"Are you okay?" halos mapalundag ako ng magsalita si Kaio sa gilid ko. Nakatagilid ang ulo niya habang diretsong nakatingin sa akin. Nakaramdam naman ako bigla ng hiya.
Tumango ako. Kumunot ang noo niya pero nakatingin pa din sa akin. "You seem not though. Ang layo na yata ng narating mo.." natawa siya ng bahagya kaya napailing ako at napangiti din. Lucas Kaio Dela Fuente is nice. Pareho sila ni Bree. I admire both of them.. I'm lucky that I met them.
May tumikhim sa likod namin kaya napaayos ng upo si Kaio. Humalakhak siya ng mahina at umiling.
"Chill, I'm just being friendly." salita niya. Medyo naguluhan pa ako dahil hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ano. Dalawahan kasi ang chair. Sa likod namin ay si Bree at si Rajan ang nakaupo.
Nakaramdam ako ng init ng biglang dumukwang si Rajan sa pagitan namin ni Kaio. Kumalabog ng husto ang tibok ng puso ko. Ang lapit lapit lang ng mukha niya sa amin..sa akin..
Napalunok ako ng humalimuyak ang pang lalaking pabango niya. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag igting ng panga niya. Para bang iritang irita siya na hindi ko maintindihan.
I wonder what Bree is doing? Bakit tahimik siya? Or may ginagawa? God! Please save me from misery.
"What is the differnce of being friendly from being flirty?" nagtagis ang bagang niya. Kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Kaio. Lalong dumilim ang expresyon ng mukha ni Rajan.
"Go back to where you belong Raj. I'm just being friendly. That's all. She's not my type anyway." natatawa pero seryoso naman na salita ni Kaio. Gulong gulo ako. Ano o sino ba ang pinag uusapan nila?Gusto kong ma-offend sa salita ni Kaio pero wala akong maramdaman na kahit ano. Kung ako man ang hindi niya type?? I don't feel anything.. I like Kaio being my little brother though. That's all.
"Wag ako, Lucas." malamig na salita niya at tsaka umatras at umayos ng upo. Doon lang ako parang bumalik sa realidad. Kanina kasi ay parang nasa panaginip ako sa lapit ng mukha ni Rajan sa akin. Kapag si Kaio ang kasama o kausap ko. I feel natural.. I mean, kumportable ako. No other feelings. Just okay. Just fine.
But with Rajan? Nabibigyan niya ako ng emosyon na hindi ko mapangalanan. I still need to fight that feelings. Mali, e. Bawal.
Natapos na ang general assembly at nagsimula ng magtayuan ang mga studyante. Bahagya na din naghahati ang liwanag at dilim sa langit. Nang tumingin ako sa orasan sa clock tower ng school ay lagpas alas sais na pala.
"Astrid, come with me." nagulat ako ng hinila nalang ako bigla ni Bree. Napatingin pa ako kay Kaio na nagkibit balikat lang.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Bree na parang nakikipag patintero sa mga studyanteng dumadaan.
"I need to see tito Simon. Kailangan kong sabihin ang ginagawa nila Betina to me.. To you.. I know tito won't tolerate their bitchy atittude." dirediretso pa din siya sa paglalakad. I wonder bakit close si Bree kay Mr. Simon? Ano ang koneksyon nila?
Ang mga titig niya kanina sa akin ay bumalik na naman sa isip ko. I'm still wondering about his weird stares. About his bestfriend who looks like me? Diba iyon ang sabi niya.
Teka, hindi kaya patay na ito? O God! Bakit ba hindi ito mawala sa isip ko?
"Bree," natigil si Bree ng may tumawag sa kanya. Napatingin din ako sa lalaki na medyo bata sa amin. His arrogant and snob looks will make you drool over him. Gulo ang buhok nito. Alam kong matanda kami sa kanya. Pero sa itsura niya? He looks like a hot college boy. Teka, he looks like Mr. Simon!
"Caden.." sagot ni Bree na medyo hingal pa.
"Is your dad still here?" tanong niya. Napatingin si Caden sa akin ay nagtaas ng kilay. Sa huli, bumaling ulit siya kay Bree.
"Nope, Thatia called.. Pinapauwi na daw ni mommy si dad." malamig na salita ni Caden.
Nagulat ako ng tumawa ng malakas si Bree. Halata naman sa mukha ni Caden na nairita siya. "I bet your sister is bullying your dad again."
"tss.. Exactly." tumaas ang sulok ng labi ni Caden at umiling. "Go to go.." paalam niya kay Bree na natatawa lang na tumango.
"Are you okay?" natatawang baling sa akin ni Bree. Tumango lang ako kahit ang totoo ay wala akong maintindihan. Alam kong mayaman si Bree. Pero hindi ko alam na ganito kalaki ang mundo niya.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya sa akin ng pabalik na kami kung saan namin iniwan si Kaio at Rajan.
Nagkibit balikat ako. "Nabibigla lang ako.. Kilala mo pala ang may ari ng school?" tanong ko.
Mahinhin na humagikgik si Bree pero nagpatuloy pa din siya ng lakad. "Ofcourse, tito Simon is my dad's bestfriend."
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ika- lima
Start from the beginning
