"Astrid!" Nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni Rosie. Malaki ang ngiti niya sa harap ko kaya bahagya akong ngumiti.
"Parang di ka naman masaya makita ako," ngumuso si Rosie kaya madrama ko siyang inirapan. Though, nagpapasalamat ako at iniligtas niya ako sa tanong ni kuya.
"Uy," halos magkikisay siya ng makita si kuya sa gilid ko. Bahagyang namula ang pisngi niya at kinurot ang tagiliran ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Ikaw pala yan Anton, kamusta?" bati niya kay kuya.
"Ayos lang," malamig na sagot ni kuya. Si Rosie naman ay diniinan ang hawak sa braso ko kaya ngumiwi ako ng bahagya. Talagang nagiging pisikal ang babae na ito kapag nakakausap si kuya.
"May lakad kayo?" tanong ulit niya. Wala kasi sa aming makapagsalita. Ni hindi ko alam kung bakit nailang ako at hindi makapagsalita. Kumunot ang noo ni Rosie ng wala sa amin sumagot. Bahagya siyang tumawa. "Ay, napipe ka, Astrid?"
Umirap ako at natigilan ng maramdaman ko ang braso ni kuya sa balikat ko. Lalo akong kinabahan. Para bang naging gulaman ang tuhod ko. Pakiramdam ko din ay nanginig ang kalamnan ko sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Ano nangyayari sa akin?
Lalo akong hindi nakapagsalita. Si kuya ay mahinang natawa at sumagot kay Rosie. "Yup, may lakad kami.." hindi ko alam kung bakit nahimigan ko ang saya sa boses ni kuya. At lalo akong nawala sa sarili dahil sa akbay niya.
"Mauna na kami, Rosie.." sagot ni kuya. Napatingin ako kay Rosie na laglag ang panga at bahagyang tumango kay kuya. Umiling ako ng bahagya. She loves talking to kuya Anton.. Pero kapag nagsalita na ito ay literal na natatame siya.
Ginabayan ako maglakad ni kuya. Hindi pa din niya inaalis ang akbay niya sa akin. Nagpanggap akong malakas kahit nanghihina ako sa akbay niya sa hindi ko alam na dahilan.
Naging tahimik kami hanggang makarating kami sa sakayan.
"Iyan ba ang mga ampon ni Ester?" napatingin ako sa nagsalita. Siya si mang Sergio, yung kapitbahay namin na nag ibang bansa. Nakauwi na pala siya? At bakit binanggit niya ang pangalan ni nanay? Sino ang ampon?
Nag igting ang panga ni kuya at bigla akong nilayo kila mang Sergio. "Tara na, magtaxi nalang tayo.." madaling madali si kuya. Ang kaninang akbay niya ay nawala pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Kahit naghuhurumentado ako sa hindi ko alam na dahilan ay nagpahila nalang ako.
Pumara ng taxi si kuya. Pagkasakay namin ay tahimik lang si kuya. Nagtataka pa ako at mukhang balisa ang itsura niya.
"San ka Astrid?" nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Kahit seryoso siya ay hindi ko maiwasan punahin ang biglang pag-aalala sa mukha niya.
"Sa Vista, k-kuya.." sagot ko sabay iwas ng tingin. Alam kong alam ni kuya ang subdivision na sinabi ko. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon niya.
"Sa Vista ho muna," sagot niya sa driver. Napadilat ako sabay tingin kay kuya. He doesn't questioned me. Nakatingin siya sa labas at tila ba malalim ang iniisip.
Kabadong kabado ako ng makarating kami sa tapat ng bahay ni Bree. Kumunot ang noo ni kuya pero hindi pa din siya nagsalita.
"Kuya bayad ko.." naglabas ako ng 200 pesos para idagdag sa bayad niya. Medyo malayo kasi ang Vista mula sa amin.
Tumaas ang kilay ni kuya at ngumuso. "Itabi mo yan, Astrid. Wag mo ako insultuhin." halos malaglag ang panga ko. Insulto? That's what siblings do. Tulungan diba? Paano ko siya naisunlto? Nagalit ba siya? Mukha kasing nairita siya.
Magsasalita sana ako ng.. "You are here too.." napatingin ako kay Rajan. Lumapit siya sa akin sabay baling kay kuya.
Nagbalik balik ang tingin ko sa kanila. Parehong seryoso at nakatakot ang mga mata nila. Nakatitig sila sa isa't isa na tila ba naghahamunan. Lumunok ako ng bahagya at tumikhim para ibsan ang tensyon sa amin tatlo. May tensyon ba talaga? O ako lang ang natetesyon?
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- anim
Start from the beginning
