Tumango ako. Busog na busog pa naman ako dahil madami ako nakain.

"Lets go to the office first can we? After that tsaka kita ililibot dito." ngumiti ulit si lolo. Tinanguan niya ang mga bodyguard niya at sumakay sa cart. Sumunod ako at naupo sa harap katabi niya. Siya ang nagmaneho nito. Sumaboy ang buhok ko ng humangin ng malakas.

Tahimik lang si lolo John so I remained quiet. Nakakahiya naman kung magdadadaldal ako diba? Tsaka, hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Huminto kami sa building sa south kung saan nandoon ang office. It looks good when it's far but it looks stunning when you get closer.

Bumukas ang double door glass door. Namangha ako ng makapasok ako habang nakasunod kay lolo John. There's this huge toy plane na sobrang ganda sa gitna. May malaking portrait din ng pamilya nila Bree sa  gitna. There's this grand stairs at may double lift. Ganitong ganito ang nakikita ko sa mga magazine inside hotel lobby. Hindi ko naman maexplain maayos coz I've never been to hotel lobby. Kahit nga sa parking ng hotel ay hindi pa ako nakakatuntong.

"Goodmorning, President." bati ng mga tao kay lolo John. Tumatango lang siya sa mga ito. Nang napatingin sila sa akin ay bahagya silang natigilan at nagbulungan. Maybe they are curious kung bakit may kasama si lolo John.

"Hindi naman iyan si Ma'am Bree diba?" dinig na dinig ko ang salita ng isang babae. Hindi ako sure kung malakas ba ang pagsasalita niya or malakas lang talaga ang pandinig ko.

Tumango ang katabi niyang lalaki. "Pero relatives siguro.. They look like them though." kibit balikat niya.

Umirap ang babae. "Duh! She's pretty yes.. Pero realative? Doubt it. Look at her-- Far from the Vera Cruz."

Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Alam ko naman na malayo ako sa kanila. Minsan.. Nakaka baba lang ng pagkatao yun way ng pagsasabi nila. Just because I'm wearing simple clothes hindi na ako pwede makisama sa matataas na tao? Why do people easy to judge by the looks? Well.. Bakit ba nag aampalaya ako? Totoo naman na hindi nila ako kaano-ano--
At totoo din naman ang sinasabi nila.

"I'll just get some docs then will tour the place. Is that alright?" biglang nagsalita si lolo John kaya nasinghap ako. Masyado akong nalunod sa mga narinig ko kaya di ko namalayan na nakarating na pala kami sa floor kung nasaan ang office niya.

Kumunot ang noo ko ni lolo John ng makita ang itsura ko. Umiwas ako ng tingin ang huminga ng malalim. "Sige po," ngumiti ako ng bahagya para ipaalam na ayos lang ako.

Honestly-- hindi ko alam kung bakit ako dinala dito ni lolo John. What I only know is I owe him everything. Nakapag-aral ako sa magandang school because of his mercy and kindness. So this is some of my ways to show how thankful I am. Baka naman may ipapagawa siya or ano. So-- I'll just go with the flow.

Isang babae ang hingal na lumapit kay lolo John kaya natigilan kami. She look at me and look back at lolo John. "Sir, Ma'am Sasha and Sir Luther is here." sagot ng babae.

"Where are they?" sagot ni lolo na mas naging seryoso.

Umayos ng tayo ang babae at halata ang takot sa mukha niya. "Conference room, sir." tumango si lolo at nagsimulang maglakad kaya sumunod ako. "Ma'am Sasha is so furious sir." salita ulit ng babae kaya natigilan saglit si lolo John at napabuntong hininga.

What the hell is happening? Dapat paba ako sumama kay lolo John? I think they will have some matters to talk. Parang di naman yata tama na kasama ako. At si tita Sasha? Galit? Bakit? She's always calm.

Picture of her being furious scares me. Hindi ko alam kung bakit. Maybe nasanay ako na kalmado siya palagi.

"Lolo maiwan nalang po ako dito," salita ko bigla. Tumitig muna sa akin si lolo John at sa huli ay umiling siya.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now