Ako nga nagtataka sa sarili ko kung bakit ngaun gusto ko malaman ang ginagawa nila kuya. Specifically ni一 kuya Anton. Si nanay pa kaya.
Ginawa ko nalang ang utos ni nanay. Kayang kaya na daw niyang magluto kaya ako na bahala mag ayos sa bahay. Pinusod ko ang buhok ko tsaka ako nagsimulang maglinis. Hindi naman kami makalat kaya hindi ako masyadong nahirapan. Halos lahat nga nang niligpit ko eh si kuya Jigs ang nagkalat.
Organize at masinop kasi sa gamit si kuya Anton. At ang isang fact about sa kanya ay maselan siya sa damit. Ayaw niya ng lukot kaya palaging madaming fabric conditioner ang nilalagay ni nanay sa damit niya.
Nalaala ko pa nga noong minsan ay sinuot ni kuya Jigs ang isang branded niyang pantalon. Halos magpatayan na silang dalawa dahil binutas ito ni kuya Jigs. Literal.
See? May bagay naman pala akong alam sa kanya.
"Mabuhay!" napatingin ako kay Rosie na may dalang dalawang lobo na kulay gold at hugis numbers. Mayroon din siyang dalang cake at kung ano-ano pa.
"Ano yan?" tanong ko. Umirap si Rosie at nilapag ang lobo na number two at one. Itinabi niya ang cake at nilapag sa isang gilid ang isang paper bag na may laman mga damit at make up.
"Hinahanda ko lang.. Baka ngaung gabi ay maging kami na ni Anton," humagikgik siya. Napauwang ang labi ko at napatingin ng masama sa kanya.
"Charot lang!" salita niya. "Eto naman.. Jokie, jokie lang syempre.. Di nga ako type nung adonis mong kuya." bumuntong hininga siya kaya napabuntong hininga nalang din ako. Bakit ba nairita ako sa kanya? Ganyan naman talaga si Rosie kay kuya noon pa.
"Eh bat dala mo bahay niyo dito?" tanong ko at nagpatuloy magwalis. Inayos na naman ni Rosie ang malaking laso niya sa buhok at nagpaputok ng bubblegum sa bibig.
"Eh tutulong ako! Sigurado na tatamadin na ako umuwi kaya makikiligo at makiki-ayos na din ako dito." humagikgik ulit siya kaya napailing ako.
Napatingin ako sa cake na dala niya. Talagang nag-effort siya para kay kuya. Ako naman wala manlang kahit anong maibigay sa kanya. Nakakahiya talaga!
"Umarkila din ako ng videoke," pahabol niya.
"Nag ubos ka ng pera para dito?"
Umirap si Rosie, "Worth it naman.. Si Anton yun, e." nagkibit balikat siya habang ako ay nakatunganga sa winawalis ko. Ganito talaga kagusto ni Rosie si kuya Anton?
Pagkatapos namin umarkila ng lamesa at upuan ay dumating ang videoke. Hindi na nga ako natulungan ni Rosie dahil nilamon na siya ng pagkanta. Dumating pa si kuya Jigs kaya nag aagawan sila sa mga kanta na pinili ni Rosie.
Bigla kong namiss si Nam. Bigla kasi iyon umalis ng nakapag-asawa ng amerikano ang nanay niya. Isali mo pa na nagtapat siya ng paghanga niya kay Rosie kaso itong gagang Rosie ay pinagtawanan lang siya. Ayaw niya daw kay Nam at ang taba taba niya.
Ngaun may cellphone na ako. Siguro naman makakausap ko na si Nam.
Pagkatapos maligo ni Rosie ay ako naman ang sumunod. Sabi kasi ni nanay ay dadating ni si kuya kasama ang dalawang kaibigan nito. Wala akong masyadong kilala sa friends niya maliban kay Brent.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Rosie na nakasuot ng puting blouse at skater skirt na kulay itim. Nakadoll shoe din siya at nakalugay ang buhok niyang mahaba na madalas ay may malaking laso.
Nagulat ako. Hindi dahil sa ano pero ngaun ko lang nakita na disente at maayos si Rosie. Kung sa ganda? Maganda naman si Rosie, maputi pa siya at makinis.
"Wag kang masyado magandahan sakin, Astrid," mahinhin siyang tumawa kaya lalo akong nagulat. Lumapit ako sa kanya at sinalat ang noo niya.
"Huy! Buang ka! Wala akong sakit." natatawang sabi niya. Nakakagulat lang kasi.. Ibang iba siya.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- labing dalawa
Start from the beginning
