ika- labing dalawa

Começar do início
                                        

"Nagpapakadisente lang ako para hindi naman mapahiya ang future asawa ko sa friends niya," nangangarap na salita niya kaya napailing ako.

Kumuha ako ng isang short at tshirt ng biglang maghurumentado si Rosie.

"Ano ba yan, Astrid! Wala kabang ibang damit? Para kang maglalako ng bibingka sa kanto," Tinignan ako ni Rosie mula ulo hanggang paa tsaka siya ngumisi.

Ano naman mali sa suot ko? Hinalughog ni Rosie ang paper bag niya. Naglabas siya ng isang kulay old rose na bestida tsaka itinapat sa akin.

"Oh, magpalit ka nga. Baka mapagkamalan kang tsimay." natatawang sabi niya. Umirap ako kaya lalo siyang natawa.

Ang totoo. Ang ganda ng bestida na inabot sakin ni Rosie. Sleeveless siya na may onting butas ang likod. Ang problema ko lang ay hahapit ito sa katawan ko. Hindi ako sanay.

"Grabe.. Hubarin mo nga yan! Wala ka pang make up mas maganda ka na sakin." ngumuso si Rosie pagkapalit ko ng damit. Natatawa ako sa kagagahan niya pero sinusunod ko naman.

Kagaya niya.. Nilagyan niya lang ako ng liptint at onting blush on. Ayoko kasi mag make up kasi gusto ko natural lang.

"Edi kaw na maganda.." hindi ko alam kung naiinis si Rosie o natutuwa pag katapos niya akong ayusan. Napatitig pa nga ako sa salamin kasi plinantsa niya din yung buhok ko. Ang ganda ko pala kapag naayusan.

"Parang galit ka?" sagot kong natatawa. Ginusto mo yan eh. Siya kaya pumilit na ayusan ako tas apura naman reklamo niya.

"Sinong hindi magagalit? Kanina ako lang maganda, tapos ngaun mas maganda kana.." ngumuso siya pero sa huli sabay kaming natawa.

Nakarinig kami ng ingay sa labas kaya nagkatinginan kami ni Rosie. Tapos di namin namalayan na alas singko na pala ng hapon.

"Astrid! Lumabas na kayo ni Rosie! Nandito na ang kuya Anton mo at kaibigan niya." sigaw ni nanay kaya natigilan ako. Si Rosie ay excited habang ako naman ay biglang kinabahan. Bigla ko tuloy gustong hubadin itong suot ko at make up.

"Tara na! Wag kang mahiya .. Ako nga hindi nahihiya kahit medyo maganda ka sakin ngaun.." humagikgik siya kaya napangiti ako ng bahagya. Bakit nga ba ako kakabahan? Bahay ko naman 'to! Si kuya lang yon.

Yun nga! Kinakabahan ako kay kuya Anton. Ugh!

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.." nagulat ako ng biglang kumanta si Rosie pagkalabas namin. Naglingunan tuloy ang kasama ni kuya sa amin. Huling lumingon si kuya na bahagyang pang napauwang ang bibig.

Yumuko ako dahil sa hiya. Pakiramdam ko pa namula ang pisngi ko.

"Grand entrance, Rosie?" singit ni kuya Jigs na medyo iritable.

"Ganda mo, Astrid ah." salita ni kuya Jigs habang kumakain ng pansit. Lalo tuloy ako nahiya.

"Si Astrid lang?" singit ni Rosie. Talagang ito ang pagaawayan naman nila? May bisita kaya si kuya.

"Malamang.. Astrid lang sabi ko diba?" umirap si kuya Jigs at tumayo.

Umirap si Rosie at bumaling ulit kay kuya Anton. Dalawang lalaki ang kasama niya. At tama ako dahil isa doon ay si Brent.

"Happy birthday, Anton!" masayang bati ni Rosie. Ang mga mata ni kuya at nakatingin pa din sa akin. Hindi ko mapaliwanag kung gulat ba siya o ano pero talagang literal na nakauwang ang bibig niya habang nakatingin sa akin.

Umakbay si Brent sa kanya tsaka bumulong. Natawa si Brent kaya sinapak siya ng mahina ni kuya Anton. "Thanks babe, you got him speechless. So ako na magpapasalamat in behalf of him." salita niya kay Rosie na bahagyang namula ang pisngi. Kumindat pa nga siya kay Rosie kaya si Rosie ay parang lumutang at napunta sa ibang planeta. Eh sa gwapo ba naman ni Brent talagang maliligaw siya ng landas. Knowing Rosie? Hay nako!

The Strings (Strings Series 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora