"Sino ang na-miss niyo?" sabay sabay kaming napatingin sa pumasok sa kitchen. Isang magandang babae at dalawang lalaki ang nasa likod niya. Hindi ko inakala na ganito kaganda ang lahi ni Bree. Like, God  made them with so much effort.

"Kristele," si tita Sasha, mabilis siyang tumayo at malaki ang ngiti na lumapit sa babae.

"Draco, Darton," si tito Luther naman ay lumapit sa dalawang lalaki sa likod niya.

"Did you buy the new Iphone for me, tita?" bungad ni Kaio sabay halik sa pisngi ng babae.

The girl rolled her eyes dramatically. Iniabot niya kay Kaoi ang isang paper bag na may design na apple.

"Yes!" halos mapatalon si Kaio. "You're the best." tsaka siya humalik sa pisngi nito.

"Thank you, tita.." si Kaio.

"No prob, Kai." sagot nung babae.

Napatingin sa akin yung babae na nanlalaki ang mga mata kaya napaatras ako.

"Is that you, Bree?" lumawak ang ngiti niya sabay lakad papalit sa akin. Kabang kaba ako. Bakit Bree ang tawag niya sa akin?

Hindi ako makasagot. Ni hindi nga ako makailing sa sobrang kaba.

"Dalaga kana," sagot naman nung dalawang lalaki na napatingin na din sa akin. Magsasalita na sana si tita Sasha ng mabilis na nagsalita yung si tita Kristele.

"What the heck are you wearing?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay baling kaliwa at kanan. She's pretty, but she's prettier when she's closer.

"Kung kelan ka nagdalaga tsaka ka naging ganyan. And your hair, OMG! super dry na siya. Bakit ang dugyot mo?"

Tumaas ang kilay niya sa akin.

"A-ano po.."

"Anong ano po?" pagalit na salita niya.

Hinila niya ang kamay ko kaya lalo akong kinabahan. "Teka--" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng barahin niya na naman ako. Grabe naman ang tita ni Bree. Super ganda nga, para naman armalite kapag nagsalita.

"Don't teka- teka me, Bree, ha" dama ko ang iritasyon sa boses niya kaya napabuntong hininga nalang ako. Natigilan lang siya ng nakatingin sa amin ang lahat.

"Whut?" iritableng tanong niya sa kanila. Natawa si tita Sasha at maraham umiling.

"You've been gone for three years, sis. She's not, Bree." umiling ulit siya.

"Whut?" gulat na gulat siya.

"For real?" tanong nung isang lalake habang titig sa akin na kunot ang noo. Napatingin siya kay tito Luther sabay balik sa akin.

Tumango si tito Luther at nagkibit balikat.

"No way!" bumaling ulit sa akin si tita Kristele at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

"Si Bree ka diba? Tanong niya sa akin. Natawa na ng tuluyan si tita Sasha at Kaio.

Umiling ako at yumuko sa sobrang hiya. Marahan niyang binitawan ang kamay ko. "But--"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang lumabas si Bree kasama si Rajan. "Gosh! Tita Kristele!" nagtitili si Bree at tinakbo ang pagitan nila ni tita Kristele. Kumunot ang noo ni tita Kristele habang palapit si Bree. "Ang weird.." bulong niya.

Pagdating ni Bree sa harap niya ay ngumiti ito ng bahagya. "Hi tita, how was your flight?" ngiting ngiti si Bree sa tita niya. Tipid ulit ngumiti si tita Kristele at bumaling sa akin.

"Oh--  by the way she's my bestfriend.. Astrid." pakilala niya sa akin.

"Hello po.." medyo nahihiya pa ako.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now