Humalakhak yung babae na kasama ni kuya bigla. She even patted my head kaya bigla talaga akong nairita! Ano akala niya sa akin? Aso?
"Wag nga yung little sister ni Anton ang pagtripan mo, Brent!" salita nung babae kaya kumuyom ang kamao ko. Hindi na ako bata ano! At bakit ba nangengealam siya ng usapan ng may usapan?
Humagalpak ng tawa si Brent kasabay ng pagmumura ni kuya. "Yeah, Britt. Little sister.." tawa siya ng tawa kaya napakunot ang noo ko. Tapos si Britt umirap sa kanya. Si kuya naman paulit ulit nag igting ang panga habang seryoso at masama na ang tingin kay Brent.
"I'm not in the mood for fucking reality check, Brent! Ayusin mo buhay mo." tumalikod si kuya at dumiretso sa kusina kung nasaan si nanay. Ang sungit talaga niya ngaun!
Si Britt naman mukhang takang taka na nakatingin kay Brent na hindi matigil kakatawa.
"You made him pissed." salita ni Britt na medyo nawiwirduhan pa din yata.
Nagkibit balikat si Brent. "he's always pissed anyway."
So ayun hindi ko talaga sila maintindihan. Si Brent at Britt nagkukwentuhan sa kung ano. Hindi lalo matuloy itong defense na ginagawa ko kasi ang ingay ingay nila.
"Did you know that Jarret won the MVP? That should be you.." salita ni Britt kay Brent. Kung kanina ay cool tignan si Brent ay nawala lahat ng ngisi niya. Mukhang siya naman ang nairita.
"Bakit kasi hindi ka naglaro? Galing ni Jarret noh? Bestfriend ba talaga kayo?" natawa ulit si Britt. "He has Lakan.. He's running for Magna and he got everything you don't have.."
Seryoso?
"Shut up! Get a life Britt. Stop intruding in someone's life!" napanganga ako sa burst out ni Brent. Pati nga si Britt ay napanganga sa gulat. Tapos napatingin siya sa akin habang nag-iigting ang panga sabay balik kay Britt. "Kung magsalita ka parang ang galing mo, e. Reality check lang seyo.. Anton will never be yours.. Mark my word." tsaka siya tumalikod at lumabas ng bahay.
Hala! Bakit nag away sila? Bakit galit na galit si Brent? Tapos si Britt nakanganga pa din na parang hindi makapaniwala.
"What did he say?" tanong sa akin ni Britt. Nakaktuwa kasi maluha luha pa siya. Eh siya naman talaga ang nagsimula. Nanahimik si Brent dito eh. Buti nga sa kanya! Nagkibit balikat nalang ako at inayos ang gamit ko. Papasok nalang ako sa kwarto kaysa makasama ko yang Barney na yan sa labas!
Natigil ako sa pagpasok sa kwarto ng marinig kong nag uusap si nanay at si kuya. Sa hindi ko alam na dahilan ay nagtago ako at nakinig sa kanila.
"Sabi ko naman seyo Anton, ihinto mo iyan kahibangan mo. Hindi ko naman sinabi seyo na iwasan mo." salita ni nanay. Nakakagulat nga kasi ang hina ng boses niya. Eh pag kami ang magkausap para siyang bulkan na buga ng buga ng lava.
Tahimik lang si kuya at seryosong nakatingin sa kawalan. Pumikit pa nga siya at bumuntong hininga. "Bakit kasi hindi pwede?" sagot niya kay nanay.
"Magkapatid kayo." sagot ulit ni nanay kay kuya. Kuya looked at nanay like she said the most ridiculous thing.
"Alam mong hindi.." matigas na sagot ni kuya. Nanlaki ang mga mata ni nanay at umikot ang mata sa paligid.
"Hinaan mo ang boses mo. Alam ko naman.. Pero lumaki kayong magkapatid.. At alam mo naman kung bakit hindi ba?"
"Is that so? Ang unfair ninyong lahat!"
Kumunot ang noo ko sa pinag uusapan nila. Sino ba pinag uusapan nila? Magkapatid eh. Ako ba o si kuya Jigs? OMG! Ako nga? Hindi ko maintindihan talaga kung ano ang pinag uusapan nila. Ampon ba si kuya? Ampon ba ako?
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing lima
Start from the beginning
