Chapter 26 - Rafael

1.2K 50 4
                                    

"Ano ba meron dun sa lalake na yun? Paano mo siya nakilala?" tanong ni Ali.


"Hm? Ah, kasi nung isang araw kinakailangan ko talaga ng barya para sa jeep papunta sa school galing palengke, tapos nilibre niya lang ako. Eh syempre nilibre ko siya pabalik ng fishball pagbaba namin, since malapit na rin naman in between yung school nila sa school natin." paliwanag ni Mae.


"Mnh..." Meron kaming narining na malakas na pag-urong mula sa sala at agad naming nasulyapan si Rafael na bumangon.


Agad naman akong pumunta at inalalayan siya, "Oh teka lang." paalala ko.


"So-" naputol ang kanyang pangungusap at agad siyang umubo.


"Ito oh. Gamitin mo." tugon ko sabay labas ng aking phone.


"Lance paki-abot yung gamot niya." utos ko't agad namang sumunod si Lance.


Ipinahiram ko ang phone ko kay Rafael at sunod niyang tinype ang nais niyang sabihin:


"Sorry talaga, guys. Naabala ko pa kayo. Kahit pagkatapos niyo nalang kumain okay na. Itutulog ko nalang din naman na ito." 


Ang pagbasa ko sa kanyang tinype.


"Ano ka ba? Syempre hindi ka namin iiwan. Dito lang kami hanggang sa bumalik ang mga magulang mo." deklara ni Ali.


"Oo nga. At tsaka may kailangan kang malaman tungkol sa nangyari sa'yo." tugon ko naman.


"Pero mamaya na yun paggising mo." dagdag ko't tinulungan namin ni Lance si Rafael sa pag-inom ng kanyang gamot at pinahiga na siya.


Matapos namin siyang pahigain ay ipinagpatuloy na namin ang aming almusal.


Ilang mga minuto habang naglilinis si Hans ng aming pinagkainan, ang iba ay nasa sala inaasikasong alagaan si Rafael habang ako ay inaatupag ang isang papel para ibigay ang mga kinakailangan kong clue para malaman tinatawag na si Reyes.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Hm? Ano yan?" tanong ni Lance ng ako'y nasa sala pa rin, nakatutok sa papel.


"Ah. Mga klabe or clue na alam natin so far. Ang sabi kasi sa akin nung tiga-Arkila ay 'Reyes' ang pangalan ng boss niya. Ang meaning ng Reyes sa English ay king o kings, pwede rin royalty o royalties, so iksabihin, pwedeng affiliated or sadyang makapangyariahn ang kanyang boss. Halata naman sa lalake na yun na kilala niya talaga ang totoong pangalan ng boss niya, imposibleng hindi. At tsaka hula ko na tiga-Arkila High din ang boss niya, malay natin principal, guro, o kaya naman ka-school? Pero ang pinakamalaking problema natin ngayon... bakit? Bakit si Rafael ang target nila?" paliwanag ko.

Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now