Kahit hindi kami maglolo talaga.. Pakiramdam ko totoong lolo ko talaga siya.

Madilim na ng maihatid ako ni lolo sa amin. Medyo naglakad pa ako dahil hindi naman makakapasok ang sasakyan niya sa eskenita patungo sa amin. Tsaka, kahit naman makakapasok ito ay hindi ko hahayaan. Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila kapag nakita nila na bumaba ako sa isang magarang sasakyan?

Hindi pa ako makapagtext dahil nasira ang cellphone ko nung bago magpasukan. Hindi pa ako makabili kasi wala pa akong pambili at inuuna ko ang gastos sa school.

Kabang kaba nga ako kung paano ako magpapaliwanang kay nanay. Feeling ko kasi mag aalas nuebe na ng gabi. Eh hanggang alas kuatro lang naman talaga ang pasok ko. Tapos paano ko mag eexplain? Hindi ko naman kaya magsinungaling at never ako nagsinungaling kay nanay.

Pero sa punto na ito ng buhay ko. Alam na alam ko na kailangan ko magsinungaling dahil baka mapatay ako ni nanay. Literal.

Napakunot ang noo ko kahit malayo pa ako ng makita kong nagkakagulo sa tapat ng bahay. Nasa labas si nanay at kuya Jigs kasama si Rosie na tila natataranta.

Si kuya Anton naman nakaupo lang at tila malalim ang iniisip. 

"Nay!" sigaw ko agad. Lahat sila ay napatingin sa akin. Huminga ng malalim si nanay na tila ba nabunutan ng tinik ng makita ako. Si Rosie naman at kuya Jigs ay parang wala lang. Si kuya naman ay matalim akong tinignan kaya natameme ako bigla.

"Ano po nangyayari? Bakit kayo nandito lahat?" tanong ko na hindi makatingin kay kuya Anton. Para kasing galit siya. Mas kinabahan pa tuloy ako sa kanya kaysa kay nanay.

Magsasalita sana si nanay ng tumayo si kuya Anton na nag-igting ang panga. "Saan ka galing? Hindi mo ba alam kung anong oras na?!" pasigaw na salita ni kuya Anton. Parang kidlat na kumalat sa paligid ang boses niya kaya halos pati sila nanay ay mapalundag sa gulat. Natameme si Rosie at kunot noong nakatingin si kuya Jigs kay kuya Anton.

"A-ano.." hindi ako makasagot dahil sa kaba. Alam kong suplado at masungit si kuya pero hindi ko pa siya nakitaan na ganito kagalit.

"Anton tama na.. Baka may ginawa lang ang kapatid mo," singit ni nanay. Dama ko sa boses niya na kinakabahan siya. Kagaya ko. Ngaun lang din nakita ni nanay si kuya na ganito. Madalas kasi ay kalmado at tahimik lang siya. Isama muna na malamig talaga ang awra niya.

Pumikit ng mariin si kuya at nagpakawala ng mura. Galit talaga siya. Kita mo iyon sa pagkuyom ng kamao niya at paglabas ng kaonting ugat sa leeg niya.

"Hindi kaba marunong magsabi kung may gagawin ka? Hindi mo ba kaya magpaalam? Paano kung may masamang nangyari seyo? At bakit hindi mo masagot kung saan ka galing? Nakipagdate kaba dun sa rich boy na kaibigan mo? Ano?!" marahas na salita ni kuya kaya nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dahil nagugulat at natatakot ako sa kanya.

At date? Bakit naman niya naisip na nakipagdate ako?

"Anton tama na!" hindi na din napigilan ni nanay na mapasigaw. Tumulo na ang luha ko sa takot. Bakit ba nagagalit si kuya eh okay naman ako. Tapos alam kung hindi sila okay ni nanay magsisigawan pa sila ng ganito.

"Astrid.. Anak.. Wag kang umiiyak.." lumapit sa akin si nanay. Huminga ng malalim si kuya Anton at padabog na pumasok sa bahay.

"Anyare kay Anton?" singit ni Rosie. "Sabi na kasi seyo Jigs wag munang pakainin ng spicy noodles eh.. Ayan tuloy nagdiretso ang init at anghang sa ulo." lumapit si Rosie sa akin.

"Anong ako? Gaga ka pala! Nag dala ka ng noodles dito para videohan kita sa spicy noodles challenge mo.. Nakita mo lang si Anton ibinigay mo agad yung noodles."

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now