"Mahal na mahal kita, nay." sagot ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"O, siya, Astrid. Gumayak kana at baka tumulo pa iyang sipon mo sa paninda ko." nagsusungit na naman si nanay sa akin kaya natawa nalang ako.

Nang papasok na ako sa kwarto ay napatigil ako dahil nakatayo doon si kuya Anton habang nakahalukipkip. Napalunok pa ako ng magtama ang mga mata namin.

"Kamusta ang school?" bungad sa akin ni kuya.

"A-ayos naman," sagot kong nauutal. Lintik! Bakit ba kasi ako nauutal? At bakit ba madalas na akong kausapin ni kuya Anton? Sanay ako na halos hindi na kami magpansinan. Pero bakit kinakausap na niya ako ng madalas ngaun?

Ngumuso siya habang nakatingin pa din sa akin. Hindi ko lang sigurado kung nagpipigil siyang ngumiti o ano. Tila ba kinapos ako sa hangin sa pagtitig sa kanya. Hindi ko alam kung tense ba ako o natatakot ako sa kanya.

"Naayos mo na ang kailangan mo?" tanong niya ulit. It's just a normal question and we're having a normal conversation pero bakit kinakabahan ako? Ang hataw ng puso ko ay hindi ko mapagtanto kung para saan.

"Ayos na, kuya." sagot ko at sabay iwas ng tingin. Ang mga mata kasi ni kuya Anton ay tila tumatagos hanggang kaluluwa ko. His soulful eyes were intimidating yet very mysterious.

Magkasama kaming lumaki pero hanggang ngaun ay misteryo pa din sa akin si kuya. I don't know much about him. Yung mga simpleng detalye lang ang alam ko sa kanya.

"Are you lying to me, Astrid?" nag-igting ang kanyang panga. Nalaglag ang panga ko hindi lang dahil sa tanong niya. Kundi dahil sa matigas na ingles na pagsasalita niya.

Hindi bobo si kuya. Actually, valedictorian siya nang makagraduate siya ng HS. Ang alam ko ay kumuha siya ng kurso sa public univesrity habang nagtatrabaho. Hindi ko lang alam kung pinag patuloy niya iyon.. Pinigilan kasi siya ni tatay at pinilit tumulong sa amin. Gaya ng sabi ko, wala talaga akong alam sa nangyayari sa kanya.

"B-bakit mo naman nasabi iyan, kuya?" ngaun, literal na napilipit na ang dila ko sa pinaghalong takot at kaba.

"Sinabi sa akin ni, Rosie." sagot niya na diretso pa din ang tingin sa akin. Pumikit ako ng mariin at pinaliguan ng mura si Rosie sa utak ko. Hindi ako palamurang tao pero magmumura ako kapag kinakailangan. At ngaun, gusto kong literal na paliguan ng mura si Rosie.

"Wala na yun. Ayos na lahat kuya." sagot ko. Kumunot ang noo ni kuya Anton at nilaro ang labi niya gamit ang isang kamay. Umiwas ako ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan.

Huminga siya ng malalim at naglabas ng tatlong libong piso galing sa wallet niya. Natigilan ako bigla ng iaabot niya ito sa akin.

"I don't know how much you need. Eto, lang ang meron ako ngaun. Kung kulang pa, just tell. Ako bahala sa kailangan mo." tulala ako habang iniipit ni kuya ang pera sa kamay ko. Halos mapalundag pa ako ng magtama ang mga kamay namin. I'm literally dumb and speechless. What was that?

Aapila pa sana ako pero mabilis ng nakaalis si kuya dala ang backpack niya. Nakaramdam ako ng hiya ng tignan ko ang pera na bigay ni kuya. Dapat ay siya ang gumastos nito. Ibinili na ako ng gamit at uniporme ni Mr. Vera Cruz. Alam kong mas kailangan niya ito.. Ayoko naman din magalit si kuya-- Ay, hamu na nga! Itatabi ko nalang ito.

"Astrid!" salubong sa akin ni Bree. Unang araw kasi ng pasok sa university ngaun kaya madaming studyante ang nagkalat. As usual, there were mean girls everywhere. Nagkibit balikat nalang ako sa bawat pasaring na naririnig ko. Wala naman akong mapapala sa kanila.

"Good morning," bati ko. Humalakhak ng mahinhin si Bree kaya kumunot ang noo ko.

"Masyado ka naman pormal! Haler! We're bestfriends. Loosen up, girl." malawak ang ngiti niya kaya ngumiti ako at umiling.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now