Katulad nalang nitong kaibigan ko na si Rosie. Kung nakikita niyo lang siya ngaun? Parang hindi na siya humihinga.
"B-bakit kuya?" halos magkandautal utal ako. Bakit ba ako nauutal? Hindi din kasi ako sanay na kinakausap ako ni kuya.
Kumunot ang noo ni kuya Anton habang titig na titig sa akin. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa.
"Nasaan si Jigs?" tanong niya sa akin habang kunot pa din ang noo.
"A-ano, nasa tambayan yata?" nauutal na naman ako. Tumaas ng bahagya ang kilay ni kuya sa akin at umangat ng bahagya ang sulok ng kanyang labi kaya napakurap kurap ako. Ngumiti ba si kuya sa akin?
Tinalikuran na niya kami at tuluyan na siyang pumasok sa bahay. Pakiramdam ko ay hindi ako masasanay na kinakausap na ako ni kuya. At hindi ko maintindihan kung bakit kabang kaba ako kapag kausap ko siya.
"Nakita mo? Nginitian ako ni, Anton!" nabalik ako sa realidad ng magsalita si Rosie na katabi ko pa pala. Umiling nalang ako sa kahibangan niya.
"Bahala ka nga jan." tumayo ako para mag-ayos papunta sa unibersidad. Mayroon kaso kaming orientation ngaun. Tsaka, baka mag-back out na ako dahil hindi ko kaya ang gastos. Siguro.. Magiipon muna ako ng pera para magamit ko sa susunod na pasukan.
"Grabe.. Mas minamahal ko si Anton sa pagsusuplado niya." umiling na ako ng tuluyan at tinalikuran si Rosie na tuluyan ng nahibang.
Mabagal at lutang ang lakad ko papuntang auditorium. Bukod sa pilit kong iniisip kung paano ko mabibili ang kailangan ko. Panay pa ang mga parinig ng mga babaeng mean na nakakasalubong ko.
Bakit ba may mga tao na pinganak na sadyang mapanghusga at mapanlait? Bakit hindi nalang nila ipagpasalamat ang buhay na mayroon sila. Sila kaya ang maging mahirap?
"Astrid!" napa-angat ako ng tingin ng tawagin ako ni Bree. Nasa likod niya si Rajan na nakapamulsa habang nakaturok ang mga sa akin. Ikinunot ko ang noo ko at nag- iwas ng tingin.
Bakit ganoon siya makatingin sa akin? Bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa tingin pa lang niya. Hindi ko itatago na may paghanga ako kay Rajan. Pero, may mga bagay na alam mong hindi pwede seyo kaya dapat ay hindi mo na pangarapin.
Una, masyadong mabait si Bree sa akin para magkagusto ako sa boyfriend niya. Pangalawa, masyadong malayo ang antas namin sa buhay. Pangatlo, sadyang may mga bagay na kahit gustuhin mo ay hindi talaga pwede seyo.
"Uh, hi?" parang tangang sagot ko.
Tumingin ako kay Bree na sobrang ayos na ayos ngaun. Mukha siyang barbie na nabuhay. Ang ganda niya talaga. At si Rajan? Bagay na bagay sila.
Naisip ko lang, san ko ba nakuha ang pagkagusto ko kay Rajan? Love at fist sight? Ganon pa man.. Alam ko naman kung saan ilulugar ang sarili ko.
"Para kang ewan, bakit patanong?" ngumiti si Bree. Bumaling siya kay Rajan. "Babe, can you wait for me here? Naiwan ko ang bag ko sa table."
Tumango si Rajan. "Wait lang, Astrid ha?" baling sa akin ni Bree. Tumango lang din ako at naiilang na ngumiti.
Totoo bang nangyayari ito? Kaming dalawa lang ni Rajan ang naiwan na nakatayo dito?
Gumilid si Rajan sa tabi ko kaya pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko. Ang mabango niyang amoy ay bumalot sa hangin na hinihinga ko.
"Since when you became friends with, Bree?" nabasag ang katahimikan ng magsalita si Rajan. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko ay mga mata niyang nakaktitig sa akin. Bakit ganyan siyang makatingin? May problema ba sa mukha ko o ano? Nakakatakot siya at the same time ay maiinlove ka.. Nakakalunod ang expressive niyang mga mata. Yung tila ba gusto mo na titigan ka nalang niya hanggang sa malusaw ka.
"Uh, kahapon lang." tipid na sagot ko.
"Uhuh," dinilaan ni Rajan ang labi niya kaya nabasa ang pulang labi niya. Lumunok ako ng ngumisi siya sa akin. Jusko! Halata ba masyado na napatitig ako sa kanya?
"I haven't introduce myself to you properly, so.. I'm Rajan Duke Esquivel.." inilahad niya ang kamay niya. Ilang segundo akong nakatingin doon ng bahagya siyang tumikhim. Napasinghap ako at mabilis na inabot ang kamay ko sa kanya.
Napabitiw ako agad ng gumapang ang kuryente sa katawan ko. Humataw ng husto ang tibok ng puso ko. Ang lambot lambot ng kamay niya. Tila ba wala siyang ginagawa at hindi ito nadungisan ni minsan.
"Ako si Astrid--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.
"Yeah, I heard. Moon Astrid G. Dela Cruz.." bigkas niya. Bahagyang nanalaki ang mga mata ko. Kabisado niya pati ang middle initial ko? Sa itsura niya kasi ay parang hindi niya manlang niya bibigyan ng pansin ang isang hamak na katulad ko. Kung titignan mo si Bree? Hinding hindi kana maghahanap pa ng iba.
"But I prefer to call you, Moon." bumuntong hininga siya ng mamataan si Bree na padating na. "Can I?" tanong ulit niya.
Bakit siya ganito? Bakit siya nagtatanong ng ganyan sa akin? Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nagsalita.
"Sorry.. Nainip ba kayo?" tumawa si Bree. "Ikaw babe ha! Baka inaway mo si Astrid.." malambing na salita niya. Napaiwas na ako ng tingin kay Rajan. Hindi ba siya natatakot na mahuli ni Bree na nakatingin sa akin? Sa tingin at binitawan salita niya ay gusto kong maihi.
Sa huli, nagkibit balikat lang si Rajan.
"Alis na ako." salita ni Rajan sabay talikod sa amin. Mabuti naman.. Hindi kasi ako makahinga kapag nasa harap ko siya. At pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Bree kahit wala naman akong ginagawang masama.
"Bakit hindi kana tutuloy?" maktol ni Bree ng sinabi ko na baka hindi ko na kuhanin ang spot ko bilang scholar.
"Kailangan ko ba talaga ulitin kung bakit?" sagot ko sa kanya. Alam naman na niya kung bakit hindi ko itutuloy nagtatanong pa.. Ulit ulit lang?
Humalakhak ng mahinhin si Bree. "You're so grumpy.. Chill.." humawak siya sa ilalim ng baba niya at tila ba nag-iisip.
Naisip ko lang na swerte ko pala dahil nakilala ko si Bree. Masasabi ko na minsan sa buhay ko ay nagkaron ako ng kaibigan na mayaman at maganda.. Yung minsan ay hindi ka hinamak at hinusgahan dahil sa hamak na mahirap ka.
Napag alaman ko din na mas matanda pala si Rajan sa amin. Third year civil engineering student. I've heard na nangunguna siya sa klase. Ayon kay Bree, magkaibigan daw ang mommy niya at mommy ni Rajan.
"Alam ko na!" nawala ang pag-iisip ko kay Rajan ng biglang nagsalita si Bree. Dinukot niya ang cellphone niya sa bag niya at may tinawagan.
"Hello, mommy!" masayang bati ni Bree.
"Diba we need another helper sa house?" tumingin siya sa akin at kumindat." Yes, she's my friend.. She badly need the job.."
Patuloy ang salita niya habang ako ay titig na titig sa kanya.
"Okay, thanks mommy.. I love you.." sabay baba ni Bree sa tawag.
"OMG! Nakahanap na ako ng solution sa prob mo," hinila ako ni Bree kaya napatayo ako.
Saan na naman ako kakaladkarin ng babae na'to?
"Teka Bree," pigil ko sa kanya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa bahay.. Ipapakilala kita kay mommy Sasha."
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
ikalawa
Start from the beginning
