Nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin si JD at tila kinikilatis ako nito.

" That is your Tita Ocel, say it Tita."

"Tit.." napangiti ako when JD tried to mimicked his father.

"Kailangan pa kayo nagsama kuya?" tanong ko pero ang mga mata ko ay nasa anak niya.

" Lately lang. tuwing umaalis ng bansa si cheena ay sa kanya ako umuuwi. alam mo naman yun, hindi yun nagpepermi dito sa pilipinas at mas gusto nung magbyahe kahit san,"

Ate cheena is a bubbly person. Maganda ito at isang chinese. Minsan ko na siyang nakasama at hindi ito katulad ng ibang chinese na may ibang pag-uugali.

hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni kuya pero ang alam ko ay maayos ang kanilang kalagayan. I can see na may damdamin ang asawa ni kuya sa kanya at hindi ko alam kung pano ito nasisikmura ni kuya gayun hindi lang isang buhay ang kanyang nasasaktan.

" Please don't tell dad about this. in due time aaminin ko sa kanila ang lahat pero hindi pa ngayon. I want to be a father with my son. alam kong mali ito sa mata ng mga tao pero hindi ako kailan man nagsisisi na naging ama ako ni JD. " nakita ko ang hinanakit sa kanyang mga mata habang sinasabi niya yun.

Alam ko kung ganu niya kamahal si lyn lyn. nasaksihan ko yun sa mahabang panahon. nakita ko rin kung pano siya nawasak ng mga panahon mas pinili niyang bumitaw rito para protektahan.

Yes, he is protecting his love one. at hindi naging madali yun sa kanila dahil kailangan nilang sumugal.

Hinawakan ko ang umbok na mga daliri ni JD. Hindi man ako sang ayun kay kuya, pero alam ko karapatan ni JD na makilala at matanggap ng aking pamilya. 

Isa itong tunay na Salvador at magmamana ng aming pangalan.

"I will not tell anyone about this kuya, but I need to warn you."

" Kahit na anong tago mo sa kanila ay malalaman at malalaman din ng mga tao ang lahat. especially si Daddy. If you want you can ask help to mommy." ito naman ang natigilan ng banggitin ko ang salitang yun sa kanya.

Hindi nga pala sila magkaayos ni mommy. Simula kasi ng magdesisyun ang aking mga magulang na maghiwalay at iwan kami sa kustodiya ni daddy, pinutol na rin ni kuya ang ugnayan nila ng mommy ko. 

malaki ang galit nito sa kanya dahil sa kabila ng mga pangakong hindi niya bibitawan ang aming pamilya ay sumuko pa rin siya.

" Do you know where she live?" ako naman ang natigilan sa kanyang tanong.

"Yes, kung gusto mo sasamahan ko kayo papunta sa kanya." hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Kuya alam ko malaki ang matutulong ni mommy sa inyo ni lyn lyn, She can talk to dad about this." I can feel hesitation on his face.  nahihiya ito kay mommy.

" i will, but this time let me be a father to my children. Please help me Ocel." 

I nod hindi dahil sa kinokonsente ko ang kanyang kamalian, pero dahil naawa ako sa kalagayan ng aking pamangkin. alam ko ang kayang gawin ni daddy sa kanila. sakaling malaman ng mga ito ang lahat I'm sure baka kunin din nito ang anak sa kanila.

at ayaw kong mangyari yun at makaranas ng kalupitan ang bata sa poder ng aking ama.

" You okay?" hinaplos ni rafael ang aking hita habang nakataas ito sa upuan.

hindi ako sumagot at pinagmasdan ko na lamang ang aking kasama na nakatuon ang mga mata sa daan.

Actually hindi lang sila kuya ang aking iniisip, bagkus pati na rin kami ni Rafael.

I know daddy will not be okay about our relationship.

Wala siyang pakialam kung nagmamahalan kayo. ang mahalaga sa kanya ay kung mayaman ba ang magiging karelasyon namin.

Well, let's be realistic. hindi ang tipo ng lalaki ang gugustuhin ng aking ama.

Walang maayos na trabaho, walang yaman pwedeng iharap sa kanya.

Although alam ko na hindi naghihirap ito at hindi naman niya ako pinababayaan pero kagaya ng sinabi ko tungkol kay daddy. mas mahalaga sa kanya ang yaman.

" Maswerte ang asawa ng kuya mo sa kanya." aniya at naglaro ang ngiti sa mukha nito.

hindi ko siya nagets. maswerte ba si lyn lyn samantalang lumalabas na isa siyang kabit ni kuya. 

Ang sakit isipin lalo na't magiging bastardo rin si JD.

" Kayang ipaglaban ng kuya mo ang pagmamahal niya kay Lyn lyn. isn't it amazing on how he can protect his son." pagpapatuloy pa nito.

" Mali pa rin ang ginawa niya." sagot ko naman.

"Hindi pagkakamali ang makasama mo ang taong mahal mo. patunay lamang yun na ang kuya mo ang klase ng tao na handang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Sa pamilya niyo, at sa pamilya ni lyn lyn."

" Mali pa rin ang lahat. nakakaawa si JD. hindi siya matatanggap ng ibang tao."

" Hindi naman mahalaga kung sino ang tumatanggap sa kanya eh. Ang mas mahalaga'y magkaron ng pamilya at ama ang pamangkin mo."

katahimikan ang sumunod na nangyari, natuon ang mata ko sa madilim na daan tinatahak namin.

hindi ko alam kung anong lugar na ito. pero nakikita ko sa bintana ang mga palay at talahiban.

Umigham si Rafael.

" Ikaw ba Jocel, ano ba ang kaya mong isakripisyo sakin? kaya mo bang gawin ang ginawa ng kuya mo?" 

iyon ang nagpahinto ng lahat ng aking iniisip. nagshut down lahat ng mga umaandar sakin sistema.

nakatingin lang ako sa kanya and his eyes are focus on our way.

Ang totoo'y hindi ko alam. 

Hindi ko pa nagagawang suwayin si Daddy sa lahat ng gusto niya. at natatakot ako na baka ganito rin ang kahantungan ng aming relasyon.

Ayokong lumaban ng patago at magmahal patalikod.

Gusto ko ng normal at maayos na relasyon,

Ang tatanggapin kami ng mundo kagaya ng pagtanggap namin samin mga sarili.

" Gaano mo ba ako kamahal?" namalayan ko nalang na huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Hindi pa rin ako sumasagot at pinakiramdaman ko lang siya.

Dahan dahan itong tumingin sakin at nang magtama ang aming mga mata,. nakita ko ang lungkot at pait rito.

" Are you willing to run for me if I ask you to run? are you willing to dance with me in the middle of the rain? are you willing to fight for me even if the world is against us?" nanlumo ako sa kanyang mga tanong.

"Kasi kung ako ang tatanungin ay gagawin ko ang lahat para sayo. para satin. I will fight for you till the end." at naramdaman ko ang kanyang labi sakin palad.

I don't know. ayaw kong isipin na magiging katulad kami ni kuya. mahal na mahal ko si rafael, pero mahal ko rin ang pamilya ko.

at mahirap pumili kong kinakailangan.

natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakayakap sa kanya kasabay ng mga luhang umibis sakin mga mata.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon