Chapter 50 - Kasunduan

1K 44 0
                                    

(Gab's POV)


Sa aking paggising, nakikita ko ang aking sarili na nakatali ang aking mga kamay sa likod ng upuan pati na rin ang aking mga paa.


"Gabriel Reid. Asawa ni Erilia Reid, malaking kawalan ang iyong idinanas. Ngunit ang inyong karapat-dapat na anak... ngayon ay itinuturing si 'Carl' o mas kilala bilang... Calvin Reid, tama ba?" tanong ng lalake sa akin.


"Wala akong sasagutin mula sa'yo--" naputol ang aking reklamo ng nakatanggap ako ng malakas na suntok mula sa kanya deretso sa akin mukha na nagdulot ng sakit.


"Sabihin mo sa akin, sino ang boss mo!? Sino ang nagbayad sa'yo para gawin ito?!" tanong ko naman.


"That should be enough interrogation of the recruits." isang pamilyar na boses ang bumungad sa aking pandinig.


"'Cuz I'll be the one answering your questions. In exchange, you'll answer mine." ang panimulang bungad ng makita ko ang pagmumukha ng isang lalake.


"Endino..." banggit ko.


"Katagalan din ng muli tayong nagkita, Gabriel." banggit niya.


"Hindi na rin naman na ako gulat na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito." bigkas ko.


"Bingo! But that should be obvious by now. Lahat ng taong tiga-bundok, hindi ko hahayaang mabuhay ng mapayapa, tandaan mo 'yan. Pero ngayon at nalaman 'kong sadyang matigas ang ulo ng isang nagmula sa Concepcion, he will die by my own hands." deklara niya.


(Calvin's POV)


Naka-uwi na ako sa aming bahay, ngunit walang senyales na nandirito si kuya Gab. Kahit sa aking mga pagtawag, "Kuya Gab!" at aking paghahanap ay hindi ko siya nakita.


Pagdating ko sa kanyang kwarto halos walang nagbago nung huli akong naririto. Alam kong may imbestigasyon siyang ginagawa pero hindi ko naman akalain na ganun katagal ang kanyang mararating. Malapit nang maghating gabi.


Hindi rin siya sumasagot sa aking mga tawag at text, siguro nakapatay ito. Kinabukasan ang dumating ngunit wala pa rin siya sa kanyang kwarto, kahit sa buong bahay.


Nagsisimula na akong magtaka at mag-alala para sa kanya. At nang ako'y naghanda at kumain na ng aking agahan, pumunta ako sa gate para kunin ang diyaryo ngunit napansin ko na may isang puting envelope na naka-ipit kasama nito.


Bumalik ako sa bahay matapos kunin ang dalawa.


Inuna ko na ang envelope at nang ito'y aking binuksan.


"Carl Concepcion,


Isang mapagpalang umaga sa iyo. Sadyang ako'y nabibighani ng tuwa na ikaw ay ligtas mula sa nangyaring insidente ukol sa pamilya ng iyong kaibigan. Ngunit sa kasamaang palad, sadyang meron talagang mga taong matitigas ang ulo, hindi ba? Ang mga taong hindi marunong sumuko at tuluyang umaangat kahit alam ng marami na sila'y hindi makalalaya sa katotohanan. Isang kasunduan ang aming ibubungad sa iyong mga kamay. Sa kapalit ng iyong minamahal na si "Gabriel Reid", ipagpapalit mo ang iyong sarili para sa kanyang kaligtasan. Mayroon kang oras para makapag-isip hanggang mamayang hating gabi sa bundok Ganahao kung saan nakatira ang iyong mga nakaraan. 

Carl to Calvin [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon