"Sorry na po, hindi ko na uulitin." sagot ng babae.

"You shouldn't say sorry to me, say sorry to her." malamig na salita ng lalaki kaya nagtayuan ang balahibo ko. Napatayo ako ng tuwid ng bumaling ang babae sa akin. Nakitaan ko ng matinding iritasyon ang mga mata niya kahit may takot siya sa kausap niya.

Tumitig ako sa kanya. Gustong gusto kong ngumisi o dilian siya pero natatakot ako. Baka sa huli pati ako ay madamay sa kanya.

"Sorry." salita niya. Damang dama ko ang labas sa ilong na sorry niya pero sapat na iyon sa akin. Her bigtime ego pulled her down though.

Mabilis na tumalikod ang babae na halatang napahiya at dinamdama ang nangyari. The people around looked away after.

"Are you alright?" napasinghap ako ng magsalita ang lalaki. Mabilis akong bumaling sa kanya na ikinatigil ko. Now I understand kung bakit ganoon ang itsura ng babae kanina. The man infront of me screaming for authority and power. Though, he looks like a devil sent here to be my angel. At ang gwapo niya. I think he's in his mid 40's? Not sure.

"O-opo.." nauutal na sagot ko. Hindi kasi ako makasalita dahil sa pagkabigla. I've seen good looking people. Pero nakakatulala naman kasi ang lalaki na'to. Para siyang model sa magazine na lumabas at nabuhay.

"Don't let yourself be bullied by them. Okay?" ngumiti siya ng bahagya kahit bahagya din nakakunot ang noo niya. I wonder why that girl so scared with him? Mabait naman siya ah?

"Mr. Silverio, we're going to start." sigaw sa kanya ng isang teacher. Tumango lang siya.

Bumaling ulit siya sakin na kunot ang noo. This time, his stares sent shiver. Titig na titig siya sa akin na tila ba may nakikita siya na hindi niya mapaliwanang.

"You're?" tanong niya bigla.

"Moon Astrid Dela Cruz po." sagot ko na medyo ilang. Nagtataka kasi ako at hindi mawala ang titig niya sa akin. Tumango siya ng bahagya at umiling.

"May problema po ba?" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magtanong. Medyo nawiwirduhan kasi ako sa kanya.

"Wala naman, you just look exactly like my bestfriend. And I find it weird." seryosong salita niya. Sino kaya ang bestfriend niya?

"I need to go, anyway." sagot niya. Halata pa din sa mukha niya na may bumabagabag sa kanya. Tumango ako. Lalakad na sana siya ng biglang dumating sila Bree at tinawag siya.

"Tito, Simon!"sigaw ni Bree. Malaki ang ngiti niya ng lumapit kay Mr. Simon na pormal na humarap sa kanya.

"How's your day?" malamig na salita ni Mr. Simon kay Bree. Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok ni Bree kaya ngumuso ito.

"I need to tell you something.." tila ba nagsusumbong na salita ni Bree. Tinawag ulit si Mr. Simon ng isang school staff kaya nawala ang atensyon niya kay Bree.

"You tell me later princess. I need to go." sagot niya kay Bree.

"Tito Glen's not around?" sagot ni Bree.

"He's abroad." sagot ni Mr. Simon. Napatingin ulit siya sa akin. Gusto kong lumubog dahil tuwing lalapat ang mga mata niya sa akin ay parang sinusuri ang buong mukha ko.

Kumunot ulit ang noo niya at tuluyan ng tumalikod. Nagsimula na ang program. I can't believe na Mr. Simon Aries Silverio na kausap ko kanina ang may-ari ng buong university na ito!

Kahit na maingay si Bree ay hindi ako makasunod sa kanya. Nababagabag kasi ako dahil paulit ulit tumtakbo sa isipin ko ang mga tingin niya sa akin. And he told me na kamukha ko ang bestfriend niya. Who is his bestfriend? Babae ba ito o lalake? Ugh. Bakit ba big deal sa akin iyon? Bakit ayaw nito mawala sa sistema ko? Bakit may parte sa akin ang nabagabag nito?

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now