Chapter 32 - Tahanan

1.2K 47 0
                                    

"... Darius." tugon ko.


Nagtagpo ang aming mga mata hanggang sa umupo siya sa isa pang-duyan at tinanong, "Ano ginagawa mo rito?"


"Dapat ako nga magsasabi niyang tanong na yan sa'yo eh." tugon ko.


"Ah- ano... may... nangyari lang." sagot niya.


"Nag-away nanaman kayo ng tatay mo?" tanong ko.


Bumuntonghininga siya't itinigil ang pag-duyan at sinabi, "Ano pa ba ang meron sa akin kung hindi yun? Akala ko naman at least magbago man siya isang gabi, tagal kong umasa sa isang masayang pamilya... yung kahit isang gabi bawat buwan eh nasa sala lang kayo... nanonood ng pelikula." paliwanag niya.


Dineretso ko ang tingin niya habang nakatingin siya sa lupa, "Buti nga ikaw may sarili ka pang pamilya, ako hindi naman ako ang totoong anak ni tatay Kalvi. Ikaw may totoong mga buhay na magulang ka pa." reklamo ko.


"So dapat wag mo sabihin sa akin 'yan. Kasi kapag sinabi ko yung mga bagay na 'to... magmumukha akong hipokrito sa'yo. Na... dapat pakisamahan mo ang mga magulang mo, mamuhay kayo ng payapa... eh wala naman sa mga yun ang nangyari sa akin." paliwanag ko.


Tumawa ng marahan si Darius at sinabi, "Korny mo rin minsan eh no?" biro niyang tanong at tumayo.


"Pero... bakit ba napakadaya ng mundong ito? Para bang... itiniadhana tayong bigyan ng karma ng wala namang dahilan." reklamo niya't umupo muli.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Ayokong sabihin sa'yo 'to noon pero siguro mas maganda na ngayon na. Ang sinasabi lagi ng mga magulang ko ay magdasal... na iligtas kaming lahat sa panganib. Puno ng pananampalataya, pag-asa, at panalangin sa Panginoon. Pero ang sagot Niya... kamatayan ng lahat." tugon ko't ramdam ko ang kanyang gulat sa akin.


Tumayo ako't ipinagpatuloy, "Sa iniisip mo siguro ngayon, iksabihin ba hindi ako naniniwala sa Panginoon? Naniniwala naman ako... kaso hindi lahat ng dasal mo ay Kanyang sasagutin. Katulad ng akin, lahat ng idinasal kong pagliligtas sa lahat hindi sinagot ng Panginoon- ang ipinalit Niya isang bagong buhay para sa akin. Napakadaya kung iisipin. Lahat kami nagdadasal para sa sarili naming kinabukasan. Pero ang resulta kamatayan." komento ko sa dulo.


Humakbang pa ako ng ilang tapak at ipinagpatuloy, "Sa katotohanan, isang elusyon lahat ng nakikita natin. Lahat ng ito gawa-gawa lamang ng mga mata't utak natin, at nagiging alipin ang mga puso natin sa mga paniniwala natin ayon sa mga karanasan ng ating buhay. Walang tinatawag na 'pagbabago', dahil hindi nagbabago ang tao... bumubunga sila... 'they grow' eka nga. Ang isang puno ng saging, hindi kayang magbago at maging puno ng atis. Parang tao lang naman. Hindi naman talaga tayo nagbabago, nag-i-iba lamang ang tungo natin sa buhay, kaya sa katotohanan, tayo pa rin 'to kahit na anong tingin mo." paliwanag ko.


"... Teka, saan naman galing 'yang mga sinasabi mo?" tanong ni Darius, "I mean- oo. Naiintindihan kita pero... bakit?" tanong niyang dugtong.


"Ang ipinapatunguhan ko ay hindi magbabago ang tatay mo, Darius. Kailangan mo 'tong tanggapin. Kapag natanggap mo na ito, tsaka mo makikita ang pagbunga ng kanyang kalooban at baka sakali... tumungo siya sa ibang daan para maging isang mabuting tao." paliwanag ko.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now