalabog ng dibdib ko.

Dahil hindi ako makasagot ay tumango ako. Ngumiti siya ng tipid at binalik ang tingin sa dagat.

"The world's gonna judge you no matter what you do, baby. Either you are rich or poor. Don't let them affect your dreams and beliefs, baby.. Live your life the way you want to."

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako ulit. Sa bawat bigkas kasi ng salita niya ay parang tumatagos sa puso ko. At bawat salita niya ay buong puso niyang binibitawan sa akin.

"Hey," lumapit siya sa akin at pinalis ang luha sa mga mata ko. Parang tumakas ang salita sa bibig ko. Nagulat nalang ako ng mahigpit akong yakapin ni kuya Anton.

His hug, his warmth made me cry more. I don't know pero nasa punto ako na pakiramdam ko siya lang ang kailangan ko ngaun.

"Why are you doing this?" tanong ko at humiwalay sa kanya. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin hanggang dahan dahan niyang pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"People will do everything for their love ones, baby. Your tears is my weakness, your smile is my happiness. I can't promise that it won't happen again to you.. But I promise you that I will do my best to protect you."

Naiiyak na naman ako! Naiiyak ako ngaun kasi nagugulo ako. Nalilito. Normal pa ba yung ginagawa at sinasabi sa akin ni kuya? Kasi ang totoo? May nararamdaman ako ng iba para sa kanya. And that feeling scares me.

"Mahal mo ako, kasi, kapatid mo ako diba?" tanong ko.

Nakitaan ko ng pain ang mga mata ni kuya. He look at me intently. Sa kagustuhan kong mabigyan ng sagot ang mga tanong ko. Nilakasan ko ang loob kong titigan siya.

"More than that, Astrid." sagot niya.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now