"Uh, Raj.. Kuya Anton ko pala." salita ko sa kanya. Ang matapang na mata niya ay bahagyang umamo. Bumuntong hininga siya at inabot ang kamay kay kuya.

"Kuya.. A-ano.. Si Rajan kaibigan ko."halos magbuhol buhol ang dila ko.

Napatingin ako kay kuya na sunod sunod ang pag igting ng panga. Tinignan lang niya ang kamay ni Rajan at hindi inabot. Bumaling siya sa akin na galit ang mga mata. "Susunduin kita mamaya." malamig na salita niya tsaka ako tinalikuran.

Tinanaw kong ang taxi hanggang makalayo. "Masyadong seryoso ang kuya mo," ngumiti ng tipid si Raj at umiling.

"Ano, hindi naman.. Mabait naman yun.." sagot ko.

"OMG! This is the best weekend!" tili ni Bree ng salubungin kami. Halos tumumba ako ng yakapin niya ako. Pagkatapos niya sa akin ay kumapit siya sa braso ni Rajan kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.

"Mommy, nandito na sila Astrid!" sigaw niya ng makapasok kami sa bahay.

"Lolo, will see you later Astrid." tila ba wala lang sa kanya. She's focus on Raj. She's very fond of Raj.. At halatang halata na mahal niya ito. I looked away.. May kung anong kumirot sa puso ko.

"Hi," napatingin kami kay tita Sasha ng lumabas sa kitchen nila na may suot pang apron.

"Magandang umaga po.."

" Morning tita.." sabay namin sagot ni Raj.

Ngumiti ang mommy ni Bree. May kung ano sa puso ko ang natunaw sa ngiti niya. Ang ganda ganda niya. Even if she's wearing apron? She's indeed beautiful and classy.

"Mommy, papaturo lang ako kay Raj ha?" sagot ni Bree. Nakita ko ang pagtingin ni tita Sasha kay Raj at ngumiti.. Pero.. Malungkot ang ngiti niya.. Ang weird.

"Can you help me? Habang wala pa si papa?" bumaling sa akin ang mommy ni Bree na biglang lumawak ang ngiti.

"Sige po," sagot ko at dumiretso sa kitchen nila. Napanganga ako sa laki at ganda ng kitchen nila. Kumpleto ang gamit sa pangluto. Name all you need in the kitchen, mukhang lahat ay mayroon sila.

Umikot si tita Sasha sa mixer at chineck ang ginagawa niya. Para akong tanga na nakatingin sa kanya. I don't know pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing kilala ko siya.. May bahagi sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

"Marunong kaba magluto?" malambing na boses niya ang nagpabalik sa akin sa realidad. Mabilis akong tumango sa kanya kaya lalong lumawak ang ngiti niya.

"Ang galing naman.. Sana marunong din si Bree magluto.. Ayaw kasi non sa kitchen." ngumuso siya at may hinalo na kung ano sa isang clear bowl.

"Can you peel the banana?" abot niya sa akin. Tumango ako at sinimulan balatan ang mga saging na bigay niya.

"Uh, may boyfriend kana?" tanong ulit niya. Hindi naman kasi ako nagsasalita at hindi ko alam ang sasabihin.. Ang alam ko lang ay gusto kong titigan siya.

"Wala pa po.." sagot kong nahihiya.

"Really? Maganda ka ha.. Pero tama yan, study first." kumindat siya at tumikim ng saging na nabalatan ko. Umupo siya sa stool na nakangiting nakatingin sa akin. Ang bait bait talaga niya.

"Bakit niyo po pinayagan mag boyfriend si Bree?" halos kagatin ko ang dila ko sa tanong ko! Ano ba naman-- Astrid!

Napayuko ako dahil pakiramdam ko ay naka-offend ang tanong ko. Tanga ko naman kasi.

Bumuntong hininga si tita Sasha. "Rajan? Hindi naman talaga sila.." malungkot na ngumiti si tita Sasha..

Gulat na gulat ako. Nakuha niya ang buong at atensyon ko. Ano ibig niyang sabihin?

"Ano po?" pinilit kong ikalma ang sarili.

"It's long story to tell but I'll tell it to you shortly.. Me and her dad was away from her when she's still a baby.." seryosong seryoso siya. "Family problem.. Palipat lipat kami ng bansa ni Luther to escape.. We came back when Bree was six years old.. She's mad at us for leaving her habang kasama namin si Lucas.. Hindi namin makuha ang loob niya hanggang lumaki siya.. When she was fourteen.. Nakakilala niya si Rajan na anak ng college friend ko. She's so attracted to him.. Inisip ko na mapapalapit samin si Bree kapag inilapit namin si Rajan sa kanya. I asked her mother who is actually my friend and she agreed.. Rajan was matured back then at naintindihan niya. Naging ayos sa amin si Bree naging open at close siya sa amin.."

Nagulat ako sa rebelasyon niya. Ano nangyari noon? At kung tutusin ay si Rajan ang kawawa dito? Pero kawawa ba talaga? Paano kung gusto na niya talaga si Bree? Paano kung--

"Until she thinks na boyfriend niya si Rajan.." She continued.

"Hindi po ba unfair yon kay Rajan?"ayan na naman ang bibig ko na basta basta nalang nagsasalita.

Tumango ang mommy ni Bree at malungkot na ngumiti. "I know.. Iniisip ko nalang.. That maybe.. Mainlove din si Rajan kay Bree."

Nakakainggit. Nakakainggit ang pagmamahal niya kay Bree. Na kahit alam niyang mali ay hinahayaan niya. Na kahit alam niyang makasarili, para kay Bree ay gagawin niya.

Though.. I feel bad for Raj.. Paano kung may gusto siya talaga? Paano kung? Pinilig ko ang ulo.

"Sweetheart.." napatingin kami sa daddy ni Bree na mabilis na lumapit sa mommy niya at humalik sa pisngi.

"Magandang umaga po," bati ko. Ngumiti ang daddy. "Hi Astrid.."

"Kumain ka naba?" tanong ni tita Sasha kay tito Luther.

Umiling si tito Luther. "Where's Bree? I want to eat with her.." luminga linga si tito na tila hinahanap si Bree.

Mahal na mahal ko ang nanay ko. Pero hindi ko alam kung bakit may parte sa sarili ko na nagtatanong.. Ano kaya ang pakiramdam na maging anak nila? Ano kaya ang pakiramdam na maging si Bree?

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon