Parang may dumaan anghel dahil wala nang kumibo sa aming dalawa. Nakahinga lang ako ng dumating si Bree.

"So are you two good? Bakit ang tahimik niyo?" natawa siya ng bahagya. Ngumiti ako ng tipid. Si Rajan naman ay naging blangko ulit. I can't look at Bree's eyes. Feeling ko kasi ay niloko ko siya pero hindi naman. Ayoko nito. Ayoko ng nararamdaman ko.. Mabait si Bree sa akin.. I owe her what I have now..

"May naghahanap kay Astrid sa labas.." napatingin kami kay nanang Opel na bigla nalang pumasok. She was looking at me. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ayaw sa akin ng yaya ni Bree. Pakiramdam ko ay sinasaksak ako sa bawat tingin niya sa akin.

"Sino daw?" si Bree.

"Anton daw." sagot ni nanang Opel tsaka kami nilagpasan. Napatingin ako sa orasan nila, halos mag aalasais na pala pero hindi dumating ang lolo niya.

"Who's Anton?" takang tanong ni Bree.

"Kuya ko," sagot ko na hindi pa din makatingin sa kanya.

"Aalis kana?" biglang sagot ni Raj. Napalunok ako at nagsimulang magpalpitate ulit ang puso. Kumunot ang noo ni Bree at nagbalik balik ang tingin sa amin. Lalo tuloy naging awkward.

"Bree come here!" isang sigaw ang bumali sa pinaka awkward na pangyayari sa buhay ko.

"Uh, uuwi nako." sagot ko na hindi pa din makatingin.

"Bree!" sigaw ulit ng tita Kristele siguro niya. I never heard tita Sasha shout like that though.

"Coming!" sigaw ni Bree.

"Sorry, Raj, can you accompany her to the gate? Sasabihin ko nalang na uuwi kana.." ngumiti ulit si Bree kahit puno ng pagtataka ang mga mata niya.

"Sure." simpleng sagot ni Rajan.

"Take care, Astrid! See you at school." humalik si Astrid sa pisngi ko. Tumango lang ako ngumiti.

Okay..here we go again.. Rajan and I? Goodness!

"Susunduin ka pala.. I thought I can take you home." salita ni Raj habang naglalakad kami. Bakit ba ang layo ng gate mula sa bahay? The more time with Raj, the more awkwardness I felt.

"Ah.. Oo, eh.." tipid na sagot ko. Ayokong magsalita masyado dahil ayokong magkamali. Minsan.. Medyo mali mali pa naman ang lumalabas sa bibig ko.

Tanaw ko si kuya sa gate na matalim ang titig sa amin ni Raj. Lumunok ulit ako ng magtama ang mga mata namin. I don't get it. I've never been this close to kuya Anton. I never thought that he could be this protective to me. Dati naman kasi ay baliwala lang ako sa kanya.

Madalas kung tignan niya ako ay para akong baso na kailangan ingatan dahil baka mabasag ako ano mang oras. But right now? His eyes were like daggers.

"Kuya.." sagot ko ng makalapit sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumalik ang tingin kay Raj. Blangko ang mukha ni Raj pero lumaban sa tingin ni kuya. Nakakatakot. Nakakatakot dahil para silang magsusuntukan any moment.

"Lets go," malamig na salita ni kuya na matalim pa din ang titig sa akin. Tumango ako at hindi nagsalita. Kumakalabog na naman ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may ginawa ako na hindi nagustuhan ni kuya. At totoo? Kakaiba at mas malakas ang kabog ng dibdib ko pag nagtatama ang mga mata namin kuya.

Nag igting ang panga ni Raj nang bumaling ako sa kanya. Umamo ang mga mata niya at ngumiti sa akin. "See you at school then?" salita niya. Ngumiti ako at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay namula ang pisngi ko sa ngiti ni Rajan.

Isang tikhim ang narinig ko kasabay ng paghila ni kuya sa kamay ko. Hindi na ako nakabaling kay Rajan.

Mabilis ang naging byahe namin pauwi. Tahimik lang si kuya na halatang iritable ang itsura. Badtrip kaya siya? Madilim na ng makarating kami sa bahay.

"Nay!" sigaw ko pero walang nagsalita. Marahil ay wala siya dito. Alam kong wala din si tatay at kuya Jigs. Madalas kasi ay madaling araw na sila umuuwi.

"Ano mo iyon lalake na iyon, Astrid?" napatigil ako ng magsalita si kuya. His face was stern, tila ba pinaghalong galit at irita.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa mga mata ni kuya. Kumunot ang noo ko ng makitaan ng pain ang mga mata niya though he looks tough.

Unti unti siyang humakbang palapit sa akin.. Umatras ako pero napako ang likod ko sa pader hanggang nakalapit siya. Seriously? Rajan can make my heart beats so fast. But kuya Anton can make it beat even faster.

Ikinulong niya ako gamit ang magkabilang braso niya. Galit pa din ang itsura niya habang nakatingin sa akin.

"Do you like the guy?" matigas na naman ang ingles niya kaya namamangha ako. Parang hindi siya si kuya.. Parang ibang tao ang nasa harap ko.

Lumunok ako at nag iwas ng tingin.. Hindi ko kayang sumabay sa tingin niya. Para akong nanlambot at nanghina. Hinawakan ni kuya ang baba ko at itinaas para magkatinginan kaming dalawa.

Nag-igting ang panga niya, paulit ulit. "Feelings is like magic baby.. Sometimes it's illusion, so don't get tricked.."

Ano daw? Bakit sinasabi ito sa akin ni kuya? Ano ibig niyang sabihin? At bakit ganito siya sa akin?

"You understand baby?" lumambot ang boses niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko sabay iwas ng tingin. Nagpakawala siya ng mura at mabilis na tumalikod sa akin.

"Naiintindihan mo ba ako, Astrid?" salita niya.

Napasinghap ako at inahon ang sarili mula sa pagkakalunod.

"Oo." sagot ko kahit hindi ko naman talaga siya maintindihan..

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now