Chapter 46 - Pagbagsak

860 40 2
                                    

  "You say you are a leader, yet your definitions does not match who you really are." agad kong patama at maraming mga mata ang nakatititg sa akin.


Ilang segundong mga titig at mga pabulong ang nagkumpol-kumpol at aking narinig hanggang sa tumayo si Eiva at pumunta sa mic, "Ano naman ang gusto mong iparating?" tanong ni Eiva.


"Alam mo ba kung papaano ko nakuha ang aking sugat sa paa? At kung bakit ako naririto sa estado ko ngayon?" tanong ko sa kanya gamit ang mikropono.


Hindi siya sumagot kaya ipinagpatuloy ko ang aking pakay sa pagsasalita.


"Mga araw ng nakaraan pa ang nangyari, ngunit gusto kong itanong ngayon na. Bakit hindi mo na lamang aminin sa aming lahat na nandaya ka sa mga katanungang ibinabato sa'yo at sa inyong party ngayon?" tanong ko.


"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, Calvin?" tanong niya.


"Oh come ON, EIVA!" sigaw ko.


"I wasn't born yesterday for ef's sake! Hindi ako tanga." deklara ko.


"Alam ko kung bakit mo ginawa yun? Kasi mahina ka." nang aking sinabi ito ay unti-unti kong naramdaman ang pagtama sa kanya ng aking mga salita.


"Kasi duwag ka. Natatakot ka na aminin ang katotohanan kasi walang makakakilala ng pagkatao mo. Wala ka nang kaibigan na lilingkod o kaya sasama sa iyong mga natitirang mga araw. Lahat sila... iiwanan ka na." bigkas ko.


"Hindi... mana-... manahimik ka!" sigaw niya pabalik.


"Oh now you're breaking down? That's something new. I thought that the president should be someone who's strong... not affected by some 'things' such as these. Someone confident enough to stand up to those who threat her... even up until death." nang aking ibinigkas ito ay nakita ko ang mga guro na paakyat na sa entablado.


Ngunit agad ko naman silang binigyan ng isang titig at napatigil ko sila sa kanilang mga puwesto.


"Eiva... tatandaan mo na ang tao, lahat tayo ay mahina. Mas nakasasakit ang mga bigkas hindi ba? Pasalamat ka at may respeto ako sa mga taong walang kinalaman sa aking buhay. Ngunit sa iyong kaso, may mga bagay na dapat hindi palipasin talaga." pag-aamin ko.


Nakita ko siyang napaluhod habang tinatankpan ang kanyang tenga.


Kinuha ko ang mic at itinapat sa aking bibig at sinabi, "Tandaan mo 'to... hindi ako isang tao na may nararamdamang awa at pasensya. Wala akong nararamdaman kundi galit sa mga taong katulad mo." at nang matapos ko itong sabihin ay ibinalik ko ang mic at sinabi, "Let this be a lesson to all. Thank you." at agad na pumunta na sa entablado ang mga guro para dalhin si Eiva sa clinic.


"Mag... babayad ka." Nakita ko ang luhaan na mga mata ni Eiva at binigyan ko siya ng isang matagumpay na ngisi.


Sunod naman na hinila ako ni Harry pabalik sa aming party, "Tama na, Calvin." bigkas niya.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now