"Sige na, Anton. Wag natin yan pag-usapan ngaun." tumingin si nanay sa akin. Pati tuloy si kuya ay napatingin sa akin. Napahilamos siya ng dalawang kamay niya sa mukha at tumango kay nanay kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya.
Hahalik sana si kuya sa ulo ni nanay pero umiwas si nanay. Nanatili akong nakatingin. May problema talaga sila. Ngaun ko lang nasigurado na may problema si nanay at kuya. Kung ano man iyon, malaki ang naging epekto nito kay nanay.
Sa huli, inayos ko nalang ang sarili ko para pumasok. Ayoko na din kulitin si nanay dahil alam kong hindi niya ito sasabihin sa akin. Kung ano man iyon away nila ni kuya. Alam ko na dadating ang panahon ay malalaman ko lang din iyon.
Sa ngaun, bibigyan ko sila ng space para maayos nila kung ano man ang problema nila. Sana lang ay hindi malala dahil nakikita ko na apektado talaga si nanay.
Nakarating ako sa school na medyo late na. Naipit kasi ako sa traffic at hinintay ko pa na umalis si nanay kahit hindi niya ako pinansin.
"Astrid!" nakangiti si Bree habang nakaupo sa dulong side kung saan nasa likod niya sila Betina. Nakataas ang kilay nila sa akin pero hindi ko nalang pinansin.
"Bakit ngaun ka lang?" masayang masaya si Bree. Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang bag ko sa desk.
"Natraffic ako, e."sagot ko. Minsan hindi ko maiwasan kasi na mailang sa kanya. Masyado siyang maganda at iba sa akin kaya hindi ko mapigilan ang insecurities ko. Mabait siya, pero hindi ko naman maitatago na malayong malayo kaming dalawa.
"Mayroon tayong retreat.. Alam mo naba?" tanong niya sa akin. Lalo akong nailang ng pumangalumbaba siya at tumitig sa akin.
"Of course hindi niya alam.. How can she pay the bill huh? Duh!" singit ni Betina sa likod. Kumunot ang noo ni Bree at haharapin sana sila ng pigilan ko siya.
"Kausap kita?" sagot ni Bree na halatang nagpipigil ng galit.
Natawa ng bahagya si Betina at hinarap Claire. "Ikaw ang kausap ko diba girl? Bakit may epal?" umirap siya at hinawi ang buhok.
"Stupid--" hindi na natuloy si Bree sa pagsugod ng hawakan ko ang braso niya. Tawa ng tawa si Betina kaya halata na inis na inis si Bree.
"Wag mo na pansinin," salita ko. Wala naman siyang mapapala. Besides, baka dumami ang record namin kakaway nila. Syempre madadamay ako dahil hindi ko naman iiwan sa ere si Bree. I just want peace. At ayokong matanggal ang scholar ko at mapahiya sa lolo niya.
"Such a good girl. Kainis ka." umirap si Bree. Hindi ko alam kung galit siya sa akin pero halata na iritable siya. Ano ba gagawin ko? Kahit matanggal siya sa scholar, she will still live a very well life. Pero ako? I badly need this.
Tumahimik ako at bumuntong hininga. Sometimes hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa pagiging straight forward ni Bree. Pero on the other hand, gusto ko yung ugali niya. Makikita mo sa kanya kung masaya siya at ipapakita niya din seyo kapag galit or naiinis siya.
"Hindi ko alam." sagot ko sa tanong 5 kanina. Totoo naman na hindi ko alam. Kelan ba iyon sinabi? Bakit di ko alam?
"Okay," bumuntong hininga din siya. "Sorry for the atittude. Ayoko lang kasi na nagpapa-api ka." sagot niya. Napangiti ako ng bahagya. Palaban at matapang siya but she's the sweetest.
"Don't worry about me.. As long as hindi ako sinasaktan physically.. I'm fine." sagot ko.
"Bahala ka nga, ang bait bait mo.. Hayaan mo papatayuan kita ng rebulto." umirap ulit siya kaya natawa ako at nailing. Hindi kasi magaling magtagalog si Bree, so nakakatuwa kapag tagalog siya magsalita.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika-walo
Magsimula sa umpisa
