Chapter 30 - Katunayan

1.2K 51 1
                                    

"Darius... kausapin mo 'ko. Ano ba ginawa niya sa'yo?" tanong ko habang kami'y naglalakad at sinusundan ko lamang siya, pinipilit ko na ako'y kanyang kausapin.


"Wala nga. Paki-usap naman, Calvin-!" Sinakto ko ang kanyang paglingon sa akin at hinila ko ang kanyang kuwelyo't hinila siya at tsaka ko ipinagtagpo ang aming mga labi.


Nagtagal ito ng ilang segundo hanggang sa itinulak ko siya. Binigyan ko siya ng nag-aalala kong titig at sinabi, "... Please... gusto kong malaman ang totoong nangyari." tugon ko.


"Um- Calvin..." iniwas niya ang tingin niya't nakita ko ang namumula niyang mga mata.


"Hm?" Napatingin ako sa kanyang pagturo sa aking likod.


Lumingon naman ako't nakita ko ang mga nagtatagong kaibigan namin sa likod ng puno, "Kaya ayokong naglalaro tayo ng taguan eh." komento ko, "Lumabas na kayo." bungad ko't nagpakita na sila sa akin.


Nang sila'y lumapit sa akin, nakita ko ang kanilang mga nag-aalalang mga mukha at tsaka ako lumingon muli kay Darius, "Hindi lang naman kasi ako yung nag-aalala." paliwanag ko.


Bumuntong-hininga si Darius at nagpaliwanag, "Si dad, siya ang nangyari. May isa siyang utos sa akin... yun ang siraan ka, Calvin." tugon niya.


"Siraan?" tanong ko.


"Inutusan niya akong kaibiganin kita para malaman ang lahat ng meron sa'yo ngayon. Hindi mo alam pero gusto kang patayin ng tatay ko. Wala siyang pakawawalan na ligtas mula sa bundok Ganahao, dahil alam niyang gaganti ka. Nagbigay siya ng dalawang taon para sa utos na yun sa akin, pero... hindi ko naman talaga siya sinunod." paliwanag niya.


"T-teka, bundok Ganahao? Tatay ni Darius? Ano ba 'to?" tanong ni Rafael.


Bumuntong-hininga ako't sinabi, "Hindi naman talaga ako anak ni tatay Kalvi, ampon lang ako. Alam niyo naman siguro yung sunog sa bundok Ganahao diba?" tanong ko.


"Oo, sabi sa news ang nagsimula raw ng sunog ay forest fire." tugon ni Mae.


"Tama, pero ang katotohanan, may mga manggagawawa si Endino, ang tatay ni Darius, ginawa niya kaming mga alipin para sa ilegal na droga, ukol sa kayamanan niya. Tatay ko ang nagsimula ng rebelde, at syempre, ako ang naiwan nung nagtangka naming tumakas ng pamilya ko. Lahat ng tiga-bundok... patay." kwento ko.


"... So... ano ang... totoo mong pangalan?" tanong ni Hans.


"Carl. Carl Concepcion. Iba ang trato sa mga bata sa bundok, pero kapag wala kami sa trabaho, ine-ensayo kami ng tatay ko para rumebelde, maging mga espiya." paliwanag ko.


"S-spy...?" tanong ni Ali.


"Tama. Kaya nang malaman niya na buhay ako, obvious lang na gusto niya akong patayin." tugon ko.


Napayuko naman silang lahat pati na rin si Darius, "Alam kong agad-agad ko 'tong sinabi at hindi ko nasabi noon pa pero... para sa ikabubuti niyo lang din naman. Ayokong mapahamak kayo sa problema ko sa nakaraan. Hindi niyo kilala si Carl, si Calvin lang ang kilala niyo." paliwanag ko.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now