"Aga aga mo yata?" tanong agad ni nanay ng lumabas ako sa kusina. Magpapaalam lang kasi ako na maaga ako aalis.

"Uh, maaga po kasi ako pinapupunta kila Bree." kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi na yata tama na nagsisinungaling ako kay nanay. Pero bakit nga ba ako nagsisinungaling? Kahit ako ay hindi ko alam.

Nanliit ang mga mata ni nanay kaya napaiwas ako ng tingin. "Siya ba ang kausap mo sa cellphone mo?" tanong niya.

"Po?" nagtatakag tanong ko.

"Diba may kausap ka sa cellphone mo?"

"Narinig mo, Nay?" kinakabahan tanong ko. Pakiramdam ko alam ni nanay na nagsisinungaling ako.

Umirap si nanay kaya gusto kong matawa. Miss na miss ko na ang pagsusungit niya.

"Malamang, eh ang lakas kaya ng bunganga mo. Pati nga si Anton ay nagising sa boses mo." sagot ni nanay habang nakatingin sa akin. Nagtataka pa ako kasi nakatitig siya na para bang binabasa ang reaksyon ko. I smiled awkwardly to lessen the intense feeling. Ang weirdo. Pangalan palang ni kuya Anton ang naririnig ko, humahataw na sa kaba ang dibdib ko.

"E-eh.. Nasaan siya?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni nanay. "Eh? Bakit parang ninenerbyos ka?"

"Hindi ah!" depensa ko. Tumalikod nalang ako at mabilis na pumasok sa kwarto namin. Narinig ko ang agos ng tubig sa banyo marahil ay si kuya Anton.

Nagtext si Rajan na naghihintay pa din siya. Grabe lang! Hindi ba niya alam na nakakapressure siya?

Nang tahimik na ay lamabas na ako para maligo. Nagtindigan agad ang balahibo ko ng maamo'y ko ang shower gel ni kuya. Maarte kasi yun sa mga gamit. Halos lahat ng gamit niya ay mamahalin. Minsan nga magtataka ako kung saan siya kumukuha ng pambili.

Mabilis na mabilis ang pagligo na ginawa ko. Feeling ko nga hindi ko nagawa ang mga ritual ko sa cr dahil sa taranta.

Paglabas ko sa banyo ay saktong paglabas ni kuya Anton sa kwarto niya. Napayakap na naman ako sa twalya sa katawan ko sa gulat. Bahagyang napauwang ang labi ni kuya ng magkatinginan kami. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin at mabilis naglakad papasok ng kusina.

I sighed. Bakit ba palagi kaming nagtatagpo kapag nakatapis lang ako ng twalya? Tapos bumigat ng bahagya ang pakiramdam ko dahil hindi niya ako binati.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay mabilis akong umalis. Tawag na kasi ng tawag si Raj at umalis na din si nanay. Paglabas ko ng pinto ay nandun si kuya at ready na paalis.

Kakausapin ko nga sana siya pero tinalikuran niya lang ako at mabilis na naglakad. So一 nakasunod ako sa kanya habang palabas ng skenita. Nataranta nga lalo ako ng maalala kong nandoon si Raj sa labas. Tapos halos kasabay ko lang si kuya. Hindi ko nga alam pero nagpapanic ang buong pagkatao ko.

"What took you so long?" agad na bungad ni Raj. Ngiting ngiti siya pero hindi ko siya mangitian kasi halos katabi lang namin si kuya. Ni hindi ko nga siya matignan eh.

Sumimple akong tumingin kay kuya. May kung anong kumirot sa puso ko ng biglang may humintong sasakyan sa harap niya.

Bumaba ang bintana ng sasakyan at napanganga ako dahil isang babae ang sakay noon. "Kanina kapa?" tanong ng babae kay kuya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa hindi ko alam na dahilan. Parang may narinig akong nabasag. I don't know kung ano iyon.

Malamig ang mga mata ni kuya pero hindi niya talaga ako tinitignan. "Your just on time.." sagot niya tsaka sumakay sa sasakyan. Hindi niya talaga ako pinansin o tinignan. At hindi ko din alam kung bakit ang bigat bigat ng loob ko. Pakiramdam ko nga maiiyak ako na parang tanga.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now