"Oo." sagot ng matanda.

Bumuntong hininga siya at marahan na naglakad na hindi pa din binibitawan ang kamay ko. Ano ang problema? Kanina lang ay ayos na ayos si Bree, ah? Bakit ganito ang epekto ng lolo niya aa kanya. Nagkwento sa akin si Bree pero hindi naman ganoon kadetalyado kaya hindi ko siya maintindihan.

"Wrong timing naman si , lolo." ngumuso siya.

"Uh, kung gusto mo uuwi nalang ako.." salita ko. Pakiramdam ko kasi ay nahihirapan siya dahil sumabay pa ang lolo niya sa pagpapakilala niya sa akin sa magulang niya.

"No, mommy is waiting for us.. Don't think about it. Ako ang bahala seyo.." ngumiti siya. Hindi katulad ng masayang ngiti niya.

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

"This is my room," napanganga ako ng pumasok kami sa isang kwarto na triple yata ang laki sa bahay namin. Kulay pink ang kwarto niya.. Malinis at maganda. Sa side ay nakaipon sa isang kabinet ang mga magagarang manika. Sa isang side ay may banyong nakabukas at may walk in closet pa. Hinila ako ni Bree sa walk in closet niya na nagpalaglag ng panga ko.

Ang dami niyang damit. Sobrang gaganda at halatang mamahalin. Meron din make-up station sa gilid kung saan puno at kumpleto ang set ng make ups. Sa isang part ng walk in closet niya at isang closet na punong puno ng sari't saring mga sandals at sapatos.

"Sobrang dami," salita ko sa kawalan. Napatawa ng mahina si Bree sa mukhang tangang reaksyon ko.

"Oo, yung iba nga ay hindi ko na nagagamit." Tumingin siya sa akin. Kinilabutan ako. "I think mag ka size tayo, I'll give you some before you go home."

Umiling ako. Ayokong noon. Ang pagtulong sa akin ay sapat na. Kung bibigyan niya pa ako ng mga gamit ay sobra sobra na. Gusto ng utak ko, oo. Pero ayoko. Ayokong sabihin ng pamilya niya na ginagamit ko lang si Bree. Ayokong isipin nila na inaabuso ko ang kabaitan niya sa akin.

"Sige na, you're the sister that I never had.." ngiti niya.

"Wala kang kapatid?" sagot ko. Umiling si Bree.

"Meron, but, he's a guy. I'm one year older than him. I'll tell you the story nalang okay?masyado kasing mahaba."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Lumabas ako ng walk in closet niya para makapagbihis ng maayos si Bree.

"Let's go!" salita niya sabay hila ulit sa akin. Isang floral dress ang suot niya na nagpatingkad ng ganda niya. Halos malaglag na ako sa hagdan sa bilis maglakad ni Bree.

Huminga siya ng malalim."We can make it, okay?" huminga ulit siya ng malalim kaya bahagya akong ngumisi. Halata kasi ang tensyon sa mukha niya.

Lumunok ako ng humampas ang panghapon na hangin sa open two door glass sa may garden nila. Bahagya pang nilipad ng hangin ang kulay green na kurtina nila.

"OMG, lolo's really here." sumimangot si Bree at saglit na huminto sa paglalakad.
Tumingin ako sa tinitignan niya. Isang babaeng maganda ang bahagyang nakangiti habang katabi ang isang lalaki na nakaakbay sa kanya. Sa tapat naman nila ay mid 60's or whatever na lalaki. Sa kabilang side naman ay isa din couple ang magkatabi.

"Ang ganda ng lahi niyo," salita ko sa kawalan. Totoo naman, walang duda kung bakit ang ganda ni Bree. Ang ganda at gwapo ng pamilya niya.

"Shhh, mamaya muna sila purihin," huminga siya ng malim at kumapit ng mahigpit sa kamay ko. "Come." salita niya sabay hila sa akin.

"Hi princess, how was your day?" bati sa kanya nung babae. Bumitiw si Bree sa kamay ko at lumapit sa babaeng bumati sa kanya. 

"It's fine, mommy.." sagot niya. Humalik din siya sa lalaking katabi nito. Sila ang parents ni Bree? Ang ganda at gwapo..

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now