Chapter 3 - Umaga

4.4K 168 1
                                    

(Gab's POV)


Tahimik si Carl, para bang napakakaonti ng mga emosyon na kanyang ipinapakita sa akin, kaysa sa nung kaninang tanghali na siya'y umiyak dahil sa takot na naidulot ng paghuli ko sa kanya.


Hindi ko alam kung ano pa ang nakaraan niya, pero sa ngayon, ang alam ko lang isang malala na trahedya ang kanyang naranasan sa ganitong kabatang edad, mga wala pang sampung-taong gulang si Carl panigurado ko.


Ang magagawa ko nalang ngayong gabi ay mailagay siya sa aking yakap. 


Kinaumagahan...


Sa tirik ng araw ako'y unti unting nagising, ngunit sa unang kapa ko pa lamang, halatang may kulang sa aking kama. Pagdilat ko ay wala si Carl sa aking tabi. 


Agad akong napatayo't tumingin sa paligid.


"Carl?" tawag ko ngunit walang sumagot.


"Carl!" sigaw kong tawag muli't nagsimulang maghanap matapos kong umalis mula sa kama.


Pumunta ako sa banyo, ngunit wala siya, sa kusina, wala rin. Nagtungo ako sa garden at tsaka ko siya nakita na naka-upo sa damo habang inaaliw ang isang pusa.


"Carl..." tawag ko't naglakad tungo sa kanya.


"Sana naman ginising mo 'ko. Kanina ka pa rito?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.


Nagresponde siya sa pamamagitan ng kanyang ulo na tumango sabay lingon sa akin at muling binalik ang titig sa pusa.


"Oh sige. Magluluto lang ako ng almusal ah. At tsaka... may kakausapin tayo mamaya kaya mas pagkatapos mong kumain maligo ka na kaagad." utos ko sa kanya't bumalik na ako sa loob ng hindi pa naghintay para sa kanyang tugon.


Nagsimula na akong magluto ng almusal habang nasa paningin ko siya mula sa bintana ng kusina na madaling masusulyapan ang garden.


Habang nasa gitna ako ng pagluluto ko ay napansin kong kanina pa inaaliw ni Carl ang pusa, sa tingin ko parang isang paraan na yun para maaliw niya rin ang kanyang sarili, pero nais kong turuan siya ng mga bagay-bagay kaya naman muli akong lumabas at nagtungo sa kanya muli.


"Carl. Turuan kita magdilig ng mga halaman." sabi ko.


"... Oli." tugon niya.


"... O-oli?" tanong ko naman.


"Pusa... Oli." tugon niya pabalik muli.


"A-ahh! So- pinangalanan mo na pala siya. Buti naman madali kayong nagkakasundo." komento ko naman at kinuha na ang garden hose at sinabi, "Tara, turuan kita diligan mga halaman." sabi ko.


Nakita ko siyang tumayo at ang pusa ay nasa kanyang balikat, may kaliitan ito, pero hindi siya kuting sure. Tumango si Carl at nagtungo sa akin.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now