ika- labing tatlo

Start from the beginning
                                        

Lumakad ako ng medyo mabilis ng hindi pinapahalata sa kanya. Naiilang kasi akong kasabay siya. Bukod sa alam ng school na boyfriend siya ni Bree ay madami pa din ang mga babaeng humahanga sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Ako nga crush ko siya.. But I know where to place my self. And that is not beside him.. I know that he's off limits from the very beggining. Kaya nga siguro hindi lumago yung feelings ko sa kanya.

"Malapit na talaga akong maniwala na iniiwasan mo ako," he continued to talk and follow me. Hindi ko naman siya gustong iwasan.. Hindi lang din kasi ako pwedeng mapalapit sa kanya kahit gustuhin ko.

Huminto ako ng nagbell para sa morning prayer ng school. Ganoon din si Raj, huminto siya sa gilid ko. Tahimik akong sumasabay sa dasal.

"Wag mo nga akong tignan," salita ko. Nawawala kasi ako sa dasal kasi titig na titig siya sa akin.

He clenched his jaw and look forward and started to join the prayer. After that, lumakad ulit ako pero nakasunod pa din siya. Tigas ng ulo ah! Paano nalang kung nandoon na si Bree? Paano ko eexplain kung bakit kasabay ko si Raj na pumasok?

"Kung hindi mo ako iniiwasan ano ginagawa mo?" humarang siya sa dadaanan ko kaya natigil ako sa paglalakad. I never thought Rajan has this side of him. Ang kulit!

Pinagtitinginan pa kami ng mga studyante kaya lalo akong naiilang.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. "Hindi naman kita iniiwasan.. I'm just putting my self into line."

"And that line didn't cross my line?"

Umirap ako at nangigniting umiling. Sobrang frustrated kasi ng mukha niya na hindi ko ma-explain. Ang gwapo gwapo niya tas nagkakagayan siya sa isang katulad ko? Ganda ko naman yata!

"Seryoso kaba?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya at saka tinagilid ang ulo. "You think I'll be this annoying if I'm not? Nireject mo na nga ako, friendzone na nga lang ang hinihingi ko rejected pa din? How cruel baby.." tinitigan ko siya. Sobrang seryoso niya. Tapos yung puso ko nagwawala na naman kasi sa baby na yan! Ano ba meron sakin at lahat sila baby tawag sakin? Mukha ba akong sanggol?

"Grabe ka naman maka-cruel.." sagot ko ng makabawi ako. Bahagyang ngumiti si Rajan kaya napangiti ako. I guess I have no escape from him. Hindi ko din siya totally maiiwasan dahil lagi kaming magkikita at magkikita. Besides, he had done nothing wrong.

Alam ko naman ang kwento nila ni Bree. Ayoko lang mawasak si Bree.. Siya yung unang naging kaibigan ko dito.. At siya lang din ang taong tumulong sa akin nung pabagsak na ako. So to be equal.. This is the only thing I could repay her..

"Yeah, I know nabigla kita for telling you what I really feel. Is just that--- I don't really know.. I really like you.." salita niya.

"Isang salita mo pa na like mo ako, iiwasan na talaga kita!" sagot ko. Sumeryoso si Rajan at nag igting ulit ang panga. Para bang naiinis siya sa sinabi ko pero ayaw niya lang sabihin.

"Damn. Alam mo bang first time kong magkagusto? Nabasted pa agad ako?" ngumiti siya pero ang lungkot ng mukha niya kaya naman naguguilty ako.

"Hindi naman kita binasted?" sagot ko. Nakakguilty naman kasi yung itsura niya. Tapos naninibago pa ako kasi ngumingiti siya. Pagkasi magkasama sila ni Bree ang cold at stoic lang niya.

"Yeah right. Same thing baby.." malumay na salita niya kaya napapikit ako. Tatanggalin ko na sa dictionary yang baby na word!

"Bahala ka nga Raj!" frustrated na din akong tumalikod kasi nabablangko ako sa baby thing. Ano ba yan! Gusto kong i-explain yung side ko kaso hindi kami magkakaintindihan kasi binabara niya ako.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now