ngumuso ako at bahagyang nag-isip.

" Panu mo nalaman ang number ko..' backspace uli.. malamang kay Anna.. at ako rin ang sumagot sa tanong ko sa kanya.

Nag-isip akong muli.. hindi na ako mapakali habang hawak hawak ko ang aking cellphone.. eh kung tawagan ko nalang kaya?

Hindi pwede.. ano to ako ang magfifirst move sa kanya. swerte nya..

at muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone ng magvibrate ito at rumihistro ang numerong gamit ni rafael sa caller ID.

tumitirik ang aking mga mata habang nagtatalon talon muli sa ibabaw ng aking kama.

"Oh me ged!!! tumatawag siya!!"

umabot siguro ng ilang minuto akong naghehesterical sa pagtatalon. nang silipin ko ang cellphone ko'y wala na ang tawag ni Rafael.

tumunog itong muli..isang text message.

" Ang daya mo, nakatulog kana...samantalang ako iniisip pa kita... Sige na nga, di na kita kukulitin. Good night.. sana mapanagipan mo ako kagaya ng pagpapanaginip ko sayo." sumunod ay isang emoticon na puso.

Hindi ko alam kong maiinis ako o anu sakin sarili.

hindi ko man lang nasagot yung tawag. 

tapos matutulog na siya pero wala pa rin akong reply.

dali dali kong denial ang number ni rafael. 

"And if you want love

We'll make it

Swim in a deep sea

Of blankets

Take all your big plans

And break 'em

This is bound to be a while"

nilalaro ng aking daliri ang aking labi. lumalakas rin ang dagundong ng aking puso.

Sagutin muna dali!!

"Your body Is a wonderland

Your body is a wonder (I'll use my hands)

Your body Is a wonderland"

Natigil ang tugtog ng ringback, kasunod ng pagtigil rin ng pintig ng aking puso.

kinalimutan ko ang lahat ng parte ng katawan merun ako..

ang sense of smell, sense of touch, at kung ano  anu pang senses na yan ay tila nawala..

nililipad ang aking kaluluwa ng mga paru-paro sakin tyan..

"Hello sino to?" 

tila nabitawan ako ng mga nilalang na nagpapalipad sakin at lumagapak ako sa lupa't naghiwa hiwalay ang parte ng aking katawan.

Hindi ako sumagot at hinayaang ko lang magsalita ang babae sa kabilang linya.

" Honey may tumatawag sa phone mo?" 

"Sino?" confirmed.

boses nga ni rafael yun.

" Walang pangalan na nakalagay eh." sandaling nawala ang mga tinig.

hindi ako nagsasalita.

ayokong magsalita. dahil sa oras na bumuka ang aking bibig, hahalahaw ang bigong damdamin sakin mga salita.

The One that got away.....Where stories live. Discover now