He's making me as his escape. Paano naman ako kapag nalaman ni Bree na ako yung trip na trip ni Rajan? Ano ba itong napasok ko!
Pupunta daw si Bree sa birthday ni Betina kaya nakumbinsi niya ako na pumunta. Bukod kasi na pakiramdam ko ay kailangan niya ng kaibigan, alam ko naman na guguluhin lang siya nila Betina.
"Ma'am kayo po si Astrid diba?" kumunot ang noo ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Namumukhaan ko pa siya, siya yung bodyguard ni tita Sasha.
"Opo, bakit po?"
"Pinapabigay po ni ma'am." iniabot sa akin nung lalaki ang isang velvet box na hugis square. Ano naman ito?
Maaga akong umuwi para makapag ayos. Wala naman akong problema sa damit at sapatos kasi provided na nang nababaliw na Rajan.
Napabuntong hininga ako. Akala ko kapag may damit at sapatos na ako ay pwede na akong pumunta. Ang kaso, wala akong regalo. Tska, sino ang mag- aayos sa akin?
Hindi naman sa nagmamaganda ako. Syempre gusto ko din naman mag blend in sa mayayaman. I mean, mahirap na nga ako tapos mukhang mahirap pa akong haharap sa kanila? Gusto ko naman maging presentable at maayos.
"Rosie at your service!" napatingin ako kay Rosie na malaki ang ngiti na pumasok sa loob ng kwarto. Wala kasing katao tao sa bahay ngaun. Hindi ko din alam kung nasaan si nanay. Si kuya Anton? Tinatanong paba yan? Syempre hindi ko din alam.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sabay yakap ng mga tuhod ko. Ilang oras nalang ay susunduin na ako ni Raj pero mukha pa din akong basahan.
"Uh," nagkamot siya ng ulo. Medyo inayos niya pa nga yung laso sa buhok niya na nagulo. "Hindi ko din alam, e. Nakita ko kasi kanina yung gown dyan sa gilid. Naisip ko may pupuntahan kang special." sagot niya.
"Ginalaw mo?" napatayo ako para lapitan yung gown. Nakahinga ako ng maluwag ng maayos pa naman ito
"Grabe siya! Hindi noh, pero infairness ang ganda at mukhang mamahalin. Sino ang na dengoy mong D.O.M.?"
"D.O.M.?" takang tanong ko.
Umirap si Rosie at binaba yung bag na dala niya. Kung may bangs lang si Rosie mapapagkamalan itong si Dora! Laging may bag na dala.
"Huwag mo na ngang intindihin yun. May lakad ka diba?"
"Paano mo nalaman?"takang takang tanong ko.
"Eh syempre may gown.. Edi tinignan ko na din yung invitation.." humagikgik siya kaya napailing ako.
So kahit may pag kagalawgaw si Rosie ay malaki ang naitulong niya sa akin. Inayusan niya ako. Make-up at buhok. Nang matapos ang huling ikot niya sa pangkulot sa buhok ko ay pumalakpak siya.
"Ang galing ko!" puri niya sa sarili niya. "Ngaun ko lang naisip na pwede na akong magpalit ng career." tumawa siya kaya nailing ako.
"Eto, isuot mona ang gown, dali!" she giggled.
Kanina naman ay ayos ang pakiramdam ko. Pero bakit parang kinabahan ako? I mean.. Masyado kasing bongga ang damit na binigay ni Raj. Ano ba akala niya? Ako yung magdedebut?
"Ang ganda! Masyadong sukat yung damit seyo, Astrid.." manghang mangha si Rosie ng maisuot ko yung damit. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Isang old rose haltered top gown na baloon style sa baba. Ang ganda talaga! Tapos sa lining ng haltered sa top may mga crystal na nakadikit.
Ang galing ni Rajan pumili ng damit. At nakakatuwa kasi sukat na sukat sa akin.
"Grabe, pati heels mo bigtime. Valentino girl? May D.O.M. ka nga!" pag aakusa niya sa akin.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing anim
Start from the beginning
