"No, come with me." sagot niya. Nakakatakot ang kaseryosohan ng boses ni lolo John. Pakiramdam ko ay hindi ko siya pwede tanggihan kaya tumango nalang ako at tahimik na sumunod.

Malamig na malamig ang pakiramdam ko ng bumukas ang isang kwarto. There's a long table in the middle na napapalibutan ng madaming upuan. Hindi pa man tuluyan nakakapasok si lolo John ng magsalita na agad si tita Sasha.

"What are you doing papa? When will you learn to stop?" malakas ang boses niya kaya napalundag ako sa likod ni lolo John. Tama nga ang babae kanina. Galit na galit siya.

"Sweetheart.. Please calm down.." malumanay na sagot ni tito Luther sa gilid niya.

"No! It's been years pa, hindi kaba napapagod sa ginagawa mo? Had you ever considered Luther and Bree? Dela Fuente's is their family too. You sabotage their transaction just now. Ano paba ang pinaglalaban mo? Bakit ayaw mo manahimik?" sigaw ni tita Sasha..

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni lolo. He's not moving kaya natatabunan niya pa din ako.

"Noon akala ko galit ka because of what they have done to me and Luther. What mom had done to me. Pero pa.. Natanggap na nila.. Tapos na.. What is this all about? Hindi na kasi kita maintindihan." nabasag ang boses ni tita Sasha. Hindi ko alam pero mayroon bahagi sa puso ko ang kumirot.

Lolo steps forward kaya nakita na nila ako. "Astrid? What are you doing here?" gulat na tanong ni tito Luther. Bahagyang nagulat si tita Sasha ng napatingin siya akin pero hindi niya masyado ininda ang presensya ko.

"She's with me." sagot ni lolo John. May parte talaga sa akin na gusto lumabas dahil pakiramdam ko ay hindi ko talaga ito dapat masaksihan.

Huminga ng malalim si tita Sasha at hinarap ulit si lolo. Napatingin siya sa akin pero nag iwas din at binalik kay lolo John ang tingin.

"Is there something happened while we were gone? Kasi hindi ko makita ang rason, pa. You are so eager to put the Dela  Fuente down. What's the point? May hindi kaba sinasabi sa amin? Ano ba talaga ang nangyari noon?"

Bahagya siyang huminto at huminga. She look at me again. This time-- I saw pain in her eyes. "Buti pa ang kaibigan ni Bree naisasama mo dito." napayuko ako at lumunok. Hindi ko alam pero may kumirot ng mas matindi sa puso ko sa bigkas ng salita ni tita Sasha. Bigla akong nahiya at bahagyang nasaktan. Pero tama naman siya. Bakit ba ako kasama ni lolo John?

Hindi ko alam kung ayaw lang bang patulan ni lolo si tita Sasha o may iniisip siya. Nakatulala lang kasi siya sa anak niya.

"Akala mo ba hindi ko napapansin how you're treating my daugther? I'm numb pa. I let you ruled her life dahil utang na loob ko na inalagaan mo siya while we were gone. Pero yung pagiging malupit mo kay Bree? Diba ikaw ang nag alalaga sa kanya? Diba mahal na mahal mo siya? Ano nangyari, pa?" lalong napahagulgol si tita si Sasha. Nanlaki ang mata ko ng makita ang luha sa mga mata ni lolo John.

"And this company is supposed to be hers. Bakit ayaw mo pa din bitawan sa kanya? You're hard on her. Hindi na kayo kagaya ng dati. Wala na akong malala na moments niyong dalawa simula bumalik kami. All I saw is you.. being hard on her. Ano ba talaga ang nangyari? May hindi kaba sinasabi? Kasi pa, even me-- everyday I woke up.. I'm still wondering what was happened from the years we're away from all of you. Kasi masaya kong iniwan ang pamilya ko.. Pero ibang iba ng pamilya ang binalikan ko."

Hindi ko napansin na tumulo na ang luha ko. Mabilis na tumayo si tata Sasha na sinundan ni tito Luther. Huminto muna siya sa harap ni lolo John. "Sorry, pa." salita niya. Nanatiling nakatulala si lolo John.

"Sorry for this mess, Astrid." salita ni tito Luther sa akin tsaka sinundan si tita Sasha.

Naiwan kaming tulala ni lolo John. Pinalis ko ang luha ko at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako pero damang dama ko ang sakit ng bawat salita ni tita Sasha. At mas lalong nawawarak ang puso ko habang nakatingin ako kay lolo John na nakatingin sa kawalan.

"I've done my best to protect them.." napaupo si lolo John sa isa sa mga swivel chair. Natigilan ako ng makita ko ang pag iyak niya. Na para bang ang dami niyang sakit na dinadala niya. His tears is mirroring his broken soul.

Nanatili akong nakatayo at hinayaan siya.

"I still vividly remember how I lost her. Seventeen years passed and it's still haunting me." umiiyak pa din si lolo John. Ano ba yung sinasabi niya? Sino yung nawala? Asawa ba niya? Hindi ko talaga sila maintindihan.

"I lied to my own daughter to prevent her from hurting but I didn't know that she's hurting. I messed up everything."

Gustong gusto kong lapitan si lolo at yakapin. Feeling ko kasi kahit di ko siya maintindihan ay hirap na hirap siya sa dinadala niya.

Tumingin siya sa akin. Sobrang lungkot at bigat ng pakiramdam ko sa pagtingin ni lolo John. He looks tough but his eyes showing otherwise. He looked tired and in pain.

"Ginawa ko naman ang lahat para makita siya... Kung pwede ko lang ipa DNA test lahat ng batang kaedad niya sa mundo gagawin ko. Hirap na hirap na ko. I'm old and weak. Ayokong mawala nang hindi ko siya naiibabalik."

Ang sakit sakit ng bawat salita ni lolo kaya napahagugol na talaga ako ng iyak. Hindi ko man siya maintindihan pero damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Lumakad ako at lumapit kay lolo John. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Gusto kong maramdaman niya na magiging okay din ang lahat.

"I want to end this, Astrid.. Even God knows how I wanted to be normal again.. Kasi pagod na pagod na din ako. And everytime na titignan ko ang sariling anak ko ay parang nawawasak ako. Matanda na ako at gusto ko naman ma-enjoy yung natitirang oras ko sa mundo. Paano ko gagawin yon kung bawat pag gising ko ay kinakain ako ng kasinungalingan ginawa ko?" umiyak ulit si lolo John kaya nanatili akong nakayakap.

Humiwalay ako ng tumayo si lolo John. Nakatitig siya sa akin na para bang may gudtong sabihin.

"Can you do a favor for me?" tanong niya. Walang dalawang isip ay tumango ako. If his favor could make him at peace.. Hell! Sa nararamdaman ko ngaun? Gagawin ko para kay lolo.

"Can you come with me to the hospital?" nagulat ako. Masama ang pakiramdam ni lolo? Bakit nag aaya siya sa hospital?

"Masama po ba ang pakiramdam niyo?" nag-aalalang tanong ko.

"No, may gagawin lang tayong test." sagot niya. Test? Para saan?

"It's a DNA test, Astrid." salita niya na nagpabukas ng labi ko. DNA?

"Lolo, anak po ako ng nanay ko. Kung sino man po ang hinahanap niyo.. Sigurado po akong hindi ako yon."

Umiling si lolo sa akin." I've done my research about you and your family, Astrid." sagot niya. Ano daw? Hindi ko lalo siya naintindihan. "I'm not the one who should tell about the real you.. But I want to try if she's the real you.." sagot ni lolo.

Ang gulo gulo. Pwede bang tagalugin ni lolo. Kasi kahit ako ay litong lito.

"Pero po.." hindi ako makasagot dahil gulong gulo din ang utak ko.

"You're my last shot, Astrid. I felt something about you when I met you.. If she's not you.. I will accept it and fix my mess with my family. I'll accept that I will never see her again.. I will give this company to Bree to make my daughter at peace. Say yes Astrid. Huli na ito dahil pagod na pagod na din ako."

Pumikit si lolo John ng may tumulo na naman luha sa mata niya. Kahit hindi ko alam ang nangyayari at hindi ko siya naiintindihan ay tumango nalang ako.

Dinukot niya ang cellphone niya at may tinawagan. "Eros.." salita niya.

"Yup. I'll wait for you.. I'm tired too son. This is the last I promise." binaba niya ang tawag at huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "Thank you, Astrid.."

------

Ps. Some were demanding na habaan ko ang update. Sorry po pero ganito lang tlga ako mag update. Some naman ay nagdedemand ng ud agad. Pwede po ba ako naman ang magdemand? Gusto ko ulit bumalik sa pagsusulat kasi ang totoo medyo nawawala ako sa linya. Haha.. Vote and comments. Lalo na ang comments. It makes me inspired to write again.. Lab! Lab!

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now