Chapter 12 - Kakampi

2.3K 89 9
                                    

"... Nga po pala..." sabi ko habang kami'y kumakain.


"Tungkol po kay Darius." pagpapatuloy ko.


"Hm? Oo nga no, ano na nangyari?" tanong niya.


"Sinunod ko po lahat ng mga tinuro niyo sa akin... at tsaka... pinatatawag po kayo sa school bukas." sabi ko naman.


"Ahh... sa bagay, away naman yun. Sige, kaso hanggang tanghali lang ako, may trabaho ako sa hapon. Pero mga seven nandito na ako, at may iuuwi akong pagkain para 'di ka na magluto." paliwanag niya't tumango ako bilang pagsang-ayon.


"Siguro naman po. Baka bukas bago po mag-recess. Sa pagkakatanda ko." bigkas ko naman.


"Sige. Baka rin naman i-contact nalang ako." paliwanag niya't nagpatuloy kami sa pagkain namin ng hapunan.


Natapos ang araw at ako'y nasa kama na, handang matulog, "... Nay... 'tay... promise po yun ah. Bibigyan ko kayo ng hustisya. Kahit isama pa ako na ibaon sa lupa't mamatay. Okay lang po. Hanggang sa makita kong tapos na ang paghihirap ninyo dahil sa kanilang ginawang pagpatay sa mga kabayan natin..." bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa mabituwin na kalangitan.


Sumunod na araw...


"P-papatawag magulang niyo!?" sigaw na tanong ni Mae.


"Oo. Malamang, kasi diba nga nag-away kami... kahit siya naman talaga ang nanguna." sabi ko.


"Eh bakit ba naman kasi lumaban ka... dapat nagsumbong ka nalang." reklamo ni Ali.


"Gusto ko magbigay ng hustisya." sagot kong deretso.


"Pero seryoso ah... nag-aalala talaga ako..." sabi ni Rafael.


"Wag ka na mag-alala. Mag-uusap lang naman..." paliwanag ko.


"Eh kahit na... makapangyarihan tatay ni Darius." paliwanag naman ni Mae.


"Alam ko... at sana makita ko siya... may ibabalik pa ako." sabi ko naman.


Ipinatawag ako muli sa guidance office kasama si Darius, "Okay. So ganito ang mangyayari ha. Matapos ko silang kausapin, gusto kong magpatawad kayo sa isa't isa dahil sa gulo na nangyari kahapon." bigkas ng punong-guro.


"Opo." sagot namin at nakita kong nakayuko pa rin si Darius habang siya'y sumagot.


Bumalik na kami sa classroom para ipagpatuloy ang pag-aaral.


(Gab's POV)


Nakarating na ako sa eskuwelahan ni Calvin at nagtungo na ako sa principal's office, mukhang ako ang unang nakarating.


"Hi po. Kayo po ang... pinsan ni Calvin?" tanong ng isang guro.


Carl to Calvin [COMPLETE]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin