"Is she your friend?" halos mapalundag ako ng magsalitq ulit ang mommy niya. Lahat ng mata ay sa akin nakatingin kaya hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung yuyuko ba ako o babati sa kanila.
"Ah, yes, mom!" naiilang na salita ni Bree. Lumapit siya sa akin at kinaladkad na naman ako.
"M-magandang hapon po.." bati ko na medyo nauutal pa.
"She's Moon Astrid Dela Cruz," ngumiti siya. Napakunot ang noo ko sa titig ng lolo ni Bree at isang lalaki sa kabilang side. Lumunok ako sa takot. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa harap nila. Their aura were very intimadating.
"Astrid," umayos ako ng tayo kahit natatakot ako. "This my mommy Sasha and daddy Luther."
"Hi iha," sagot ng mommy niya na nakangiti. Ngumiti lang din ang daddy niya sa akin.
Hindi ako makangiti o ano. Iba kasi ang naramdam ko sa ngiti ng mommy ni Bree sa akin. May kung anong nag painit sa puso ko sa ngiti niya.
"And this is my lolo John, and that is my tito Eros and his wife, tita Alana." so Eros pala ang pangalan nung isang lalaki.
"Magandang hapon," sagot ng lolo ni Bree at tito Eros niya. Ngumiti ako ng tipid. Pakiramdam ko ay mabubuwal na ako sa takot.
"Have a seat, wag wag kang matakot. You're very much welcome here.." salita ng mommy ni Bree sabay lahad sa akin ng upuan katapat ng tito Eros niya.
Nahihiya akong tumango sa kanya at lumakad sa tabing upuan ng tito niya. Ramdam ko ang nakasunod na mata ng lolo ni Bree sa bawat hakbang ko kaya hindi ako makalakad ng maayos.
"Where's Betina and Claire?" tanong ng daddy ni Bree. Nakayuko lang ako ng bahagya at nakikinig. Ang ibang kasambahay nila ay nagserve na ng mirienda sa amin ni Bree. Mayroon na din kasi silang pagkain.
"They are not my friends anymore, daddy." ngumuso si Bree. Nanliit ang mga mata ng daddy niya at nagkibit balikat.
Tumikhim ang lolo ni Bree kaya ako napaangat ng tingin.
"Why? Maybe you're a harsh friend to them?" malamig na salita ng lolo niya. Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng bibig ni Bree.
"Pa, you're at it again," pagsali ng mommy ni Bree. "Napapahiya siya sa kaibigan niya." pahabol nito. Napatitig ako sa mommy ni Bree. She's pretty and kind.. Mali na naman ang imahinasyon ko sa kanila. No wonder why Bree is very kind too. Mabait ang mga magulang niya.
"Hindi naman po, lolo." dama ko ang panginginig ng boses ni Bree. Kung ako man ang nasa lagay niya? Maiiyak din ako sa lolo niya. Bakit ganyan niya kausapin si Bree?
"Anyway, why are you asking me to hire your friend as our house helper?" sabay baling ng mommy niya sa akin. Ayan na naman sila at lahat ay nakatingin sa akin.
"She can't afford the needs of schooling, mom. I just want to help her." sagot ni Bree na nakayuko pa din.
Tumango ang mommy ni Bree. Nakita ko ang habag sa mga mata niya nang bumaling sa akin.
"Wala ka bang magulang?" tanong ng tito Eros niya.
"Mayroon po, isang tindera po ng kakanin ang nanay ko at tricycle driver naman po ang tatay ko." sagot kong nahihiya.
"Paano ka nakapasok sa LSU?" tanong ng daddy ni Bree. Lumunok ako. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako na kailangan sagutin ang bawat tanong nila.
"Napasa ko po yung exams for scholars." sagot ko. Tumango naman ang daddy niya.
"You're smart then?" malamig na salita ng lolo ni Bree.
Umiling ako. " Tsamba lang po," nahihiya kong sagot.
Nagulat ako ng natawa ang lolo ni Bree. Pati si Bree ay napatingin sa lolo niya na humahalakhak sa sagot ko. May mali ba sa sinabi ko? May nakakatawa ba?
"And very humble too." natatawa pa din siya.
Kumunot ang noo ko ng makita ang pagtataka at pain sa mga ni Bree habang nakatingin sa lolo niya.
"Okay, I wil-" naputol ang sasabihin ng mommy ni Bree ng magsalita ulit ang lolo niya.
"No, I will give her scholarship. Pag aaralin ko siya," kita ko ang gulat sa mga mata ng daddy ni Bree at mommy niya. Walang nagsalita. Nakakabingin katahimikan.
"Pero po," binasag ko ang katahikan dahil nahihiya ako.
"Don't decline my offer, Astrid. I know you need it." sagot ng lolo niya.
Tama, kailangan ko ito pero hindi ko yata kaya na makuha ito ng libre.
"Hindi ko po matatanggap ng walang kapalit."sagot ko. Tumaas ang kilay ng lolo ni Bree habang nakatingin sa kin.
"Okay then, you need to visit here every weekends." titig na titig siya sa akin. "Gusto man malalaglag ng panga ko ay hindi na ito nagawa dahil sa gulat.
"Bakit lolo?" biglang salita ni Bree. Hindi ko alam kung gulat siya o nalilito.
"She'll fix something for me," tumingin ang lolo ni Bree sa akin. "It's that a great deal, Astrid?" puno ng otiridad na salita ng lolo niya. Lumingon ako sa kanila nasa akin pa din ang mga mata.
"Okay po." sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ikatlo
Magsimula sa umpisa
