"Wag kang sumunod.. Baka makita ka ni Bree." sabi kong naiilang. Kasi naman nung nasa hall na ako malapit sa room literal na pinagtitinginan na kami. As usual, the mean girls were talking to me na akala mo naman perpekto sila.
"She can't come to school.. May sakit siya." sagot ni Raj. Napahinto ako ng sinabi niya iyon. Nag-alala tuloy ako para kay Bree.
"Bakit di mo sinabi?"
He shrugged at mukha namang hindi siya affected. Ganoon ba niya ka-ayaw kay Bree? "Kung inaccept mo lang yung friend request ko sa fb edi sana.. Nasabi ko seyo.." ngumisi siya. Umiling ako . Ako pa talaga ang may kasalanan?
"We can visit her though, maybe later?"
Umiling ako. Siguro nga hindi ko pa siya kilala. I tought he's cold at hard to be with. I was wrong, he has life pala. Akala ko ang dark lang ng mundo niya. But seeing him now? He's very different.
"Style mo, e? Bigay mo nalang ang number niya sa akin."
He sighed. Ayoko talagang maging malapit kami. Ayokong ma-attach sa kanya coz' he's always been off limits to me.
"Here," inilagay niya sa phone ko ang number ni Bree at malungkot na tumalikod at nagsimulang maglakad. Nakakainis! Bakit naguguilty naman ako ngaun? Gusto ko siyang lapitan to say sorry pero nakakatakot kasi eh.
Pumasok ako sa room. Ka-onti palang naman ang studyante kaya tatawagan ko muna si Bree. I want to ask her if she's okay. Tsaka sasabihin ko sa kanya na dadalin ko nalang sa kanila yung mga notes para di siya mapag-iwanan.
Dalawang ring lang at singot agad ni Bree yung tawag. Kumunot pa ang noo ko kasi ang ingay ingay sa kabilang line.
"Bree?" tanong kong nagtataka. Someone chuckled at the other line kaya nanlaki ang mga mata.
"Got the wrong number baby.. Got you!" natatawang salita ni Rajan kaya napatapik ako sa noo ko.
Binaba ko ang tawag kasi imbes na matuwa ako ay nainis ako. Naisahan niya ako! Bakit hindi ko naisip yun kanina?
Smooth naman ang klase maghapon. Ang toxic nga lang ni Betina at Claire na classmate pero nasasanay na ako sa kaartihan ng dalawa. Mayroon din naman na kumakausap sa akin na iba simula nung debate namin.
Hindi nga ako sigurado kung friends ba sila kasi napapansin ko kapag kakausapin nila ako, it's either may itatanong or magpapaturo lang. Okay na din iyon kesa naman wala diba?
"May party ako!" sigaw ni Betina. Hindi na ako nag abala pang tignan siya kasi wala din naman ako mapapala.
Nagpatuloy ako sa pag gawa ng notes para maibigay ko pag bumalik na si Bree or pagpunta ko bukas dahil sabado. Naglabas ng invitation si Betina at binigay sa mga classmate namin.
"Ugh. Here."inilapag niya ang invitation sa harap ko kaya napkurap kurap ako. Ano naman ang nakain nitong babae na para iinvite ako?
"Ako?" tanong ko.
Umirap siya at nag yuck face sa akin. Kinalabit lang siya ni Claire kaya umayos siya ng tingin. "Fine, obviously ikaw! Ano ba naman Astrid? Ano feeling mo? Iinvite ko yan chair na inuupuan mo?" natawa ang buong klase sa kanya.
"My God, be thankful nalang ininvite kita.. And please take care of that," turo niya sa invitation. "Baka mas mahal pa yan seyo," tumawa sila ni Claire sabay naglakad paalis.
Huh? Tinignan ko yung invitation, grabe naman si Betina na maka-mahal pa sa akin. Haler! Wala naman puso at laman loob itong papel na 'to.
Bully! Nako nako! Kung mayaman lang ako isasalaksak ko sa ngala ngala niya to'ng invitation na 'to.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Strings (Strings Series 2)
Literatura FemininaMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing tatlo
Começar do início
