Gusto kong lumabas at magpakita sa kanila pero natatakot ako. Natatakot ako na malaman ang totoo. Kung ampon si kuya? Parang hindi ko din naman kaya. Paano kung ako ang ampon? Ang gulo!
Napaatras ako ng tumayo si kuya. "Ibalik mo yung ikaw sa kanya Anton." pakiusap ni nanay. Nag igting ang panga ni kuya at umiling.
"This is utterly ridiculous, nay Ester. I'm sorry but I can't. Gusto mong mapalapit ako sa kanya pero hindi pwede na maging akin siya?" umiling si kuya at saka tinalikuran si nanay kaya halos madapa ako sa pagmamadali na pumasok sa kwarto. Napahawak pa ako sa dibdib ko kasi ang bilis ng tibok.
Lunes ng umaga ay tulala pa din ako. Medyo kinain kasi ng sistema ko yung narinig kong usapan ni nanay at kuya. Feeling ko kasi may mali sa pinag uusapan nila at kasali ako.
"Okay ka lang?" halos mapatalon ako ng biglang tumabi si Rajan sa akin.
"Bakit kaba nangugulat?" tinignan ko siya ng masama.
Tumawa siya at isinandal ang likod sa bench na inuupuan namin. "I would like to give you heart attack. Yung bibilis ang tibok ng puso mo sa presence ko. Yung tipong pangalan ko palang ang nadidinig mo para kang aatakihin sa puso. " he winked. Nalaglag ang panga ko at hindi agad nakapagsalita. Saan ba napupulot ni Rajan yang pinagsasabi niya? Kaloka!
"Ang korni mo!" sagot ko ng makabawi ako. Hindi ko nga alam kung matatawa ako or maiiyak sa mga pinagsasabi niya.
Mahinang nagmura si Raj at bahagyang namula ang mukha. "Fucking, Kaio.." bulong niya. Umiling ako at tinanaw ang field kung saan may mga cheerleader na nagpapraktis.
"Kamusta si tita Sasha? How's Bree?" bigla siyang sumeryoso kaya napatingin ako sa kanya. Kunwari pa 'tong umiiwas kay Bree hindi naman kaya. Minsan nga naiisip ko ginagawa lang akong breather ni Rajan kasi nasosoffucate siya sa pag match nila sa kanila.
But deep inside.. Mayroon siyang feelings kay Bree na ayaw niya lang tanggapin! Men and their ego sucks!
"What do want me to answer first?" nakangiting sagot ko kaya kumunot ang noo niya.
"I know what's in your head, baby.." umirap siya. Natigilan ako saglit kasi nakita ko yung mga mata ni kuya nung kausap niya si nanay kahapon sa kusina. I miss the way he calls me baby.. I miss kuya Anton actually.
"Bree's still sick?" hindi kasi ako sigurado kasi naman tinext lang ni Bree na masama ang pakiramdam niya kaya di siya papasok ulit. "Tita Sasha is fine." sagot ko.
"Yeah.. I heard you donated your blood? Ang galing noh? Wala sa dalawang anak niya ang nag match. Don't tell me anak ka ni tita Sasha or something? Medyo may hawig ka nga kay tito Luther eh." he said.
Tumitig ako sa kanya. Seryoso ba siya? Pang ilan na siyang nagsabi na hawig ko si tito Luther? My Goodness!kung noon ay balewala sa akin iyon.. Ngaun.. Parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
"Huy! Joke lang yun! My mom knows tita since college.. So.." nakangiti siya. Tumango nalang ako at hindi na sumagot. Alam ko naman.. Pero lately.. Sa mga weird na nangyayari sa akin at sa mga tao sa paligid ko. Parang may iba akong feeling na hirap pangalanan.
"Anyway, I'm going to my class.. Here.." may inabot si Raj na box sa akin kaya napatingin ako doon. Tapos medyo malaki pa yung box kaya nahihiya ako.
"Ano 'to?" tanong ko. Tsaka bakit niya ako bibigyan ng regalo? Hindi ko naman birthday. Yung bear nga at chocolates di ko tinanggap. Kaya pala may paper bag siya na dala ng isang kilalang designer.
"I told you, we don't need occasion to show importance to someone who's special to you.. Ayaw mo nga tanggapin yung feelings ko, pati ba naman regalo ko?" ngumuso siya. Gusto kong matawa kasi everyday, may mga ugali si Raj na talagang magugulat ka. Tapos yung mga sinasabi niya? It will melt your heart instantly.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing lima
Start from the beginning
