" Hindi mo ba ako ihahatid?" ani ng anak ni Zuma kay Rafael.

Kitang kita kung pano nag-iigting ang panga niya at nagpeflix ang muscle nito. hindi bumibitiw sa kanyang braso si Zyra pero ang mata niya ay hindi rin bumibitiw sakin.

Pero para akong kinalabit ng kung ano ng hawiin nito ang kamay ni Zyra at lumapit sakin. 

Walang tanong tanong at wala siyang sinisino sino. 

kinuha niya ang isa kung kamay na malaya niyang inabot at hinila ako.

Pero natigil kami ng may humigit din sa isa kong kamay at matalim nitong tinitigan si Rafael.

Swear, gusto ko nalang hiwain ang aking katawan para madala ako nila pareho.

" What are you doing Rafael?" 

"Lake si rafael kasi siya yung.." 

" I'm taking my Girlfriend with you." at hinila ako nito papunta sa kanya. naramdaman ko ang panlalambot ng palad ni lake dahilan para mapabitaw siya sakin.

Nanlalaki ang mga mata ng mga taong nandun.

Ang anak ni Zuma na daig pa ang beauty queen makaemote dahil nakahawak ang mga kamay sa bibig. Ang babaeng umaalon ang bilbil na alam ko ay boss ng boyfriend ko, at si lake na tila binuhusan ng malamig na tubig at pinanlalakihan ng mga mata.

" Rafael please." hinawakan ko ang kanyang braso, sunod sunod ang paghingang ginagawa nito. Nagbabakasakali ako na mapakalma ito sa kabila ng kumusyon nangyayari.

"Huh, what the fuck." malutong ang mura ni lake. nakangisi ito pero hindi matatago ang pagtitimpi nito sa sarling nararamdaman.

Nang magtatangka itong lumapit muli sakin ay tinago ako sa likod ni Rafael.

Tinapik nito ang kamay ni lake . " Stop touching my woman, or I will throw you outside and kick your ass off our sight." matigas nitong sabi.

"Rafael what are you doing?" umeksena na ang babaeng boss nito. hindi ito makapaniwala sa inakto ng empleyado nito sa harap mismo ng kliyente nila.

Nang haharapin nito ang boss ay hinawakan ko siya sa braso muli. pinilit kong humarap sakin at iniangat ko ang kanyang pisngi.

" Please Raffy." hinahaplos ko ang kanyang leeg para bigyan ito ng init. Sandali lang ay unti unting kumalma at nag-iwas ng mga mata. muli itong tumingin kala lake.

" I'm sorry, kinukuha ko lang ang tunay na AKIN." hindi ito bumibitaw nang tingin sa lalaking karibal niya sakin.

"Walang sayo, dahil ang babaeng inaangkin mo ay una nang naging akin."

" Really? since when?" sarkastiko nitong sagot. sinubukan kong pumagitna sa kanila pero hinila niya ako pabalik sa kanyang likod.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni lake at alam ko ay unti nalang ay puputok na rin ito sa galit.

" Wala ka pa sa buhay niya ay nangako na siyang maging akin. Kaya wala kang karapatan kay Jocel."

Hindi na napigilan ni rafael ang sarili at tumilapon ang kamao nito sa mukha ni lake.

"Raffy!!" napasigaw ako at naagaw na ang atensyon ng lahat ng tao sa showroom.

Napadapa si lake sa sahig at tila hirap ang katawan nito na maitayo dahil sa pagsuntok ni rafael sa kanya.

Nang magtatangka pa itong lumapit ay agad na akong kumilos. pumagitna ako at pinigilan ko siya gamit ng pagkayap rito.

"Raffy please stop it. please." hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa kanya.

The One that got away.....Where stories live. Discover now