Chapter 2 - Ibalik

5K 199 8
                                    

"Carl? Ano apelyido mo?" tanong ng lalake sa akin.


Ngunit ginalaw ko lamang ang aking ulo sa hindi pagsang-ayon nito dahil sa hindi ko alam ang aking apelyido, hindi ko na maalala.


"Ahh... nakalimutan mo...?" tanong niya't sunod niyang tiningnan ang aking ulo.


"... Mga magulang mo?" tanong niya.


Napayuko ako't napatitig sa aking mga paa, "... Aksidente..." sagot ko.


Napatahimik siya't sunod na bumungad ang hangin, "... Gusto kitang tulungan kaso-" pinutol ko ang kanyang pananalita ng ako'y tumayo, "Alis... ako." tugon ko't kinuha ko kaagad ang kariton kasama ang papel.


"... Salamat." bigkas ko't naglakad na paalis bago pa ako patuloy na magbigay ng abala sa kanya.


Higit na ang pagbibigay niya ng gamot sa aking tuhod lalo na sa pagpapakain sa akin.


Nagpatuloy ang paglalakbay ko sa walang patutunguhan, kung saan man ako dadalhin ng tadhana, tatanggapin ko na lamang ito.


Buong hapon ako naglakad ng naglakad hanggang sa nakakuha ako ng matutuluyan sa gabi. Tahimik naman kahit papaano, at iilan lang din ang mga tao na nandirito.


Kumagat ang gabi, tiniis ko ang pagpapatuloy ng aking gutom.


Sinubukan kong itulog na lamang ito kaya inilatag ko na ang kariton at humiga rito bago ko ipikit ang aking mga mata.


"... Pst! Bata!" Mga sinag ng ilaw ang bumubungad at nang-iistorbo sa aking pagtulog. Pag-upo ko, "Bawal matulog dito, dun ka sa ibang lugar matulog." bigkas ng lalakeng may hawak na ilaw.


Agad akong tumayo ay kinuha ang kariton at tsaka umalis, sobrang dilim na, hindi ko alam kung anong oras ng gabi ito...


Sa aking paglalakbay, nakakita ako ng isang pamilyar na tindahan at nang lumapit pa ako rito ay natandaan ko kaagad ito, ang pinuntahan ko kaninang tanghali at nakilala ang malaking lalake na nag-gamot at nagpakain sa akin.


Wala nang tao sa paligid, kahit mga sasakyan wala nang dumadaan, "Sir, kailangan niyo po magbayad." isang salita na narinig ko mula sa loob at pagsulyap ko sa salamin ay nakita ko ang isang lalake na makapal ang suot at natatakpan ang bahagya ng kanynag mukha.


Nakita ko ang mga nakatagong mga pagkain sa likod na bulsa ng pantalon ng lalake.


Ramdam ko ang pagtangkang pagtakas niya at sumulyap sa aking mga mata ang mga mata ng malaking lalake. Agad naman na tumakbo ang lalake patungo sa pinto.


Binilisan ko ang aking kilos at saktong paglabas niya ay ipinalibot ko ang aking kamay sa kanyang paa't yinakap ito, "Ha-!? Bata ano ba!?" sigaw niya sa akin at nakaramdam ako ng matinding sakit ng ako'y kanyang sinipa.


Ngunit ng ako'y nawala sa kanyang paa ay agad siyang nahuli ng malaking lalake at idinapa siya sa sahig habang nasa likod ang kanyang mga kamay. Nasa aking paningin ang malaking lalake na nasa ibabaw nung magnanakaw habang may kausap sa kanyang hawak.


Ilang saglit lamang ay may ilang mga lalake na magkasing-suot ang nagpunta't kinuha ang magnanakaw.


Napatayo na ako't agad na nagtagpo ang mga mata namin muli, "... Carl... tama?" tanong niya't tumango ako.


Sunod kong nakita ang kanyang malambot na ngiti't sinabi, "Salamat." sabi niya at lumuhod sa aking harapan, "Sinipa ka nung lalake. Okay ka lang?" tanong niya't tumango ako muli.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now