Chapter 48 - Apoy

972 44 0
                                    

Ilang mga saglit ay nakasulyap kami ng maliit na bunton ng usok mula sa aming tahanan, "Teka... hindi ba---?" Napatingin na muli si kuya Gab at nakita namin ang nagliliyab na apoy malapit sa aming tahanan. 


Agad kaming nagtungo sa kotse at binilisan ang pagpunta sa kanto namin.


"... H-hans...-!" Agad kong bigkas at bumaba ng kotse. Nakita namin ang nagliliyab nilang bahay at ang mga taong nagtutulong tulong na patayin ang apoy habang naghihintay sa mga bumbero.


"Nanay Cynthia, si Hans!?" tanong ko.


"Iho, nasa loob si Hans! Kaso hindi ko siya makita. Hindi na ako maka-akyat dahil sa apoy...!" paliwanag niya. "Saan niyo po siya huling nakita?" tanong ko.


"S-sa kwarto niya!" tugon niya.


Pinagmasdan ko ang paligid at tumabi sa akin si kuya Gab, "Kuya Gab, pakitawagan na ang pulis at ambulansya. Sigurado naman na natawagan na mga bumbero." utos ko sabay kuha niya ng phone.


Agad ko namang nilabas ang wallet at phone ko at ibinigay ito kay kuya Gab bago kumuha ng isang buong timba ng tubig at ibinuhod ito sa akin. Inayos ko ang buhok na tumatakip sa aking mga mata at nakakita ng maliit na butas para ako'y makapasok kapag sinira ko ang bintana.


Agad naman akong sumugod, "Calvin...? CALVIN!" sigaw ni kuya Gab sa akin ng ako'y tumalon at sinipa ang bintana, dinig ang pagbasag nito ng ako'y makapasok at nakakuha ng balanse ng maayos.


Sunod akong naghanap, ayon kay Aling Cynthia ay nasa itaas dapat si Hans ngunit nakita kong ilang mga segundo na lamang at babagsak na ang hagdan kaya agad-agad na akong umakyat kahit may ilang mga alab na ang aking nararamdaman at sakit.


"HANS!" sigaw ko ngunit hindi ako makapasok sa kwarto dahil ito'y naka-lock. May susi dapat kaso hindi ko alam kung saan, kaya isang paraan na lamang ang na-i-isip ko, mahina na rin naman ang kahoy dahil sa apoy kaya agad ko itong sinipa ng malakas at ito'y tumumba.


Muli, "Hans!" tawag ko ng kanyang pangalan at sunod kong nakita na gumaglaw ang cabinet niya.


Binuksan ko ito't nakitang nakatali ang mga kamay sa likod at nakatakip ang bibig gamit ang panyo.


"Wag ka magulo, alam kong masakit 'to." bigkas ko naman at itinapat ang kanyang kamay sa apoy para masunog na ang nakatali sa kanya. Ilang segundo lamang at ng ito'y natanggal, "... Salamat..." ang huling mga bigkas niya't tuluyang nawalan ng malay.


"Hans! Hans!" sigaw ko ngunit wala talaga.


Kinakailangan ko na siyang ilabas ngayon, kahit ako nakalalanghap na rin ng usok. Inakbay at inalalayan ko siya na bumaba mula sa hagdan. Naririnig ko na ang mga bumbero at ang ambulansya.


"... Konti nalang..." komento ko ng tuluyang nababalot ng mga masasakit na dulot mula sa apoy.


Ngayon, kailangan ko naman maka-isip ng paraan para makalabas, masyadong matibay at makapal ang pinto at nagliliyab na ito masyado. Tumingin ako sa likod pero kahit ang pinto patungo sa bakuran ay nasira na't wala na ang daan para makalabas.

Carl to Calvin [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang