"Wear that tomorrow."

"Tomorrow?" nagtatakang tanong ko.

Tumango siya at ngumiti. "Yes baby, Betina invited you to her 18th birthday right?"

Yun ba yung invitation ni Betina? Kaya pala hindi ko alam kasi wala naman akong planong pumunta!

"We'll go together. Ingat ka. Uwi agad ha!" tinap niya ulit ang ulo ko na parang bata. Hindi na nga ako nakasagot kasi nakakainis kapag tinatap yung ulo ko! Tapos ang bossy pa!

Paano ko naman dadalhin ito? Haler! Nakajeep lang ako tas ang laki laki nitong box. Nakalimutan ko pa hingin kay Raj yung paper or dapat hindi ko nalang tinanggap! Wala naman kasi talaga akong plano pumunta. Ni hindi ko nga binasa yung invitation niya. 

Binuhat ko yung box at tuluyan nang naglakad palabas ng university. Yung iba nga abo't abo't ang tingin sa akin. Mga walanghiya!

"Ano naman pambibili n'yan? Baka ninakaw or something?" dinig na dinig kong bulungan ng ilang kababaihan. Bakit pa nila binulong diba?

I want to confront them but I don't have the strenght to do so. Wala naman din kasi akong mapapala kapag pinatulan ko sila.

"Astrid," natigil ako sa paglalakad ng makita ko si tita Sasha na lumabas sa isang magarang sasakyan.

Grabe! Ang ganda talaga ni tita Sasha, mukhang di siya nagkasakit. Mukhang mas na dengue pa ako kaysa sa kanya.

"Kamusta po kayo? Bakit po kayo nasa school?" nakangiting bati ko. Hindi ko na siya tinanong kung okay siya kasi mukhang okay naman siya.

Lumaki ang ngiti niya, " I was waiting for you," sagot niya. Napatingin pa nga siya sa dala kong box tapos tumingin sa kasama niyang body guard.

Lumapit agad sa akin yung body guard ni tita Sasha at saka kinuha yung box. Kahit ayokong ibigay hinayaan ko nalang.. Nangangawit na din kasi yung braso ko.

"Bakit niyo po ako hinihintay? May problema po ba? Si Bree po ba?" sagot ko.

"No, I want to thank you personally for saving my life."

"Wala po iyon," sagot ko.

Umiling siya at ngumiti ulit. "Tama nga si Luther, iba ka. You wholeheartedly gave me your blood without hesitation and wanting something in return."

Huminga ng malalim si tita Sasha at tumitig sa akin. Bahagya pa ngang kumunot ang noo niya pero nawala din."I like you as my daughter's best friend. Mabait, matalino at marunong makipagkapwa tao. Bree will learn something from you.. Minsan kasi medyo brat ang bata na iyon. " malungkot siyang ngumiti at hinawakan ako sa siko para maglakad kasabay niya.

Nagulat pa ako kasi sa street food sa labas ng university niya ako dinala. Kumakain ba siya ng mga ganito?

"What do you want?" tanong niya. Bahagya akong nagulat kaya di ako nakasagot agad.

"Kumakain po kayo niyan?" mangha mangha ako. Kung titignan mo kasi si tita Sasha parang di manlang siya tumutuntong sa ganitong kainan.

"Oo naman," natawa pa siya ng bahagya.

"Favorite ko yan kwek kwek." lalo akong nagulat kasi alam niya yung name nung kwek kwek. "Manong paluto kami.." ngumiti siya kay manong.

"Sorry ha, I want to go to mall with you pero late na din kasi, babawi ako seyo kapag may time na tayo pareho."

"Wag na po," nahihiya talaga ako. Wala naman kasi talaga sa akin iyon pagtulong ko sa kanya.

"I insist. Huwag kang tumanggi.. I want to know you more.. Nararamdaman ko lang kasi na magkakasama tayo ng matagal."

May kung ano akong naramdaman habang nagsasalita si tita Sasha. Tapos yung ngiti niya napaka genuine. Yung walang kaplastikan at kaartihan. 

So ayun sabay kaming kumain ng kwek kwek ni tita Sasha. Panay nga ang tawa namin ng nagkwento siya about sa youth nila ni tito Luther. Nakakalungkot pero nakatuwa. They were once siblings pala. Akala nila magkapatid sila tapos malalaman niya na iba pala ang daddy niya.

Ang galing! Parang pang fiction lang yung kwento ng lovelife nila pero sa huli sila pa din talaga.

"May manliligaw kaba?" biglang tanong niya kaya literal na nasamid ako. Tapos si Rajan agad pumasok sa isip ko. Eto na naman ang kunsensya ko.

Umiwas ako ng tingin at umiling.

"You know what? I kinda see my self in you nung kasing edad mo ako. Mas magandang version ka nga lang." ngumiti siya. "Mataba kasi ako nung kasing age mo ako. Nerd and losyang!" humalakhak siya. "ako kasi ang nag alaga kay mommy noong medyo baliw siya.." natawa ulit siya.

Parang ang daming pinagdaanan ni tita Sasha nung kabataan niya. Mabuti naman at masaya na siya ngaun. She deserve to be this happy. Napakabait kaya niyang tao, asawa at ina sa mga anak niya. Hindi ko man siya ganoon kakilala.. I know and I feel that she's a nice person.

Ewan ko ba.. Sa sandaling nagbond kami ni tita Sasha sobrang saya ko na hindi ko mapaliwanang.

Hinatid na din nila ako kaya at hindi na din ako tumanggi aarte paba ako? Habang nasa byahe nga panay pa din ang kwento ni tita Sasha kaya panay lang din ang ngiti ko. Para kasing ang saya saya niya.

Pinark nung driver niya yung sasakyan kung saan ako hinatid ni Raj noon.

"Salamat  po ng madami." sagot ko ng makababa ako sa sasakyan. Bumaba nga din si tita Sasha.

"Hindi ko na po kayo mainvite kasi gabi na din po.."

Tumango si tita Sasha at tumingin sa paligid. "Are you sure? Safe ka makakauwi ha?" kita ko na nag aalala siya kaya ngumiti ako to assure her.

"Dito na po ako lumaki."

Tumango siya pero parang hindi siya convince. Hindi ko naman siya masisi kasi ang daming tambay sa daan.

Bumuntong hininga siya. "Thank you, Astrid. Sobrang nag enjoy ako.. Hindi kasi namin nagagawa ni Bree yung ganito. Yung simple lang.. Nakakasawa din kasi yung buhay na marangya.. Minsan masarap subukan yung simple lang, mas nakakarelax."

Hindi na ako nagsalita. Mahirap din pala yung lahat naseyo na lahat at isusubo mo nalang. Hindi ko naman kasi iyon nasubukan kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Nagulat ako ng yakapin ako ni tita Sasha.. Literal. Yung tibok ng puso ko ang bilis. Pumikit pa nga ako kasi parang iba一 I felt that tita Sasha is my home. Weird.

Niyakap ko din siya. Naramdaman ko pa nga na nanigas ng bahagya si tita Sasha. Nang maghiwalay kami ay tulala siya. "You felt that?"

Kumunot ang noo ko. Pati siya ay parang takang taka. "It's weird. Ganyan kasi ang nararamdaman ko nung niyayakap ko si Bree noong baby pa siya. Ngaun ko lang ulit naramdaman."

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now