Sa usapan nila mukhang may alam si doc sa kung ano man ang problema ni lolo. Tingin ko kasi nagkakaintindihan sila.

"Alright. I hope she's the one." tumingin sa akin yung doctora at bumalik ang tingin kay lolo sabay ngumiti ng tipid. Yung way ng pagngiti nung doctora, parang alam na alam niya yung pain at paghihirap ni lolo.

Pumunta kami sa isang laboratory kung saan tatlo kami ang nandoon. I don't know pero feeling ko top secret ni Doc at ni lolo John itong ginagawa namin ngaun. Wala kasing ni isang nurse na pwedeng tumulong sa kanya. As in kami lang talagang tatlo ang nandito.

Kumuha si Doc ng isang malaking parang cotton buds. Medyo napangiwi pa nga ako kasi naiimagine ko para siyang cotton buds na pang lilinis ng tainga.

Binuksan ni lolo yung bibig niya na para bang sanay na sanay na siya sa ganito. After no'n kiniskis ni doc yung buds sa side ng bibig ni lolo. Tapos nilagay niya yung buds sa loob ng isang ziplock.

"Hi, what's your name?" tanong ni doctora na maganda sa akin nung turn ko na. Parang uminit sa lugar kahit ang lamig lamig ng aircon. Sobrang kinakabahan kasi ako kahit hindi naman dapat.

"Astrid po." sagot ko.

Ngumiti ulit si Doc at hinanda na yung buds na hawak niya. "This won't hurt you," nakangiti siya. "I hope you're the one, Astrid.." salita niya.

"Lets proceed.. Open your mouth.." salita niya. Ibubuka ko lang naman yung bibig ko pero hirap na hirap ako. Sa huli we did the drill like she did to lolo John. After the rituals.. Inilagay niya din sa isang ziplock yung buds na ginamit sa akin.

"How long will it take?" tanong agad ni lolo.

"We've done this for so many times Sir but still couldn't  remember?"

"I'm just excited for the result." sagot ni lolo.

Nawala ang ngiti ni doc. Para kasing ganito lagi ang sineryo na nasasaksihan niya kaya malungkot ang mga mata niya habang nakatingin kay lolo.

"Still two months sir.. I'll send it to US asap. Ayaw niyo naman kasi dito kasi ayaw niyong may makaalam. Masyado kasi kayong high profile. So we have to wait again until they send back the result to me."

"That's the max?"

Tumango si doc." It is sir.. I'm sorry.."

"Alright then... Maghihintay ako. That's what I've been doing in my whole life though.." malungkot ulit ngumiti ang doctora sa kanya.

After that lumabas kami sa fire exit ng hospital. Hindi ko sure kung bakit pero sabi ni lolo for safety daw kaya nagtiwala naman ako. Mas natatakot ako para kay lolo kasi ano ba naman ang mapapala ng mga masasamang loob sakin? Wala naman.

"Salamat, Astrid. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin ito." he genuinely smiled at me. May parte na naman sa puso ko ang kumirot pero sumaya at the same time. Feeling ko kasi kahit hanggang ngaun hindi ko pa din maintindihan si lolo ay napasaya ko siya.

"Wala pong ano man," sagot ko. Wala naman ako talagang ginawa. Kinuhanan lang ako ng laway pero parang binigay ko ang mundo kay lolo John kung makapagpasalamat siya.

"You're such a nice kid, Astrid. Kung ano man ang maging resulta ng test. I will still help you in every possible way I can help you. I just hope na ikaw talaga ang hinahanap ko. Sana ikaw na siya.."

That's the last thing na sinabi ni lolo kasi hindi na ako nagsalita. Puno kasi ng hope ang mga mata ni lolo kaya hindi ko kayang sumagot. I don't want to break his hope. Alam ko naman na hindi ako ang hinahanap niya kaya ayokong masira yung mood niya. In a short period of time, napalapit ako kay lolo. I felt that there's this strings that connecting us.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now