Isinabit niya ang kamay niya sa braso ko at sinabayan ako maglakad.

"Can't believe what I'm seeing." napahinto kami sa paglalakad ng magparinig ang dalawang babae na nakasalubong namin. Kilala ko sila, sila yung nakaaway ni Bree sa pila dahilan para maging magkaibigan kami.

"Oh, shut your crap, Betina!" nagtaas ng kilay si Bree sa kanila.

Sabay silang tumawa nung babae na kasama niya. "Ano? Bumili ka ng kaibigan? Para mayroon magtiis sa kaartihan mo?" sagot nung Betina na tila ba nang-aasar. Dama ko ang paghigpit ng hawak ni Bree sa braso ko.

"Nope, we are naturally friends.. Hindi kasi siya plastic," ngumisi si Bree at nagtaas ng kilay sa dalawa.

Umiling si Betina. "Maybe she's not plastic," lumapit siya sa akin at hinawakan ang dulo ng buhok ko. Ngumiwi siya at nandidiri itong binitawan. "But she literally smells, plastic."

"Anong sabi mo?" bumitiw sa akin si Bree kaya hinawakan ko siya.

"Stop, Bree. Okay lang ako," tumingin din ako sa dalawang babae sa harap ko. "They are not worth it anyway." sagot ko.

Nakita ko ang paglaki ng mata ng dalawa. "Anong sabi mo?" susugod na sana si Betina. Nagulat ako ng nakawala si Bree sa pagkakahawak ko at sumugod para sampalin si Batina. Oh--no! What to do?

Unang araw ko palang sa klase ay mukhang huli na. Halos lahat ay natigilan para makinood sa away na nagaganap. Nanlaki ang mata ko ng magkabilang nakasabunot ang ex- friends ni Bree sa kanya. Lalakad na sana ako para tulungan siya ng biglang nahawi ang tao.

"Stop it!" isang malakas at nakakatakot na sigaw ang umalingawngaw. Natigil silang tatlo sa pagsasabunutan. Lumabas si Rajan kasama ang tatlo pang lalaki na nasa magkabilang gilid niya. 

"What the fuck, Bree?" hinilot ni Rajan ang bridge ng ilong niya.

"Why me? Sila ang nagsimula! Diba, Astrid?" baling sa akin ni Bree. Nagulat ako ng lahat sila ay sa akin na nakatingin. O lupa, eat me now!

"Ano ang totoo, Moon?" seryoso pero hindi kasing tigas ng boses niya kanina na bumaling sa akin si Rajan. May kung anong binulong ang kasama niya sa kanya na ikinatango lang ni Rajan. Bumaling ang kaibigan niya sa akin at ngumisi.

Lumunok ako ng laway dahil pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko.

"Totoo ang sinabi ni, Bree. S-sila ang nagsimula." sagot ko sabay yuko.

"See? Bahave ako." ngumuso si Bree at inayos ang buhok na nagulo gamit ang daliri.

"You lying bitch!" sigaw ni Betina.

"Shut up, Betina, or I'll send you to the deciplinary office? Gusto mo?" nag-igting ang panga ni Rajan.

"Whatever!" dinampot ni Betina ang bag niya at nagmartsya palayo sa lugar.

"Okay, tapos na ang drama! Pumasok na layong lahat!" sigaw ng kaibigan ni Rajan.

Nakatingin siya sa akin.

"Babe, see this?" mangiyak ngiyak si Bree na lumapit sa kanya kaya nawala ang atensyon niya sa akin. Mabuti naman. Dahil hindi ko alam kung makakahinga ako sa tingin niya sa akin. Besides, Gusto ko siyang iwasan. For the sake of Bree.. Iiwasan ko siya. Hindi ko din alam kung bakit ako iiwas. We're not even close in the first place.

"Uh, errr.. Ayos ka lang?" napalundag ako ng sumulpot sa harap ko ang isang kaibigan ni Rajan. Malaki ang ngiti niya kasabay ng paglabas ng dimples niya.

"Oo," tipid na sagot ko.

Mahina siyang tumawa. "This is awkward," bahagya akong ngumiti at tumango. "Anyway, I'm Lucas Kaio Dela Fuente." naglahad siya ng kamay. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko sa sobrang hiya. Paano naman ay gwapo din siya at parang model katulad ni Rajan. Pero kung ako ang tatanungin? I like Rajan better.

Ugh! Ano naman ngaun? Bakit may like like kapa jan Astrid?

"Dela Fuente?" sagot ko ng mapagtanto na kaapelyido niya si Bree.

"Kapatid ko si, Bree." Tumango ako habang nakatingin pa din sa kanya. Gwapo siya at mabait din. He looks more like tito Luther. I don't know pero instantly, ang gaan ng loob ko sa kanya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kamay niya.

"Lucas!" napabitiw kaming dalawa sa pagkakawak ng kamay ng sumigaw si Rajan.

Humagalpak ng tawa si Lucas sabay kindat sa akin.

Wala na si Bree ng napatingin ako sa gawi ni Rajan.

"Sorry, okay?" tumatawa si Lucas habang nakataas ang dalawang kamay na papalapit kay Rajan.

Sinapok niya ng mahina si Lucas na nagmamadaling umalis sa harap niya.

Lumapit siya sa akin ng madilim ang expresyon ng mukha. "Nasaan si B-bree?" tanong kong kinakabahan.

"Clinic," malamig na sagot niya tsaka ako nilampasan. What did I do? Bakit parang galit siya?

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now