Chapter 27 - E.I.J.S.C

1.3K 49 1
                                    

Ikalawang linggo ng February at naisipan namin magdiwang mamaya kasama si Lance para sa kanyang entrance exam at kumain kasama siya pagkatapos ng aming klase.


"Calvin." bungad ni Rafael, buti nalang magaling na yung boses niya.


"Mamaya ah. Sa IHaus daw ulit tayo pagkatapos ng kanyang entrance exam manlilibre raw si Lance." dagdag niya.


"Sige." pagsang-ayon ko't nanguna na siya tungo sa kanyang classroom.


Pagdating ko sa aking upuan agad akong nilapitan ni Darius, "Morning." bungad niya at bumungad din naman ako pabalik.


"Nakakita ako ng flyer ng student council. Meron din sign-up sheets." dagdag niya.


"Oh eh ano naman meron?" tanong ko.


Bumuntong-hininga si Darius at sinabi, "Sayang yun, sali ka." tugon niya.


"Ayoko." sagot ko.


"Marami kaya ang may gusto na sumali ka." reklamo niya pabalik.


"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko.


(Flashback - Darius' POV)


Paglagpas ko ng gate ay bumungad sa akin ang dalawang babae na nagkukuwentuhan sa harapan ng billboard kung saan may iba't ibang posters ukol sa eventpractice sessions, at marami pang iba ang nakalagay.


"Oo. Dinig ko nga napa-tigil niya yung nambubully na third year ng first year eh." komento ng babae.


"Ano ka ba, last year na yun. Balita ko nasabihan niya pa nga yung coach dahil sa overtime nila sa paggamit ng gym." komento ng isa pang babae.


"Ano ba pangalan niya?" tanong ng babae muli.


"Ewan ko ba. Pero cute raw siya, kaso first year nga lang." dinig ko mula sa isa't napalingon sila sa akin at agad kong iniwas ang aking tingin.


Muling sulyap ko ay nakita ko silang umaalis na sa lugar.


Tumungo naman ako sa billboard para tingnan ang mga i-ilang announcement o event. Nakita ko rito ang poster ng mga events na magaganap sa February 14. Pero may isa pang poster na nakakuha ng aking atensyon.


 Pero may isa pang poster na nakakuha ng aking atensyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"... Student Council..." bulong ko sa aking sarili. Halata naman sa sinabi ng dalawang babae ay si Calvin, naaalala ko yung mga kwento nila sa akin katulad nung sinabi ng dalawang babae kanina lamang.


Parang fitting nga na maging parte ng student council si Calvin.


Napa-isip ako sa harapan ng board at ilang saglit ay bumungad sa akin ang isa sa mga kaklase ko na si Clyde, "Hm? Darius." bungad niya sa akin.


Carl to Calvin [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon