"Batangas." sagot niya at tuluyan ng lumabas ng silid.
Akala ko nanaginip lang ako sa tunog ng alon. Nang sumilip kasi ako sa bintana kung saan naroon ako ay dagat ang bumungad sa akin.
Pumikit ako ng mariin ng makita ko sa salamin ang itsura ko. Ang magandang gown na suot ko ay parang dumaan sa bangungot. Maharan kong hinubad ang kwintas at hikaw na bigay ni tita Sasha.
Thankful ako sa regalo niya. Pero siguro, hindi lang talaga ito nararapat sa akin. Kinuha ko ang bag na dala ko at marahan silang inilagay sa loob ng velvet box.
Napatingin pa ako sa cellphone ka nang bigla itong magvibrate. Anger enveloped me when I saw Rajan's name on the screen.
Mabilis kong pinatay ang tawag at pati cellphone ko. Partly, I blame him for putting me into position of being a damsel in distress. Yes pinagtanggol niya ako. But it didn't change the fact that he let me got hurt by them. And now what? Now that I don't need him, he's willing to be my knight in shinning armour? Too late, Raj.
Napalundag ako ng humaplos sa balat ko ang malamig na tubig. Memories of Raj mom's occupied my head. Her disgusted face, her accusations and insults.
Pati si Bree.. I don't know how to say sorry para magka-ayos kami. I just want her to know na hindi ko siya ginamit o niloko. What I showed her is genuine friendship. Walang kapalastikan o panggagamit.
Sino ang niloko ko? Gusto kong mag-explain kay Bree pero hindi na ako papasok sa mundo niya, nila.
Nang matapos ako maligo ay dinamay ko na ang masakit na karanasan na nangyari sa buong buhay ko. Nagpapasalamat nga ako kay kuya kasi dinala niya ako dito. Uubusin ko nalang ang oras ko dito kaysa magisip ng mga bagay na hindi ko naman mababago pa.
Nataranta ako ng bahagya ng maalala ko na wala pala akong damit. Ano ngaun ang isusuot ko?
"Ma'am.." sigaw ng isang babae sa labas kasabay ng pagkatok. Dali dali kong isinot yung robe na nasa cr at binuksan ang pinto.
"Ano po 'yon?" tanong kong nagtataka. May dala kasi siyang madaming damit na pambabae. Hindi lang 'yon, mayroon din sandals at mga undies.
"Pinabibigay po ni Sir Anton." nakangiting sabi nung babae.
"Anton Dela Cruz?" tanong ko. Kasi.. Hindi naman sa minamaliit ko si kuya pero saan siya kukuha ng pambili ng ganyang mga gamit? Ang dami dami at mukhang mamahalin.
Kumumot ang noo ng babae, " Opo ma'am. Anton Isaac Dela Cruz po." ngumiti siya pagkatapusin sabihin ang buong pangalan ni kuya.
Kahit nagtataka ako ay tinanggap ko nalang. Aarte paba ako? Kailangan ko ng maisusuot. Pero, saan naman kumuha ng pera si kuya? Tapos nasa hotel pa kami na mukhang mamahalin.
Pinilig ko ang ulo ko sa dami ng tanong na pumapasok. Sumasakit na naman kasi ito. Siguro, pagnagkaroon ako ng pagkakataon ay tatanungin ko siya.
Isang floral dress ang napili kong isuot. Natutuwa pa nga ako dahil sukat na sukat ito sa akin. Pinusod ko ang mahaba kong buhok at nagsuot ng sandals na may strap na hanggang tuhod.
Lumabas ako sa kwarto. Saan ako ngaun pupunta? Saan ba si kuya?
Humakbang ako sa kabilang kwarto na medyo nakauwang ang pinto.
"Make sure na wala nang video about that fucking night, Brent. And set a meeting with the university board." boses ni kuya ang narinig ko. Wala manlang bakas ng biro ang salita niya. His voice will make you obey whatever he wants.
Pinanuod ko ng tikas niya habang nakatayo at may kausp sa cellphone. Humangin ng bahgya kaya nagulo ang buhok niya. I can't help not to stare. Humalimuyak pa yung amo'y niya na nagpatindig ng balahibo ko.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing pito
Magsimula sa umpisa
