"That's explain kaya magkahawig kayo?" sagot ni tita Kristele. Magkahawig? Saan banda? Nakikita ba niya ang huge difference namin ni Bree?

"No.. the girl kinda look like Luther.." natatawang sagot nung isang lalake.

"Really?" sagot ni Bree na nakangiti.

"Baka may anak ka na hindi mo sinasabi sa amin dude?" natatawang salita ng isa ang lalake.

"What the fuck, Draco?" naiiling na natatawang salita ni tito Luther sa kanya.

I find it weird.. Hindi ito ang unang may nagsabi na kamukha ko si tito Luther. Even mister Simon na bestfriend niya ay ganyan din ang reaksyon ng makita ako. May resemblance ba talaga kami? Bakit hindi ko makita? And hello? Duling ba sila o bulag?

"Enough, tara sa living room." pagputol ni tita Sasha sa usapan. She looked at me with apologetic eyes. Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang ako.

Lumapit si Bree kay Rajan. "Wait lang, babe, huh?" sagot niya dito. Blangko lang ang mukha ni Rajan na tumango sa kanya. So what to do? Wala pa ang lolo ni Bree. Ano kaya ang ipapagawa non sa akin? At bakit wala pa siya?

"Wait, Astrid.. Raj will entertain you.." ngumiti siya at kumindat. Oh一no一 bakit kailangan kay Rajan ako maiwan? Di ba pwede na isama nalang niya si Raj? I know  myself that I have this sort of feelings for him. Hindi naman malalim, but still, mayroon.

Hindi ako nagsalita hanggang makaalis si Bree. I can't look at Raj. Tumalikod ako at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan.

Isang tikhim ang ginawa ni Raj kaya napapikit ako ng mariin. Bakit ang awkward? It shouldn't be right? Hindi naman alam ni Raj na may crush ako sa kanya.

"Hindi mo trabaho yan," salita niya ng mailapag ko ang mga pinggan sa sink. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. He's looking at me intently kaya napaiwas ako ng tingin.

"Trabaho ko na din ito," simpleng sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa. Nag-igting ang panga habang titig na titig pa din sa akin.

Umiling si Raj at tumayo palapit sa akin. My heart beats eraticaly. Yung tibok na parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Kalma, Asrtid.

"Put that down," he commanded. Puno ng authoridad ang bawat salita niya. He's not asking me, he's literally commanding me.

"Pero--" nanginginig na sagot ko.

"No but's," matigas na sagot niya. Para akong robot na tumango at marahan nilapag ang mga hawak kong baso. He smirked.

"Why are you here?" humalukipkip siya sa harap ko. Pwede bang magpreno siya sa kakatingin sa akin? He's making my knee trembled.

"Dahil sa lolo ni Bree.. Scholar niya ako diba?" sagot kong nauutal. Tumango siya at dinilaan ang labi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Rajan is perfect, napakswerte ni Bree sa kanya. Pero kapag naiisip ko ang sinabi ni tita Sasha.. I want to ask him kung may feelings din ba siya kay Bree. Pero, ayokong manghimasok. Ayokong isipin niya na nangingialam ako sa buhay nila, niya. At wala naman talaga ako dapat pakialam diba?

"I know, kaya nagtataka ako why you're doing that, scholar ka.. Hindi ka katulong."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Hindi naman sa ganon.. I just want to give back the favor they have given me.

"It's my only way of saying my gratitude to them."

Ngumiti si Rajan at tumaas ang kilay. He looks so amused.

"You're really nice and humble, Astrid.." ngumiti siya. "That's why I like you.." natigilan si Raj. Ako naman ay napatingin sa kanya na laglag ang panga. Like? Ano daw? Nabibingi ba ako or assuming lang ako? that..maybe.. Umiling ako sa katangahan na naiisip ko. Paano ako magugustuhan ni Rajan? Compare to Bree, walang wala ako.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now